MFBF: Seventy-Four

202 12 0
                                    

Pain from the past


[A/n: choss wala nakong maisip na title hahaha]


Nya's POV



"Tigilan moko Louie" saad ko saka tinabig ang braso nyang nakayakap sakin

Dirediretso akong naglakad paalis nang higitin nya ang kamay ko. Sinubukan kong kumawala pero masyadong mahigpit ang pagkakahawak nya sa braso ko



"I'm sorry,alam mo namang para sayo din to diba?"ani nya,pero umiwas lang ako nang tingin



"Desisyon mo yan,wala na kong pake"sagot ko



"Please naman Nya,mag usap tayo"



"Wala na tayong dapat pag usapan pa Louiegi. Pinili mong lumayo,ikaw ang umalis,ikaw ang nangiwan"madiin kong tugon




"No! Kahit kailan hindi kita iniwan alam mo yan, I told you babalik ako"sagot nya, napangiti ako nang mapait kasabay nang unti unting pagbagsak nang mga luha ko




"Hindi! Desisyon mo yun at wala akong magagawa, mas pinili mong kunin nila ako. Mula nang talikuran moko nung araw na Yun, sinabi ko sayo...wala ka nang babalikan pa Louie. Matagal nang tapos ang usapang to" buo kong sagot, ramdam kong lumuwag ang pagkakahawak nya sakin dahilan para makawala ako,pero kasabay din nun ang sakit na naramdaman ko nung araw na Yun


"Nya naman... please"lumuhod na sya sa harap ko,bagay na ikinagulat ko



"Tumayo ka!"utos ko,pero hindi sya sumunod



"Sabi ko babalik ako,sabi ko antayin moko. Cello ko... please"pagmamakaawa nya pa


Parang tinik na paulit ulit na tumutusok sakin ang baway salitang binibigkas nya dahilan para mas lalong bumuhos ang luha ko. Damn! I missed how he calls me by my first name, mula noon si dad at sya lang ang tumatawag sakin nang Cello. Ayokong may ibang tumatawag sakin nun maliban sa kanila,pero mula nang ipagkalulo nya ko nawalan na din nang say say ang pangalan na Yun...


* * * Flashback * * *

"Pst! Pst!" Sit sit ko habang nagtatago sa isang puno katabi nang bench na inuupuan nya

Agad naman syang napalingon at pilit akong hinanap pero nagtago pa din ako.

Plano naming tumakas mula kay dad. Ngayong araw ay napag usapan naming magtanan na lang kaysa magtago nang magtago. Hindi supportado si dad sa relasyon namin ni Louie sa hindi ko malamang dahilan,nung una suportado sya nang sinabi kong may nagugustuhan akong lalaki...pero nang ipakilala ko si Louie biglang nag iba ang ihip nang hangin

Pinalipat nya ko nang school at tuluyan nang pinutol ang posibleng maging koneksyon ko kay Louie at kanila Xynon. Nung time na Yun natagpuan ni Dad si Shawn, kinupkop nya si Shawn na parang tunay na ring anak kaya technically parang magkapatid na din kami.

Dati pa lang alam ko na ang illegal na negosyo ni Dad at ang peligrong nakapaligid samin kaya minabuti kong ilihim sa lahat ang totoo. Akala ko kaya ko pa ring mamuhay nang normal since hindi naman ako sangkot sa negosyo ni Dad,pero mula nang matagpuan nya si Shawn sinali na ko ni dad sa mga training at negosyo nya.

Wala na si mom at si Louie, wala din naman akong nagawa kundi ang sumunod Kay dad... hanggang sa di ko ini expect na magkikita uli kami ni Louie...


Pero sa unang pagkakataong Yun... baliktad na ang lahat.


Naging kalaban namin ang mga Ravena na syang kaibigan nya. Masakit para sakin pero kailangan kong sundin si Dad, kailangan namin silang pabagsakin. Sinubukan kong patigasin ang puso ko,pero sa pangalawang pagkakataon nabihag nya nanaman ako. Hanggang sa napagdesisyonan naming tumakas. Lumayo na sa lugar na to at takasan lahat nang problema...



"Pst! Ps----ay tapa!"nagulat na lang ako nang may yumakap sakin mula sa likod. Agad nya kong binuhat dahilan para mapangiti ako



"Cello ko.."panimula nya, tinignan ko naman sya na puno nang pananabik at saya


"Oh?"tanong ko pa


"Mahal Kita,sobra"saad nya saka ako niyakap nang napakahigpit, palihim naman akong napangiti



"Ma---"


"Pwedi ipangako mo sakin...kahit anong mangyari hinding hindi ka mawawala sakin"udlot nya sa sasabihin ko, napangiti lang ako lalo


"Pangako...babalik ako"unti unting napawi ang ngiti ko sa sinabi nya


Dahan dahan syang kumalas sa pagkakayakap sakin kasabay nang pagdilim nang kalangitan,taka pa din akong nakatingin sa kanya



"Ano bang---"


"Nyandara!"biglang lumakas ang kabog nang dibdib ko nang marinig ang boses ni dad


Naguguluhan pa rin ako sa mga nangyayari pero hinawakan ko nang mahigpit ang kamay ni Louie,at nagtaka nang hindi nya man lang ako hinawakan pabalik. Unti unting pumatak Ang maliliit na butil nang tubig na di kalauna'y naging malakas na ulan. Nagulat naman ako nang makitang nakapalibot na ang mga tauhan ni Dad samin dala dala ang samo't saring baril

Pinilit kong iharap si Louie sakin pero matamlay lang syang nakayuko.



"Louie,Louie umalis na tayo"pangungumbinsi ko,pero nanatili lang sya sa ganung sitwasyon


"Wala ka nang ginawang tama!"bulyaw ni dad kasabay nang pagtama nang palad nya sa pisngi ko,ramdam ko ang hapdi pero Hindi ko yun ininda at mas hinigpitan lang ang hawak sa kamay ni Louie,nang tabigin nya ang kamay ko

Para akong pinagsakluban nang langit at lupa nang sya mismo ang bumitaw sa pagkakahawak sakin


"Sa tingin mo ipaglalaban ka nang lalaking to?!"tanong ni Dad saka agad na pinaulanan nang suntok si Louie,agad naman syang bumulagta dahilan para mapaluhod ako at alalayan sya



"Dad tama na!"sigaw ko,kita ko naman sa mukha nya ang matinding galit "Ayoko na! Pagod na ko! Sasama ako kay Louie sa ayaw at sa gusto nyo!"sigaw ko sa kanya,agad naman akong nagtaka nang tabigin ni Louie Ang kamay ko sa braso nya at tumayo nang mag Isa


"Louie ano bang nangyayari sayo?!" Sigaw ko sa kanya dahil sa lakas nang ulan

Sa unang pagkakataon,nakita ko ang malamig nyang tingin sakin. Masakit...sobrang sakit


"Sumama ka na sa kanila..."saad nya na ikinataka ko


Agad akong tinayo nang Isa sa mga tauhan ni dad at pilit na sinakay sa van,pero magpumiglas pa din ako. Isa isa ko silang pinagsusuntok hanggang sa makabalik Kay Dad,pero halos madurog ang puso ko nang sya mismo ang sumampal sakin



"T*Ng*na! Louie ano b--" napahawak ako sa pisngi ko dahil sa hapdi



"T*Ng*na mo wala kang karapatang saktan Ang anak ko!"sigaw ni Dad sa kanya saka sya muling pinaulanan nang suntok


Napatitig lang ako sa kanya dahil sa gulat habang pinagsisipa sya ni dad at nang mga tauhan nya. Kasabay nang pagagos nang tubig sa langit ay ang labis ring pagbuhos nang luha ko

Hindi ko maintindihan...bakit Louie??




* * * End of flashback * * *





________________________________

Pansin ko guyz tong season na to puno nang flashback hahaha pansin nyo din? Title ko kaya sa season na to,the flashback begins?HAHAHAHA LANGYANG UTAK!


Don't forget to vote and comment love love 😘😉

My Five Boy Friends: Season 2 (Complete)Where stories live. Discover now