MFBF: EPILOGUE

190 13 5
                                    



Lezili's POV

"H-huy, teka tumayo ka jan" tarantang utos ko sa kanya saka agad syang inalalayang tumayo "Ano bang nangyayari sayo? Bakit ka nagso-sorry?" Takang tanong ko matapos nyang tumayo, agad naman nyang pinunasan ang mga luha nya ngunit hindi sila maubos ubos at nagpatuloy pa rin sa pagpatak

"I'm sorry...f-for blaming you for everything...I should've spoken soon enough instead of blaming you for everything" gumagaralgal ang boses na sagot nya dahilan para mas lalo lang akong magtaka "I knew... I knew that mom was a traitor, b-but I didn't say a word... I k-know from the start...t-that t-there's something wrong with her, i-i was just s-so afraid... I didn't want to admit it" dagdag nya pa. Agad naman akong nakaramdam nang awa kaya agad ko syang niyakap

Hindi ko sya masisisi kung pinangunahan sya nang takot... Base sa mga naaalala ko dati, close din naman kami ni Zyrene. Naiintindihan ko kung masakit para sa kanya ang lahat ngayon dahil ngayon nya pa lang unti unting tinatanggap ang lahat. Parehong magulo ang mga buhay na meron kami, at bilang panganay alam kong mahirap din sa kanyang alagaan at protektahan ang kapatid nya habang pinoprotektahan ang sarili nya.

Dati pa lang alam ko nang sinasaktan si Zyrene nang nanay nya tuwing may makikita akong mga pasa at sugat sa kanya, pero lahat nang yun tiniis nya. Pinilit nya pa ding mahalin ang nanay nya sa kabila nang mga masalimuot na mga pangyayaring naranasan nya muli rito. Kaya hindi ko sya masisisi kung mas pipiliin nyang paniwalain ang sarili nyang isang malaking malas ang lahat, malas na ako ang nagbigay, kumpara sa tanggapin ang katotohanang isa din sila sa may mga kasalanan

"Only Dad loves mom. She never loved Dad. Even lolo doesn't want her for Dad if mom wasn't just pregnant, there wouldn't be a wedding. If it wasn't because of me, none of these would've happened. Mom wouldn't have lost her mind... Dad wouldn't have send her to a mental institution... You're life would've been better" ramdam ko ang pait sa bawat salitang binibigkas nya. Hindi ko alam kung anong sasabihin, dahil kung tutuusin ay wala naman talaga syang kasalanan.

"Wag mong sabihin yan Zyrene. Nagtraydor man ang mama mo o hindi, hindi pa rin magiging maayos ang buhay ko. Ang mga magulang ko ang nagsimula nito, kung tutuusin wala tayong kinalaman dito dahil mga anak lang naman nila tayo. Hindi natin kailangang pasanin at akuin ang mga kasalana't mga problema nila. Hindi man gaanong malinaw sakin ang lahat pero wala na 'kong pakealam. Ang gusto ko na lang ngayon ay ang kalimutan ang lahat at gumawa nang mga bago't masasayang ala ala" pagod na tugon ko saka mahinang napabuntong hininga

Wala akong alam sa buong nangyari o kung paano ito nagsimula, pero wala na 'kong planong alamin pa yun. Tama nga si Nya, hindi lahat nang bagay 'e dapat alan mo. Minsan mas mabuti na din yung wala kang alam sa mga tunay na pangyayari. Pakiramdam ko sapat na lahat nang nalaman ko ngayon at ayoko nang madagdagan pa. Kaya kung ano man ang tunay na nangyari sa nakaraan ay mas pipiliin kong wag nang alamin at ibaon na lang sa limot.

LUMIPAS ang ilang bwan at unti unti na ring bumabalik sa ayos ang lahat. Nadischarge na kami nila Xynon at Shawn sa ospital. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa pagaaral ko pero ang sabi naman ni Shawn 'e sya na daw ang bahala doon, basta ang importante 'e makapagpahinga ako at makarecover.

Gaya nang ipinangako nila Tito at tita ay hindi nga nadawit sa anomang kaso si Nya, nahuli na lahat nang mga tauhan ni Hilberyo at agad na ipinasara ang mga negosyo at mga transaksyon nya pero sa kasamaang palad ay hindi man lang namin sya nakitang makulong sa selda. Ang kwento nila Louie ay nung hulihin sya nang mga pulis ay inagaw nya ang baril nang isa sa mga ito at nagpakamatay na lang. Nang matapos ang imbestigasyon ay bumalik na din si Nya sa mansyon nila, kaso ang kutong lupa mukhang ayaw na syang pakawalan kaya sapilitang sumama sa kanya sa mansyon. Wala namang nagawa si Nya kundi ang pumayag na lang kaysa naman sa panoorin itong matulog sa labas nang bahay nila. Si tita Irene naman ay ipinasok sa mental kung saan mas hinigpitan ang pagbabantay sa kanya para hindi sya makatakas. Paminsan minsan ay dinadalaw namin sya nila Xynon at Zyrene pero mukhang tuluyan na syang nawala sa katinuan at hindi na makausap nang maayos.

My Five Boy Friends: Season 2 (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon