Kabanata Dalawampu

138 17 0
                                    

Muling bumalik si Kiira sa kanyang silid matapos dalhin si Laito sa sarili nitong silid.














Tumingin siya sa malaking orasan na nakadikit sa dingding ng kanyang silid at nakitang kaunti nalang ang natitira niyang oras.













"Novis" Reverse. Aniya kasabay ng pagkumpas ng kamay niya kaya muling bumalik ang mga inalis niyang gamit nang magtungo si Laito sa kanyang silid.













Kinuha niya ang malaking lalagyan kung nasaan ang mga gamit niya. Tinignan niya kung kumpleto na ba ang mga gamit niya bago inayos ang kapa na may sabong na gagamitin niya sa kanyang paglalakbay.














Nang makitang handa na ang lahat ay pumikit siya at pinilit na alamin kung nasaan si Saito. Muli siyang napadilat habang nakakunot ang noo ng makita itong nakatungtong sa isang sanga ng puno.














Walang anu-ano na tinungo niya ang lugar na kinaroroonan nito at sa isang iglap ay nakita niya ito hindi kalayuan sa kanya. Hangang-hanga sa kanya si Saki dahil hindi nito akalain na marami siyang kayang gawin hindi tulad niya na kakaunting salamangka lamang ang kayang gawin.














"Saito..." bulong niya at mula sa kinatatayuan niya ay nakita niya ang paggalaw ng tainga nito.













Alam niyang narinig nito ang bulong niya dahil sa bilis nitong makaramdam sa paligid. Nagsimula siyang maglakad patungo sa p'westo nito hanggang sa nasa tapat na siya ng puno.














"Ano ang iyong ginagawa sa lugar na ito? Hindi ka dapat naririto" ani Saito nang tuluyan siyang makalapit rito.














"Nais ko lamang na makausap ka. Nalaman ko na ngayon ang araw ng kamatayan ng iyong mga magulang at iyong dating alaga dahil na rin sa naikwento sa akin ni Laito kanina. Nais ko lang na damayan ka" aniya.














"Hindi ko kailangan ng pakikiramay mo" anito.













Naramdaman niya ang sakit ng pagkislot sa puso niya dahil sa sinabi nito. Bahagya siyang ngumiti at umakto na hindi inintindi ang sinabi nito.














"Ayos lang sa akin. Hindi naman kita pipilitin na magsabi sa akin gayong wala namang ibang dahilan upang ako'y iyong sundin gayong isa lamang akong hamak mong alaga" aniya na kinalingon nito sa kanya.














Napapitlag siya ng sa isang kisap mata ay nasa harapan na niya ito at matalim ang mga matang nakatingin sa kanya. Napalunok siya sa paraan ng pagkakatingin nito sa kanya ngunit tinatagan niya ang loob niya.













Ilang araw kang mawawala, Kiira, at walang katiyakan ang iyong pagbalik kaya gawin mo na ang nais mo bago mo sila iwanan. Anang Saki sa isipan niya kaya nagkaroon siya ng lakas ng loob na harapin si Saito.













"Ano ang iyong tinuran? Isang hamak na alaga?" Ani Saito na tila hindi makapaniwala.













Buong tapang na sinalubong niya ang matalim nitong tingin. "Sinabi mo sa 'kin noon ang pagtanggal mo sa isa sa mga batas na inilathala ng iyong angkan kaya't kapag naisakatuparan mo iyon ay wala na akong silbi kung 'di ang paglingkuran ka."













A World Ruled By Fox: Nine Tailed Fox And The Human Pet (COMPLETED)Where stories live. Discover now