Kabanata Lima

217 17 1
                                    

Masama ang timpla ng mukha ni Saito habang nakaupo sa dulo ng higaan niya habang nakatayo sa harapan niya si Hayato na nakayuko ang ulo.







"Patawad sa aking kapangahasan, amo. Nais ko lamang na manumbalik ang inyong sigla at ito ang aking naisip" katwiran ni Hayato.








"Manumbalik ang aking sigla sa pamamagitan ng pagkuha ng mapagkunwari!?" Galit na giit niya sa seryosong boses.








"Hindi siya mapagkunwari, amo" sagot nito.






"Paanong hindi!? Kamukhang-kamukha niya si Shami maging sa tindig" asik niya bago umiwas ng tingin, "maliban nalang sa kanyang mga mata" dagdag niya sa mababang boses.








"Dahil hindi siya si Shami, amo" ani Hayato na nabubuhayan ng loob.






Napapikit siya ng mariin at hindi nakapagsalita. Akala niya ay totoo ang nakita niya pagkapasok niya ng silid niya ngunit hindi niya akalaing hindi ito ang matagal ng hinahanap ng mga mata niya.







"Maaari ngang magkamukha sila ni Shami ngunit hindi siya ang iyong dating alaga. Siya si Kiira, amo. Nakita siya ng isa sa mga tauhan kong inutusan ko na maghanap ng bago ninyong alaga kaya't hindi na 'ko nag-atubiling kuhain siya" ani Hayato.







"Paano kung may nagmamay-ari na sa kanya?"





A World Ruled By Fox: Nine Tailed Fox And The Human Pet (COMPLETED)Where stories live. Discover now