Kabanata Animnapu't Lima

122 11 0
                                    

Habol-habol na ni Kiira ang kanyang hininga habang kaharap ang kanyang kalaban. Marami na rin siyang natamong sugat na hindi niya na magawang mahilom dahil sa panghihina niya.















Kitang-kita ang mga dugo na dumikit sa suot niya mula sa kanyang sariling sugat at mula sa kanyang mga napatay.














Napapikit siya ng mariin at sa pagdilat ay muling sinalubong ang mga kalaban na patungo sa kanya. Panay ang wasiwas niya sa kanyang espada upang maiwasan ang matatalim na espada mula sa asong lobo at mga oso.


















Nang mapatay ang mga ito ay napagawi ang tingin niya kay Saito. Hindi niya mapigilang hindi masaktan nang makita kung paano nito protektahan si Shami.















Kayang-kaya nitong isakripisyo ang kanyang buhay para sa taong kanyang iniibig. Anang isang bahagi ng isip niya.


















"Kiira..."

















Umiwas siya ng tingin sa dalawa at hinabol ang kanyang hininga. Hindi niya namalayan na nakalapit na pala sa kanya si Saki.


















"Kailan kong lumaban. Kailangan nang matapos ang laban na 'to" turan niya at sinubukang makatayo.


















"Ngunit hindi na maganda ang iyong lagay. Maaari kang mapahamak kung pipilitin mo ang iyong sariling kapangyarihan" nag-aalalang turan nito.


















Ngunit tila wala na siyang naririnig pa. Walang ibang nasa isip niya kung hindi ang tapusin ang laban.

















"Wala na akong pagpipilian pa, Saki" aniya at tumingin sa paligid. "Ayoko nang makita pa ang mga kalahati natin at ang lahat na nahihirapan. Hayaan mo na lamang ako."
















"Ngunit---"

















"Magiging maayos lang ang lahat kung may magsasakripisyo" katwiran niya at sinubukang makatayo.








A World Ruled By Fox: Nine Tailed Fox And The Human Pet (COMPLETED)Where stories live. Discover now