CHAPTER 31

2.4K 84 25
                                    

"MOMMA? Masaya na po ba sa heaven si Kuya Ivan?" Tanong sa kanya ng anak niyang si First.

Kasalukuyan silang nasa bahay niya sa Cebu at dinalaw ang puntod ng batang nakilala niya noon sa ospital.

May leukemia ang bata at nasa stage 4 na ito. Ulilang lubos na ang bata at tanging tiyahin na lang nito ang nag-aalaga dito. At talagang naawa siya dito dahil nakita niya ito minsan na sinaktan ng tiyahin nito dahil ubos na daw ang pera na pampagamot dito kung kaya pati ang tiyahin nito ay inabandona na rin si Ivan.

Kaya inako niya ang responsibilidad at siya ang nag-alaga dito. Katuwang niya si Cal sa pag-aalaga dito at sa ilang buwan na pag-aalaga niya kay Ivan ay naging Mama na ang tawag nito sa kanya at tinurin niya na din itong parang tunay niyang anak habang lumalaki naman ang tiyan niya.

Ngunit sumuko din ang bata sa pakikipaglaban sa sakit nito at bago pa man siya makapanganak ay namahinga na si Ivan.

Hindi na kinaya ng katawan nito ang sakit na iniinda. At bumitiw na ito mula sa sakit nito.

She remembered how Ivan loves playing being a knight in shining armor. Ito daw ang magliligtas sa kanila ni First kapag may bad guys na dumating. His first name also is First. Kaya nang manganak siya ay inspirasyon niya si Ivan sa pagbibigay niya ng pangalan sa anak niya.

First Knight.

At palagi niyang kinikwento kay Knight kung gaano ito kamahal ng kuya Ivan nito na kahit nasa heaven na daw ito ay magbabantay pa rin ito sa kanilang dalawa.

Hinaplos niya ang mukha ng anak. "I think he's happy now baby. Wala na ang bad guys. Magiging matahimik na din ang buhay natin.."

Yumakap naman sa kanya ang anak. "I'm happy too Momma!" Saka ito lumingon sa puntod ni Ivan. "I love you Kuya Ivan. Even if, you're not here na. But in our hearts, you'll always be here.."

Biglang umihip ang malamig na hangin at naramdaman ni Thadei na parang may yumakap sa kanila. Kaya hindi niya napigilan ang pagpatak ng luha sa mga mata. At kaparehas ni First ay tumingin siya ulit sa puntod.

"I love you Ivan.. Anak.."

THEY were on their way to Martinez Hospital for First Knight's monthly check-up. Then after First's check-up ay tutungo na sila ng Isla Amore.

It's been 7 months since the tragedy happened. Akala ni Thadei ay mamamatay si Xerxes. Sadly, he survived at kasalukuyan na itong nasa isang mental institution pero bantay sarado pa din ito ng mga pulis at sundalo ng palasyo.

Xerxes has mental illness. Pero ang sabi naman ng doctor ay magagamot pa naman ito kung gugustuhin ng binatang gumaling.

Hindi rin totoo ang sinasabi nito na ito ang unang anak ng hari sapagkat tanging si Marco lang ang nag-iisang anak ng hari at reyna ng Italya. Dahil siguro sa maagang naulila si Xerxes kaya ang mga magulang ni Marco ang kumupkop dito at nag-alaga. Hindi nila namalayan na sa paglaki nito ay naging obsessed na ito sa pagmamahal na ibinigay ng mga magulang ni Marco. Maging sa kapangyariyang mayroon ang isang hari ay ikinababaliw na din ng binata. And somehow, Thadei can feel pity towards Xerxes. Pero kailangan nitong pagbayaran ang lahat ng kasalanang ginawa nito lalong-lalo na sa  pagpapasabog nito ng bomba sa bangkang sinasakyan ng mga kinagisnan niyang mga magulang.

"Your highness, we're here."

Napangiwi si Thadei sa tinuran ng sundalo slash driver nila. Talagang hinding-hindi siya masasanay na tawagin sa pangalan na iyon. Nginitian niya na lang ito nang pagbuksan sila ng pintuan ng kotse.

Kaagad siyang bumaba ng sasakyan karga-karga si First. Pero kalaunan ay nagpababa din sa kanya ang anak at saka maingat na naglakad patungo sa pintuan ng ospital kung saan may naghihintay na sa kanilang pagdating.

𝐼𝑛𝑜𝑥𝑒𝑛𝑡𝑒𝑠 1: 𝒮ℯ𝒾 𝒯𝓊𝓉𝓉ℴ 𝒫ℯ𝓇 ℳℯ♡Where stories live. Discover now