CHAPTER 12

2.8K 97 75
                                    

THADEI

"BY THE power vested in me, I now pronounce you husband and wife. You may now kiss your wife." Nakangiting anunsyo ng judge na siyang nagkasal sa amin ni Marco.

Dahan dahan akong tumingin sa kanya at siya naman ay masuyong hinawakan ang aking pisngi. Nakapinta sa mga mukha namin ang kaligayahan sa piling ng isa't isa.

Ipinikit ko ang aking mga mata at naramdaman ko ang kanyang mainit na paghalik sa aking noo papunta sa aking ilong hanggang sa magtagpo ang aming labi.

Ginawaran niya ako ng isang masuyo ngunit maalab na halik na parang wala ng ibang tao na nakapaligid sa aming dalawa.

"Hey you two! Tama na muna yan. Nagugutom na kami dito." Sigaw ni Lander.

"Feeling ko hindi ka tao. Parang kanina lang kumain ka pa lang nung di pa nagsisimula ang kasal." Pasupladang sabi ni Señorita Zai na kasama sa mga imbitado sa munting kasal namin ni Marco.

Kasama niya si Senyor Agustin at sir Nicc. Napatingin ako kay senyor Agustin at bigla siyang yumukod sa akin. Kaya bahagya akong nabigla sapagkat hindi basta basta yumuyukod ang isang katulad niya.

"Baby, halika na, picture taking daw. Magaling ang photographer na na hire ko. Malaki pa ang discount natin." Alanganin akong ngumiti sa kanya at tumingin sa gwapong lalaki na sinasabi niya. Si Mr. Lee Kim na napansin kong lapit ng lapit kay Maan. Hmm.. Mukhang magdadalaga na rin si Maan.

Di ko napansin na napabungisngis ako at ng pisilin ni Marco ang aking bewang ay napahinto ako.

Shemay naman bruha, literal na bungisngis talaga?

Bigla akong namula dahil nakatingin sa akin ang mga kaibigan niya.

"Baby. Hey.. Relax.. We've got tonight." Bulong niya sa akin sabay bahagyang kagat sa taenga ko kaya mas lalo akong namula.

Kaya hinampas ko siya sa balikat. "Bastos!"

Tumawa lang siya sabay yakap at halik sa akin. "Wala naman akong sinabing bastos dun mahal kong asawa. Or baka ang iniisip mo ngayon ang---" Kinurot ko sya.

Panginoon ang landi naman ng asawa ko. Patnubayan nyo po ako.

"Picture time na couples!" Masayang sigaw ni Mr. Kim.

Si Lander ay hinila si Zai sa gitna ng mini stage. "Couples daw sweetheart." Sabay kindat niya kay Zai.

"Bakit? Boyfriend kita boy? Asawa? Wag kang assuming!" Sabay hampas niya kay Monay at nag walk out siya. Si Monay naman ay tawa lang ng tawa. Saka hinabol niya si Zai.

"Hey! I like it when i call you señorita, sweetheart!" Pangungulit pa din ni Monay kay Señorita Zai.

Habang kami naman ni Marco ay nagsimula na sa picture taking. Pagkatapos kaming kunan na dalawa ng maraming picture, sumunod naman sila nanay at tatay na katabi ko habang ang katabi naman ni Marco ay si Senyor Agustin na siyang tumayong ama habang pumipirma kami ng kontrata.

After ng picture taking with the family. Sumunod naman ang picture taking kasama ang mga kaibigan kong inosenti. Isinali na rin namin si Señorita Zai na kahit maldita ay mabait din naman pala.

𝐼𝑛𝑜𝑥𝑒𝑛𝑡𝑒𝑠 1: 𝒮ℯ𝒾 𝒯𝓊𝓉𝓉ℴ 𝒫ℯ𝓇 ℳℯ♡Where stories live. Discover now