CHAPTER 8

3.5K 124 44
                                    

"HAYS.." Napabuntong hininga ako. Nakakabagot ngayong araw. Mabuti na lang at walang masyadong costumer ngayon sa bake shop.

"Hoy Dei, ano bang nangyayari sayo? Kanina ka pa bumubuntong hininga dyan. May problema ba?" Tanong ni Monay sa akin.

"Wala naman. Sa totoo lang, namimis ko na si Marco ko.." Sabi ko pa.

"Wow! Coku pa nga." Sabay tawa niya sa akin kaya hinampas ko ang balikat niya.

"Wag ka nga! Bakit ba? Palibhasa wala kang love life Monay!" Asar ko sa kanya. Pero siya? Nakangisi lang sa akin habang may mapang asar na ngiti.

"You know, women drool whenever they see me my dear. In just one snap of my finger I can have any woman I like. In my bed. Naked. Writhing in pleasure. Moaning outloud. Shouting my name. Begging. "

"O eh di ikaw na. Yuck, buti na lang di tayo talo." Pang aasar ko pa sa kanya.

"Oo nga ano? Bakit kaya di tayo naging magjowa?" Parang nagtataka pa siya.

Inirapan ko na lang siya. "Duh? Ayoko sa babaero saka hanggang kaibigan lang ang turin natin sa isa't isa. Walang labis, walang kulang."

"Kumusta naman si Marco sa winery farm?"

Bigla akong nalungkot sa tanong niya sa akin. "Siguro.. Maayos siya doon. Di ko alam. Simula ng natanggap siya sa winery farm. Nag stay in na siya doon. Ni minsan sa isang buwan hindi niya ako dinalaw.." Naluluha ako habang sinasabi ko iyon kay Monay.

Siya naman ay napabuntong hininga."Let him be. Baka mas okay sa kanya na hindi kayo tumira sa isang bahay. Marupok ka pa naman sa kanya."

Pinandilatan ko siya at hinampas ng thong sa kamay. "Gagi ka! Kaibigan ba talaga kita Lander?! Makarupok to."

"Oi nakakarami kana Dei ha, sige ka, bawas ko to sa sahod mo. " Nakatawa pa siya.

Araw araw palagi niya akong inaasar. Ganun na kami simula ng magkakilala kami ni Lander dito sa isla. Siya ang guy best friend ko. Walang malisya. Kaibigan lang talaga.

Nagtataka din ako sa sarili ko kung bakit hindi ko siya nagustuhan bilang isang lalaki. Malamang, eh sa panaginip mo pa lang, kajugjugan mo na si Marco. Marupok ka bruha!

Hindi ko na lang pinansin ang isipan ko at nagpatuloy na ako sa pagtatrabaho. Inabala ang aking sarili upang mawaglit sa aking isipan si Marco.

Naiinis ako. Nagtatampo. Nakapagpaalam siya kina Nanay pero sa akin hindi. Nasa bayan daw ako nung magpaalam siya. Hindi halata na binibilang ko ang mga araw mula ng umalis siya sa bahay namin.

Sumisikip ang dibdib ko at sa gabi, nakakatulog ako ng umiiyak. Di nga nya nawasak ang puri ko pero winasak niya naman ang puso ko. Parang kami e, pero hindi pala.


LUMIPAS na naman ang isang linggo. At ngayong araw ay kaarawan ko. Masaya ako dahil nandito ang mga kaibigan ko. Nandito si Nanay at Tatay. Ano pa ba ang hahanapin ko? Si Marco bruha.

Napabuntong hininga na lang ako. Siya na naman. Ayoko na muna siyang maalala. Gusto ko siyang tanggalin sa sistema ko. Kaya naman nung araw na yun ay pumasok ako sa trabaho kahit ayaw nila nanay na magtrabaho ako.

𝐼𝑛𝑜𝑥𝑒𝑛𝑡𝑒𝑠 1: 𝒮ℯ𝒾 𝒯𝓊𝓉𝓉ℴ 𝒫ℯ𝓇 ℳℯ♡Where stories live. Discover now