Twenty

16 10 0
                                    

The March of Section Zeal

(Zeal part 4)

Dedicated to Marilyn Ceballos.

--

Puro iyakan, tawanan at usapan ang pumuno sa buong covered gym.

Ito ang araw kung kailan, magtatapos ang lahat ng paghihirap naming mga High School students. Sa bawat araw na lumipas habang nag-aaral pa kami, lahat ng pagod namin ay agarang naming binabalewala dahil may kailangan pa kaming gawin para matupad ang matagal na naming inaasam.

Our peace of Graduation.

Para sa mga kabataan noon, ang edukasyon ang siyang pinaka-una na dapat gawin habang palaki ng palaki ang bawat agad ng araw, buwan at taon. Hindi man ito madali par asa lahat pero nagagawan ito ng paraam upang makamit lang ang inaasam.

Facebook, Youtube, Instagram, Twitter, Online games, at online shopping ang inaautapag ng mga kabataan ngayon. Para sa kanila, hindi kumpleto ang araw nilang kung hindi man lang makapag-browse sa kanilang mga social accounts, o dika’yay makapag selfie kasama ang kanilang mga bagay o kaibigan na ipinagmamalaki na puro kaplastikan lang din ang alam.

Hindi ko sinasabing masama ang dulot nito ngumit bakit natin uunahin ang mga walang saysay na bagay kung hindi ito makakatulong sa pag-angat ng ating buhay?

Pero para sa aming naniniwala sa kasabihan ‘ang pag-aaral ang siyang daan sa kinabukasan’ ay isa lang itong gabay sa mga darating pang pangyayari. Naka-graduate nga kami ng High school papaano na lang ang college kung ito’y sinasabi ng karamihan na siyang pinaka-mahirap na hakbang sa buhay mag-aaral.

Malawak akong ngumiti sa buong studyante na matatamaan ng aking tingin ng tumayo ako sa aking inuupuan at naglakad sa harapan. “Calling for the attention of, Miss Maxine Ceballana, our lovable Valedictorian, for her peaceful speech.”

Hindi ko pinagmamayabang na nakapagtapos ako ng high school na may matataas na grado, malawak na kaalaman and being a with honors student. Pero hindi ko din maiwasang ngumiti na parang may ipinagmamayabang dahil sa aking nakamit na kamantaasan.

Sa paghinga ko ng malalim ay ang pag lawak ng aking tingin sa buong covered gmy. Ang mga ina na siyang umuodyok sa kanilang mga anak upang mag-aral dahil nais nila itong makapagtapos. Ang mga ama na siyang gumagabay sa ating kung tayo’y may kinakailangan. Ang ating mga nakatatandang kapatid na siyang tumutulong kung tayo’y may pagkukulang, at ang ating mga kaibigan na sabay sinusuportahan ang isa’t isa.

“Together, we are all gathered here in the place where it all started, dito, sa covered gmy na ito ang enrollement kung saan ka papasok sa paaralan. Dito lahat ng mga assembly meeting at kung ano ano pa, at ngayon sa aking mga kasamahang mag-aaral. Dito din magtatapos ang ating mga paghihirap at ang bagong simula ng ating tagumpay.” Paninimula ko.

“Ngunit tatanungin ko kayong lahat, ano ba ang inyong rason kung bakit kayo pumasok sa paaralan bilang mag-aaral? Ang iba ay gustong makahanap ng mga kaibigan, ang iba ay dito nakakahanap ng partner sa laro at ang iba ay dito nakakahanap ng kanilang minamahal. Ngunit ano ba talaga ang rason kung bakit kayo pinasok ng inyong mga magulang sa ganitong situation?”

Marahan akong ngumiti sa lahat. “Dahil nais nila tayong makapag-tapos at maging maganda ang ating haharapin na kinabukasan. Walang magulang na nais maging isang dukha ang anak, nagpapasalamat tayo sa kanila dahil tayo’y kanilang binuo, tayo’y iniluwal ng ating mga ina, ngunit alam kung marami din sa atin sa paligid na nagluluksa dahil hindi buo ang pamilya, hindi sa nakaka-offend ako pero, hindi ba ay may mga anak na napapabayaan dahil sa pansariling kasiyahan ng mga magulang? Kung mahal nila tayo gagawa sila ng paraan upang gabayan ang ating kinabukasan. Ngunit marami din pala ang nagsasariling sikap makamit lang ang kanilang mga pangarap.”

“Kagaya ko, wala pa man akong muwang, iniwan na ako ng aking ina, kay hirap ng aking dinanas dahil kailangan pa akong iwan ng aking ama sa kanyang ina na aking lola dahil kinakailangan nitong magtrabaho abroad dahil sa aking pangangailangan. At siyam na taon gulang ako ng maranasan kong mawalan ng masasandalan, iniwan na ako ng aking ama, sa pangangalaga ng kanyang mga nakatatandang kapatid na akign mga tiyahin at tiyuhin, at sa aking lola. Mahirap ang situasyon, kailangan mo munang maghirap bago mo makamit ang ninanais mo. Tanda ko pa nga noon, iba’t ibang paraan ang aking ginagawa para lang tumaas ang aking grado, maging proud lang ang siyang nagpapaaral saakin.”

“Kaya, ang masasabi ko lang, I’m proud to all of those student who need to sacrifice their self for just a piece of paper for their education. I am proud to all of my co-student. Thank you.”

Sa pagbaba ko mula sa entablado ay ang pagsalubong sa aking ng isang masigarbong yakap, ngiti, palakpakan, at papuri. Ngunit isang tanawin ang siyang humaplos sa akin puso, ang taong siyang nagpaaral saakin.

Sinalubong niya ako ng isang buong pusong yakap, haplos ng paghanga at luha ng kasiyahan.

“I’m proud of you, Maxine…”

Tumingin ako sa kanya na may pagsusumamong at nanunubig na mga mata. “Auntie…”

“Your father must be proud of you.”

--
Caliveer

--
Don't forget to Comment and Vote
Thank you

Holidays Of The Tales (Short Stories Compilation)Where stories live. Discover now