Nine

26 12 0
                                    

Behind Thing of Santan.

(Santan Part 1)

Dedicated to

--

"Okay! Ready na ba ang lahat?"

Sa bawat estudyante na nakikita ko na nagkakatipunan sa buong covered court ay may dalang mga sobre kung saan naglalaman ng mga sulat na gusto nilang mabasa ko kahit sa simpleng paraan lang.

This time we are having the poet and letter of salves, isa itong booth na pinakana ng mga nakakataas na council.

Dito pwede mong sabihin ang hinaing o sekreto mo sa pangalang hindi mo angkin.

Lahat ng studyante ay tumango na kaya pinalagay ko n asa isang may kalakihang box ang bawat sobre na hawak nila para mapagpilian ko,or ma-ramble.

"The first one is... Okay, shout out pala kay RedLove? Seryoso, may ganitong username? Nickname?" Manghang gagad ko.

Kase sa unang pahina ng bawat letter ay dapat ang nakalagay ay 'Dear, yung susulatan mo.' At sa last part naman ay ang username mo.

"This letter is for, Redlove From section Santan." Paninimula ko. "Dear, Redlove... Sa first day of class, napangaha mo ako sa aking katalinuhan mo. Hindi ka mayabang at hindi ka rin mahiyain, sadyang friendly ka lang talaga. I'm not saying that I've already smitten on you but maybe half of it. Yes, I like you in other part of way, your intelligence. You're looks, and your attitude with your awesome personality. I'm writing your story, not because I want to tell everyone how I like you so much but to let you know that you have admirer from afar on our gap... Love, February."

Tumawa ako ng mahina pagkatapos kong mabasa ang una kong letter na nabunot mula sa box. Wow! This confessionary have a thick face to tell her feelings in public.

"That was epic guys, napapa-tanong tuloy ako, sino si Febuary."

Ngumiti ako sa kanila at sinimulan ulit bunutin ang susunod na letter. Siguro ay mga lima o apat lang muna ang babasahin ko ngayon. Mamaya na naman ang iba sa susunod na teleporter.

Isa kasi akong broadcaster at ito ang naatas na booth sa club namin. Documentary kumbaga.

"Here's the second one, at hi, kay Jere, this letter is for you from one of your admirers."

Tumili lahat ng student na nakikinig sa akin, sikat siguro itong si Jere na ito. Hindi ko sure.

"This letter is for, Jere, from section Sunflower." Paninimula ko. "Dear, Jere... Hoy, Jere! I hate you to the hell and back. Akala ko ba forever na tayo? Bakit pupuntahan mo na lang ako sa favorite place natin tapos sasabihin mong, let's break up? Ano ako baliw? Wag ako, Jere. Oo nung una, tinanggap ko, dahil support kit asa pagiging Famous heartthrob ng campus na pinapasukan natin, pero ang sarap mo ring hambalusin, heartthrob ka nga, makapal din pala mukha mo dahil mangloloko at na-nanakit ka rin ng puso naming mga babae. I really hate, kaya thank you pala sa experience. Sasabihin ko toh, sa mga besties ko na malaki ang ti-tiwala mo sa sarili, I love you nga pala. Love, Ex mo."

"Sana all, dito e co-confess yung reaction niya sa pagbe-break niyo. Sana all, din pala sa mga may jowa." Nakarinig ako ng ilang mga bulungan, tawanan, chikahan, at tilian sa mga nanunuod at nakikinig.

Sumenyas na ulit ako sa kanila na bubunot na ako ng susunod na letter na babasahin. "Guys, tingin ko ito na ang huling letter dahil time ko na."

Dismayang reaksyong ang naging sukli sa akin ng crowd.

"And for my last letter to read for this time, shout out pala kaya Maxine Ceb—Teka! Pangalan ko toh, hala! Pati ako sinulatan... Thank you in advance kung sino ka man."

Tumawa ako ng pagak dahil sa excitement. "This letter is for me, Maxine Ceballana. From section Santan, also." Tumatawa kong paninimula. "Dear, Maxine... First of all I just want to say hello to you, and thank you. You are the transferee student who caught my attention, ikaw yung babaeng isang tingin mo pa lang ay agad makakakuha ng interes sayo. Matalino ka, maganda, at napakahin-hin mo, pero noong una. Dahil habang tumatagal ay pinapakita mo sa amin ang buo mong personalidad. Matulungin ka, at maintindihin. Wala kang pinagtataniman ng sama ng loob at parati kang nagpaparaya. Hindi ko isinulat dito ang katangian mo para ipagmayabang ngunit upang sabihin sa lahat kung bakit kita minahal ng sobra. Hindi mo man alam, mahal kita. Kaya laking tuwa kong ng kumalat ng buong balita sa classroom na crush mo daw ako. Hahaha, isipin mo nga may oras ka pa palang isipan ang crush-crush na yan kung gayong focus ka rin sa studies mo? Gusto ko lang palang sabihin na—."

Hindi ko naituloy ang sasabihin ko sa pagbabasa ng sulat ng biglang may sumigaw.

"Maxine I love you!"

--
Caliveer

--
Don't forget to Comment and Vote
Thank you

Holidays Of The Tales (Short Stories Compilation)Where stories live. Discover now