Twenty-seven

11 3 0
                                    

Civil of status, Dandelions

Dedicated to Trisha Mae Barinque

-- 

Tahimik akong nakaupo sa bakanteng silya sa pinaka-likurang bahagi ng classroom. Ang buong studyante sa loob ng classroom na ito ay napaka-ingay. Mga kalat nila ay nagkakaguluhan sa sahig.

Mabuti na lang pala at walang prof ngayon dahil busy sa meeting in agenda.

"Hoy, Trisha! Tawag ka nang bebe mo!"

Agad akong nag-angat ng tingin sa bandang pinto at tingnan kung sino ang tinutukoy niya. Hindi naman sa marami akong jowa, pero wala akong natatandaan na may bebe ako.

"Hi Trisha."

Mabilis kong iniwas ang tingin ko sa kawalan. Ba' naman oh, hindi pa ako ready. Nagmu-mukha akong dugyot sa ayos ko.

"Oh, Greg." Wala sa sariling bati ko. kahit ayaw ko siyang harapin ay kailangan ko pa rin siyang pakitunguhan ng maayos, bestfriend pa naman ng Mama niya ang nanay ko at baka magsumbong siya bigla. Mama's boy pa naman siya.

"May kailangan ka?"

Dahan-dahan siyang umupo sa katabi kong upuan. "Ah, oo. Mag papatulong lang sana ako sa assignment namin, nasabi kasi ni Casey nanapag-aralan mo nato."

Walang hiyang, Casey na yon! Binugaw pa naman ako.

"Oo, hehe. Akin na pag-aralan ko muna sandali."

Alam kong napapansin niya ang pag-iwas ko nang tingin pero parang wala lang naman sa kanya. Himala at nakita niya ako ngayon, kase sa mga nakaraang araw ay talagang sinadya kong umiwas.

Malapit na ang prom night at narinig kong chika ng section niya, na aayain daw niya ako.

Gandang ganda ka sa sarili, Trisha? Eh, ang dugyot mo namang tingnan.

Tahimik kong inabot sa kanya ang notebook at tumango. Kanina pa ako nag-e-explain about sa mga formula at sana naman ay naintindihan niya.

Binansagan akong matalino sa classroom namin kaya maraming lumalapit sa akin para magpaturo, pero minsan may ibang hindi seryoso, gusto lang maka-chansing.'

Tatayo na sana ako nang may humablot sa kamay ko. "Teka—Trisha."

Kung nasa fairytale lang siguro ako ay madrama na talaga akong lilingon with butterflies in my stomach.

Pero...

"Bakit? May kailangan ka pa?"

Umiling siya habang dahan-dahan ding' tumayo, pero hindi pa rin niya binibitawan ang kamay ko.

"Pwede bang..."

Ano? Tatanungin niya na akong pwede bang' maging date niya? pwe's papaya—

"Ilakad mo ako sa kapatid mo?"

[Originated flower: Dandelions]

--
Caliveer

--
Don't forget to Comment and Vote
Thank you

Holidays Of The Tales (Short Stories Compilation)Where stories live. Discover now