Chapter 2

3 2 0
                                    

Chapter 2

Limang araw na ang nakalipas simula ng makabalik kami sa Manila mula sa bakasyon namin sa Palawan. Ang masasabi ko lang ay naging masaya ako at nag enjoy sa pagpunta namin sa Palawan.

Andito ako ngayon sa aking kwarto nag-aayos ng sarili dahil ngayon na ang unang araw ko sa Martha University.

I already enrolled last two days, ate Hannah helped me to past all my requirements and I'm so thankful with that.

"Faye pakibilisan naman ang kilos dahil baka malate kana sa klase mo," sigaw ni ate sa labas ng kwarto ko.

"lalabas na ate," sigaw ko pabalik ng matapos kong maglagay ng liptint sa labi.

Kinuha ko na 'yong kulay asul kong bag at mabilis na naglakad patungo sa pintuan habang sinusukbit ang bag sa balikat ko. Medyo napatakbo ako pababa ng hagdan kaya muntik na akong mahulog mabuti na lang ay nakahawak ako sa railings.

Mabilis ang tibok ng puso ko hangang sa makababa ako sa living room. Jusme, muntikan na 'yon ah. Ayaw ko pang mamatay gusto ko pang magkaroon ng lovelife eh.

"Namumutla ka? Anong nangyari Faye?" Nag aalalang tanong ni Mama.

Umiling iling ako at huminga ng malalim. "Muntik na akong mahulog sa hagdan Ma, nagmamadali kasi ako."

She glared me. "Diba sabi ko sayong maghinay hinay ka? Jusme paano kung nahulog ka nga ha?"

"Hihi don't mind me Mama, buhay namam ako. Paalam aalis na kami ni ate," pabirong sabi ko at mabilis na hinalikan si mama sa pisngi.

Mabilis akong sumakay sa Lamborghini ni ate na kulay itim. Mabuti pa siya may sasakyan na ako kaya kailan? Di joki joki lang hindi ako naiingit sadyang nag-iingat lang sila ni mama sa akin dahil baka maulit na naman ang nangyari sa akin 4 years ago.

I don't want to loss my memories again. Nakakapagod gumawa ng panibagong alaala na mawawala lang din naman diba?

"Babaeng makulit, huwag na huwag kang kumausap sa mga taong mukhang tsokoy ha? Duh, ayaw kong magkaroon ka ng tsokoy na boyfriend," she said while rolling her eyes.

She started the engine and drove slowly going to Martha University.

"Hindi naman gano'n kasama ang taste ko ate, kilala mo ako. Pihikan ako sa mga lalaki," sabi ko habang ang paningin ay nasa daan.

"Nagsasabi lang ako kafated, malay natin mag-iba ang taste mo," sabi niya.

Naiinis na tumingin ako sa kaniya pero nakangisi lang siya habang nagmamaneho. Napairap na lang ako sa hangin sa sobrang inis.

Nagsasabi lang ako kafated, malay natin mag-iba ang taste mo. Tsk whatever! Ate.

Tahimik lang akong nakaupo dito sa front seat hangang sa tumigil na 'to. Napatingin ako sa labas at andito na pala kami sa labas ng campus.

Remember Me AgathaWhere stories live. Discover now