Chapter 3

5 2 0
                                    

Chapter 3

KUDOS POINT OF VIEW

Tama ba 'yong nakita ko? Siya nga 'yon? Bakit ba siya bumalik? Bakit gulat na gulat siyang makita ako?

Maraming tanong ang namumuo sa utak ko at hindi ako makapag focus sa pagaaral. Kailangan mong sagutin lahat ng tanong ko Agatha.

Kailangan mong sagutin kung bakit ka mawala ng parang bula two years ago.

You ruined my peaceful mind Agatha, you will pay for this.

Umayos na ako ng upo at nakinig sa discussion ni Sir Eugenio. Hindi ako papayag na babagsak ako ng dahil lang sa kaniya.

Shit, pero kahit anong pakikinig ko ay hindi pa din ako makakapag focus sa discussion ni Sir. Ang kaniyang gulat at maamong mukha ang tanging pumapasok sa isipan ko.

"Ahh umalis ka..."

"Bro anong nangyari sayo? Bakit bigla ka na lang nagsisigaw diyan?" Mahinang tanong ni Russel.

Hindi ko siya pinansin at humarap na lang kay Sir at humingi ng tawad. Shit, this is not you Kudos.

"I'm sorry sir... medyo masama kasi ang pakiramdam ko. Can I go to the clinic?" I uttered.

He nodded. "Huwag kang pabigla biglang sumigaw baka mapagkamalan kang nababaliw."

I scoffed. "Yes Sir."

Kinuha ko na 'yong bag ko at binitbit palabas ng classroom. Kailangan ko siyang makausap para matahimik na ang buong sistema at isipan ko.

Naglakad na hallway at tinitignan ang lahat ng classroom na madadaanan ko, nagbabasakali na makita siya.

Napatigil ako sa paglalakad ng marinig ko ang boses niya na hindi malayo sa pwesto ko.

Her voice, I missed it but she left me and I can't forgive her.

Dahan dahan akong naglakad patungo sa kinaroonan ng boses na 'yon at hindi nga ako nagkamali. Nakita ko siyang nakatayo habang nagsasalita.

She's smart, she can answer with confidence on her body.

Umupo na siya sa kaniyang upuan pagkatapos niyang sumagot. Kahit pag upo niya ay mahinhin at maayos.

Si Agatha ba talaga siya? Ang Agatha na girlfriend ko noon ay walang pakialam sa iba at sa kaniyang sarili.

Kung hindi siya si Agatha, pero bakit magkapareho ng mukha?

Siya lang ang makakasagot sa akin nito, kailangan ko siyang makausap.

Nagpatuloy na ako sa paglalakad at bumaba nang humanities building. Sa unang palapag ko na siya hihintayin dahil sa locker ko siya kakausapin ng masinsinan.

Remember Me AgathaWhere stories live. Discover now