Ilang araw nang laging wala si Stell sa klase dahil nga nagp-practice sila para sa singing performance nila ni Jaydee, since nalalapit na ang foundation day.
Sa ngayon ay nandito kami sa court ng school dahil nagkakabit kami ng mga banderitas para sa foundation day.
Tahimik lang akong nag gugupit dito sa isang table ng mga colored paper nang matanaw ko sila Stell at Jaydee na magkasamang umiinom ng tubig doon sa canteen. Nagtatawanan lang silang dalawa doon na akala mo walang nakatingin sa kanila.
Nang mapalingon silang dalawa sa direksyon ko ay agad akong umiwas ng tingin at nagpatuloy nalang sa ginagawa ko. Maya-maya pa ay nakita ko sa peripheral vision ko na papalapit silang dalawa sa pwesto ko.
Agad tumibok ng sobrang lakas ang puso ko. Lalo na nang maramdaman ko ang malalalim na titig ni Stell sa akin.
"Uy! Hi Erissa!" Bati sa akin ni Jaydee.
Patago akong ngumuso. Hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko. Ayoko silang harapin na dalawa. Pero nakakabastos naman kapag hindi ko sila pinansin 'diba?
Hinarap ko siya gamit ang pekeng ngiti ko "Uhm. He-hello!" Saad ko.
Tumabi siya sa akin at saka hinawakan ang mga banderitas na ginupit ko "Wow naman ang sipag mo naman masyado! Samantalang 'yung mga kaibigan mo doon naglalaro na lang!" Tukoy ni Jaydee kila Josh, Paulo, Justin at Ken na naglalaro na nga ng mga banderitas na hawak nila. Inilalagay sa tainga, ipinupulupot sa bewang at saka rumarampa. Napatawa nalang ako dahil sa kalokohan nila.
Saglit akong sumulyap kay Stell. Nagulat ako nang makitang nakatingin na pala siya sa akin. Medyo naka-kunot ang noo niya kaya alam kong nagtataka siya kung bakit ang awkward kong makipag-usap kay Jaydee.
Hindi ko rin alam...
Maybe because I'm conscious of her? Maganda talaga siya at famous dito sa school. Lahat din ng mga teachers ay close siya. Sa totoo lang ay matagal na talaga akong gandang-ganda sa kanya. No wonder nagustuhan siya ni Stell.
Napaisip tuloy ako, kung siya ang dating crush ni Stell. Edi sino na ang crush niya ngayon? Hindi kaya si Jaydee pa rin?
"Oh, by the way! Erissa bukas na kasi ang birthday ko, and I'm hoping na sana makadalo ka since Vester and his friends are invited. At isa ka na rin sa friends niya so... Are you in?" Nagulat ako sa itinanong sa akin ni Jaydee.
Tiningnan ko siya, tiningnan ko rin si Stell. Seryoso siyang nakatingin sa akin kaya agad akong umiwas ng tingin sa kanya.
Pinagmasdan ko lang si Jaydee. Hindi ako makasagot agad kaya nagsalita na ulit siya.
"You're Japs Villanueva's sister right? Don't worry! Friend siya ng kuya ko and he's invited too... So there's no reason na hindi ka makakapunta!" Tuwang-tuwang wika ni Jaydee sa akin.
Nanlaki ang mga mata ko. Si Kuya ay invited sa birthday party ni Jaydee bukas? And I didn't even know that!?
Wala na akong nagawa pa at tumango nalang kay Jaydee. Tumili siya sa tuwa at niyakap ako ng sobrang higpit.
"Yieeee! Finally! I've always wanted to be friends with you! Lalo na nu'ng sinabi sa akin ni Stell na——"
"EHEM! Hngggg! Jaydee tawag na ata tayo ni Sir doon sa Music Room, tara na baka pagalitan pa tayo!" Pagpuputol ni Stell sa sinasabi ni Jaydee.
Tiningnan ko silang dalawa na nakataas ang kilay "Uhm, ano'ng sinabi ni Stell, Jaydee?" Curious na tanong ko. Saka ko sinamaan ng tingin si Stell.
Kapag itong lalaking 'to lang ay may sinabing hindi maganda kay Jaydee about sakin, lagot talaga siya.
BINABASA MO ANG
Mga Alaalang Lumipas (COMPLETED)
Fanfiction"𝑨𝒕 𝒌𝒖𝒏𝒈 𝒏𝒂𝒔𝒂𝒃𝒊 𝒌𝒐 𝒂𝒏𝒈 𝒍𝒂𝒉𝒂𝒕 𝒏𝒐𝒐𝒏, 𝒂𝒚 𝒎𝒂𝒚 𝒎𝒂𝒈𝒃𝒂𝒃𝒂𝒈𝒐 𝒃𝒂?" - Stellvester Ajero A girl with a short term memory loss promised to her friends that no matter what happens, she will never ever forget them. But the...