*Two months later*
Josh's Point of View
Tahimik kaming nagre-review nila Justin at Paulo para sa quiz namin mamaya sa Science. Nang dumating si Ken.
"Yo, wassup guys!" Salubong niya sa amin at nakipag-fist bump.
"Himala hindi ka late ah!" Wika ni Paulo sa kaniya.
Napakamot si Ken sa ulo niya "Syempre, wala akong assignment sa english eh. Pumasok ako ng maaga para makakopya! Hehe."
Napailing nalang kami dahil kay Ken.
"Eh, asan na si Stell?" Tanong niya.
Nagkatinginan kami ni Justin "Nasa bahay pa niya yata. Umiiyak. Miss na naman siguro si Erissa." Ani Justin.
Dahil doon ay lumungkot na naman ang aura namin.
"Man, how long has it been anyways? Tagal na din simula nung maaksidente siya eh." Si Ken.
"Dalawang buwan na yata? Tama ba?" Tanong sa akin ni Paulo.
Ngumiwi ako "Yeah, about two months." Sagot ko.
Umiling si Ken dahil doon "That long huh..." Pag nguso niya at pumangalumbaba sa table niya.
"Kaya nga eh. Miss ko 'yung lady boss natin." Ani Paulo.
Tumango naman si Justin "Ako din eh..."
Suminghap ako ng malalim "Sana naman makakuha na tayo ng updates sa kaniya or something. Kasi simula nung ma-ospital siya ay hindi na natin siya nakita or nakausap pa eh..." Usad ko.
Ngumiwi si Justin dahil sa sinabi ko "Sana okay lang siya. I mean, grabe 'yung pagkabagsak ng ulo niya that time eh. Hindi kaya naapektuhan 'yung short term memory loss niya?"
"Do you think she——" Hindi na natapos si Paulo sa sinasabi niya dahil biglang pumasok si Stell ng classroom at pawisang lumapit sa amin.
"Guys! Guys nakita ko si Erissa at ang parents niya ngayon dito! They're on their way here!" Nanginginig na saad niya.
Nanlaki ang mga mata namin sa narinig. At excited na tinanong si Stell.
"Weh? 'Di nga? Totoo?!" Tuwang-tuwang tanong ni Ken.
"Seryoso ba 'yan?" Nakangiti ko ring tanong.
"She's back?" Excited na saad ni Paulo.
Napakagat si Stell ng ibabang labi niya at huminga ng malalim.
"I hope so!" Aniya.
Kasabay no'n ay ang pagpasok ni Ma'am Damilia sa classroom.
Third Person's Point of View
Halos tumalon si Stell sa tuwa nang masilayan ang babaeng kay tagal na niyang gustong makita sa loob ng Principal's office. Gustuhin man niyang lapitan ito ay mas pinili niyang dumiretso nalang muna sa classroom nila para ibalita sa mga kaibigan ang nakita.
Natuwa naman ang mga kaibigan niya at na-excite sa narinig. Dahil sa wakas, matapos ang tatlong buwan na paghihintay kay Erissa ay makikita na nila muli ang kanilang lady boss.
Napa-ayos ng upo ang limang magkakaibigan nang pumasok na sa classroom nila ang kanilang adviser.
"Okay class, settle down. Take your seats. I have some great great news for you guys today!" Panimula ni Ma'am Damilia, kaya naman mas lalong lumukso ang puso ng binatang si Stell sa narinig.
"Your classmate, Erissa. Is back!"
Kasabay ng pagpasok ni Erissa sa classroom.
Agad na sumilay ang mga ngiti ng limang magkakaibigan sa nakita.
BINABASA MO ANG
Mga Alaalang Lumipas (COMPLETED)
Fanfiction"𝑨𝒕 𝒌𝒖𝒏𝒈 𝒏𝒂𝒔𝒂𝒃𝒊 𝒌𝒐 𝒂𝒏𝒈 𝒍𝒂𝒉𝒂𝒕 𝒏𝒐𝒐𝒏, 𝒂𝒚 𝒎𝒂𝒚 𝒎𝒂𝒈𝒃𝒂𝒃𝒂𝒈𝒐 𝒃𝒂?" - Stellvester Ajero A girl with a short term memory loss promised to her friends that no matter what happens, she will never ever forget them. But the...