Nakauwi na kami ni Kuya sa bahay.
Pagod akong humiga sa kama ko saka pinagmasdan ang paper bag na binili namin ni Kuya Japs kanina. Syempre dress na susuutin ko bukas ang laman no'n.
Ngumuso ako saka nagtipa ng reminder sa phone ko...
Don't forget na may birthday party kang pupuntahan bukas, Erissa.
Ipinikit ko ang mga mata ko, mabuti nalang at sabado bukas. At least hindi ko makikita si Stell 'diba?
Pero, bakit nga ba ayaw ko siyang makita? Dahil ba sa ginawa niya kay Jaydee kanina na binuhat pa niya talaga sa harapan ko?
Nagbuntong hininga ako nang maalala ko na naman ang eksenang iyon. Though wala na naman akong magagawa pa do'n. Nangyari na eh. Isa pa, crush siya ni Stell. Of course it's probably one of his way para lalo siyang mapalapit sa crush niya.
Hanggang sa may maalala ako...
Agad akong napaupo sa kama ko. Naalala ko na!
Nag chat nga pala sa akin si Stell kanina, at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siya narereplyan!
Dali-dali kong binuksan ang messenger ko saka pumunta sa conversation namin ni Stell. Hanggang ngayon ay wala pa rin akong respond sa tanong niya kung galit daw ba ako sa kaniya.
Tiningnan ko ang oras, 8:31 na ng gabi at kanina pang 3:21 ako chinat ni Stell. Goodness!
Pinagmasdan ko lang ang huling chat niya sa akin. Hindi ko alam kung ano'ng ire-reply ko. Rereplyan ko pa ba siya or 'wag na?
Ako:
Hindi naman ako galit. Sorry late reply hehe :)
Suminghap ako nang mag send na ang reply ko. Angkang tatayo na sana ako para mag toothbrush pero nakita kong na-seen na niya agad ang reply ko. And after a couple of seconds lang ay...
Estillbistir is typing...
WAAAAHHHH MAMAAAAA!!! Muntik ko nang maibato ang cellphone ko sa sobrang kaba. Nanlalamig ng sobra ang mga kamay ko.
Estillbistir:
Okay lang! :) Akala ko kasi galit ka sa akin, hindi mo kasi ako nilingon kaninang uwian noong tinawag kita :(
Namilog ang mga mata ko sa reply niya. What? Hindi ko namalayan na tinawag pala niya ako.
Ako:
Talaga? Sorry hindi ko narinig na tinawag mo pala ako.
Paano ko maririnig kung puro 'yung eksenang buhatan kanina sa court ang iniisip ko?
Estillbistir:
Nakakain ka na?
Kinagat ko ang ibabang labi ko sa itinanong niya. Biglang nawala lahat ng selos na naramdaman ko kanina dahil sa tanong niya.
Ako:
Oo eh, ikaw?
Halos hindi ko na maramdaman ang mga daliri ko habang nagtitipa ako sa phone ko, sobrang lamig na kasi talaga ng kamay ko! Isama mo pa 'yung lakas ng tibok ng puso ko.
Estillbistir:
Kakain palang po ako! :) Ikaw matulog ka na! May susuutin ka na ba bukas?
Ako:
Yup, binili na ako ni Kuya ng dress sa SM kanina... Hindi pa ako inaantok eh hahaha.
BINABASA MO ANG
Mga Alaalang Lumipas (COMPLETED)
Fanfiction"𝑨𝒕 𝒌𝒖𝒏𝒈 𝒏𝒂𝒔𝒂𝒃𝒊 𝒌𝒐 𝒂𝒏𝒈 𝒍𝒂𝒉𝒂𝒕 𝒏𝒐𝒐𝒏, 𝒂𝒚 𝒎𝒂𝒚 𝒎𝒂𝒈𝒃𝒂𝒃𝒂𝒈𝒐 𝒃𝒂?" - Stellvester Ajero A girl with a short term memory loss promised to her friends that no matter what happens, she will never ever forget them. But the...