CHAPTER 24

745 30 4
                                    

CHAPTER 24
(Stayne's Pov)

       Kasalukuyan kaming nagpapahinga dahil katatapos lang unang praktis namin. Hinayaan ko na lang si Clone na magpasikat kay Yuri. Sino ba kasi  yung lalaking gusto nya?! Si Saturn na habulin ng bakla? Si Zero na dinaig pa ang menopause na matanda?! O ako? Na saksakan ng kagwapuhan ahahaha. Joke. Imposibleng ako, dahil halos patayin nya na ako dati eh. Tss. Hindi naman sya lumalabas ng bahay. Tumingin ako sa kabilang bahay na katapat lang din ng bahay namin. May isang lalaki dun na naggigitara sa balkonahe nila, maputi, gwapo. Yun lang. Hindi naman kaya ito ang nagugustuhan ni Yuri?? Hmm.. hindi malayo. Yaan na. Bahala sya haha!

      "Meryenda na muna kayo." tawag pansin samin ni Yuri.

      "Wow! Baked Mac." sabi ni Saturn na nauna ng lumakad papuntang kusina. Pag talaga sa pagkain, hindi mo mauunahan yan.

      "Bagay ka nga mag HRM, ang sarap mong magluto." puri naman ni Xena na tumikim na din.

      "Pwedeng pwede ka ng mag asawa, pwede na tayong magpakasal. Haha!" sabi ni Clone.

      Duh! Pakasalan mo si Rosanang Baliw sa kanto. Patay na patay sayo ang lukalukang yun. Bagay kayo. Hahaha!

     "Stayne, halika na." tawag sakin ni Yuri.

    Busog pa naman ako, kaya hindi ko pa trip kumain. Nakaupo lang ako at nanunuod ng tv. Tawanan lang sila ng tawanan. Sina Zero at Blade nag aasaran. Sa totoo lang sampu kaming magkakagrupo. Nagquit ang apat kaya anim na lang kaming natira.

      "Kumain ka na." sabi ni Yuri na iniabot sakin ang isang platong BakedMac.

       "Naman Yuri." busog pa kasi talaga ako. At tinatamad akong kumain, diet din ako. Haha. Joke.   "Ikaw na ang kumain nyan, sige na. Ang payat mo na eh."

      Sumimangot sya at umupo sa tabi ko. Tiningnan nya ang katawan nya mula dibdib hanggang paa.

       "Hindi naman ah. Tingin ko nga sexy ako eh."

      Ngek! Napangiwi ako sa sinabi nya. Ang lakas mo makaSEXY ah! Haha. Sexy ba yang halos liparin ka na ng hangin sa kapayatan?! Tsk. Tsk. Kinuha ko ang platong inabot nya sakin at inumpisahan ko ng subuan sya.

     "Nganga." sabi ko.

     "Anong nganga!? Sexy naman tala—"

     "Nganga. Kumain ka oh," sabay subo ko sa kanya. Dakdak pa ng dakdak 'tong babaeng to. Hindi na lang kumain ng manaba. Sunod sunod ang pagsubo ko sa kanya, buti naman at mabilis din syang ngumuya.

     "Stayne, ayoko na. Busog na ako."

     "Hindi. Anong busog e nakakakalhati ka pa lang. Ubusin mo 'to kundi magagalit ako." sabi ko sabay subo ulit sa kanya. Hindi na naman sya pumalag. Sinanay nya kasi ang tyan na konti lang ang kinakain e, ayan tuloy.

    "Tubig." sabi nya.

    "Teka." sagot ko sabat tayo.

      Seryoso namang nakatingin sakin sina Blade. Anong problema naman ng mga 'to?! Hanggang sa kumuha ako ng tubig sa ref ay hindi naalis ang tingin nila sakin.

      "Anong tinitingin tingin nyo dyan??" tanung ko. Paano kasi, iba yung tingin nila sakin. Parang may nagawa akong hindi maganda.

      "Ang sweet mo lang kay Yuri, pare." seryosong sagot ni Zero.

      "Sweet your face!" singhal ko sa kanila saka ako bumalik kay Yuri at binigay ko ang tubig.

****
(Blade's Pov)

She's Like Sunako The SecondWhere stories live. Discover now