CHAPTER 10

873 36 6
                                    

CHAPTER 10
(STAYNE'S POV)

     Naabala ang pagligo ko dahil sa katok ni Yuri sa pinto ng banyo. Ano na naman kaya ang kailangan nun?? Tsk.

   "Stayne, may naghahanap sayo sa labas. Yung babaeng nahimatay. Hindi ko mapagbuksan eh. Alam mo na." sigaw nya sa labas.

   Tsk! Wala bang kadadalaan ang babae na yun? Akala ko pa naman hindi na babalik dito dahil nakita si Yuri. Tsk! Asar kong binilisan ang pagbabanlaw ko, feeling ko hindi din ako naligo. Haaay! –_–
Bilis bilis akong nagbihis at lumabas ng banyo, nakasandal naman si Yuri sa may pader.

   "Umakyat ka muna sa kwarto mo. Wag na wag kang lalabas okay?" bilin ko, mahirap na kasi eh.

  "Okay." sagot naman nya sabay alis sa harap ko.

  Nakakainis naman oh. Tsk! Pinagbuksan ko ng pinto si Daphne, at kahit hindi ko pa pinapapasok e pumasok na sya kasama yung matandang lalaki na parang kamukhain ni Tsitae.

   "Dito po, manong. May masamang espiritu ang nasa loob ng bahay na ito." sabi nya sa isang matandang mukhang ermitanyo.

   Anung meron!? Reincarnation ba ni Tsitae tong matanda??

  "Teka, teka. Anong meron Daph??  At sino yang kasama mo??" tanung ko.

  "Si Lolo Baste ito Stayne. Yung sikat na esperitista sa bayan namin. Kailangan mapaalis ang black lady na naninirahan dito." kabadong sagot nya

  Si Yuri ba kamo?? Nyek! Hahaha! Kahit anung orasyon ang gawin ni Lolo Baste e hindi nya mapapaalis si Yuri dahil sa kanila naman ni Blade ang bahay na to.

  "Hindi na kailangan, Daphne. Wala din naman mangyayari eh." sabi ko.

  "Sige na po Lolo Baste, umpisahan nyo na po." sabi ni Daphne sabay akay dun sa matanda papuntang cr.

   Napakamot na lang ako ng ulo habang pinapanuod ko silang dalawa. Hay. Bahala kayo dyan, pero sige, baka nga may ibang nilalang dito na hindi namin nakikita.

   "May ilang kaluluwa ang naninirahan dito, pero lahat sila ay hindi nananakit." seryosong sabi ng matanda.

  Nagtaasan naman ang balahibo ko sa sinabi ni Lolo Baste. So meron ngang multo dito??

  "Pwede nyo po ba silang paalisin??" tanung ko, tumango naman si Lolo Baste at nag orasyon na. Pabulong lang pero naririnig ko pa rin. Hindi ko maintindihan ang language.

   "Stayne, mas makakabuting umalis na lang kayo dito. Delikado pag nagtagal pa kayo dito." sabi ni Daphne.

  Hindi delikado dito, kung may delikado man, ako lang yun. T.T  delikado talaga ako kay Yuri. Tsk. Wag lang talagang lalabas ng kwarto yun at nako! Malaking gulo ito.

  "Pinapaalis na naman ni Lolo Baste di ba?? Hehe." sagot ko.

  "Oo nga. Kaya nga dinala ko sya dito para proteksyunan ka sa itim na babae"

   Sana nga maproteksyunan nyan ako kay Yuri. Kaso mukhang hindi eh. T.T  kahit sinong magaling na espiritista hindi mapapalayas ang babaeng yun dito. T.T

  "Hhaaay. Ano pa bang magagawa ko e ayan na. Nandito na." sagot ko.

   Nagsindi ng insenso at itim na kandila si Lolo Baste. Pinausukan nya ang buong salas at kusina kasabay ng pag oorasyon nya. Hindi naman siguro ito peke ano? Tingin nyo?? Mukhang taong bundok lang talaga ito. -_-/// nakasunod lang kami ni Daphne kay Lolo Baste hanggang sa papaakyat na sya ng hagdan.
      Naku po naman, hindi nila pwedeng pasukin ang kwarto namin ni Yuri. T.T  baka pag isipan pa ako ng mga ito na may sa kulto ako dahil sa naging itsura ng kwarto ko T.T

She's Like Sunako The SecondWhere stories live. Discover now