Chapter 2

151 9 1
                                    

"Hui Baks! Tulaley ka atah?"

Napatigil sa malalim na pag-iisip si Chichi ng tapikin siya ng kaibigang bakla.

"H-ha? Ano 'yon, baks?" Tanong niya.

"Kanina ka pa nakatulala jan ui. What ba problema mo, mamá?"

Napabuntong hininga na lamang siya. Hanggang ngayon ay iniisip niya pa rin ang boses na nakausap niya kahapon sa telepono nina Aling Lora.

Araw ng Sabado ngayon. Iniwan niya muna si Stacy kina Magda dahil kapag weekends ay suma-sideline siya sa parlor ng kaibigan.

"Ano na, Chi? Chika mo na to me now. Sinagot mo na ba si Papa Rob?"

Si Rob ang lalaking nagpapakita sa kanya ng motibo pero hindi naman nanliligaw. Gwapo nga at macho dahil kargador ng ice sa palengke pero hindi 'yon tipo ni Chichi. Mas focus siya ngayon sa anak niya.

"Hindi noh. Ano ba nemern yern, baks?"

"Eh ano nga kasi?"

"Wala. Okay? As in wala.

Napairap ang kaibigan. "Hmmp. Malalaman ko rin 'yan latuhh."

Tumunog ang bell the sliding door ng pintuan indikasyon na may taong dumating.

"Oh go na, mamá. Asikasuhin mo na 'yong customer at ng makarami tayo ng dots ngayon." Utos sa kaniya ng kaibigan.

Walang pasabi siyang naglakad patungo sa babaeng kostumer na tila may hinahanap.

Napataas ang kilay ni Chichi ng tingnan niya ang kabuuan ng babae suot ang sexy at mamahaling damit. Matangkad ang naturang babae. Maputi. May maumbok na pang-upo at halatang malulusog na dibdib. At hindi maiwasan ni Chichi na mainggit dito.

'𝑴𝒂𝒈𝒌𝒂𝒌𝒂𝒓𝒐𝒐𝒏 𝒅𝒊𝒏 𝒂𝒌𝒐 𝒏𝒊𝒚𝒂𝒏 𝒏𝒐𝒉. 𝑲𝒂𝒑𝒂𝒈 𝒏𝒂-𝒘𝒊𝒏𝒏𝒆𝒓 𝒏𝒂 𝒂𝒌𝒐 𝒔𝒂 𝒍𝒐𝒕𝒕𝒐, 𝒎𝒂𝒈𝒑𝒂𝒑𝒂𝒍𝒂𝒈𝒂𝒚 𝒂𝒌𝒐 𝒏𝒊𝒚𝒂𝒏. 𝑴𝒂𝒔 𝒎𝒂𝒈𝒂𝒏𝒅𝒂 𝒑𝒂 𝒂𝒕𝒂 𝒂𝒌𝒐 𝒔𝒂 𝒎𝒆𝒓𝒍𝒂𝒕 𝒏𝒂 𝒕𝒐𝒉 𝒌𝒖𝒏𝒈 𝒔𝒂𝒌𝒂𝒍𝒊 𝒆𝒉.'

Palihim na napatawa si Chichi.

' 𝑯𝒊𝒑𝒐𝒏 𝒔𝒊𝒈𝒖𝒓𝒐 '𝒕𝒐𝒏𝒈 𝒎𝒆𝒓𝒍𝒂𝒕 𝒏𝒂 𝒕𝒐𝒉.'

Tumikhim siya para makuha ang atemsyon nito. Pinasigla niya ang boses para good vibes.

"Good morning, Ma'am! Welcome to Mercedez' Parlor. What can I do for you, Ma'am? Magpapatrim po ba kayo or magpapacolor?

Bumaling sa kaniya ang babae. Inangat nito ang tingin at naaninag niya ang mukha nito sa malapad at sosyaling sombrero.

Tila natulos sa kinatatayuan si Chichi ng magtama ang mata niya at ng abuhing mata ng babae.. Para siyang nakikita ng multo. Nanlaki ang kanyang mata at butas ng ilong. Hindi niya alam kung tatakbo ba siya o ingungudngod sa semento ang mukha ng babaeng kaharap niya.

"Hi, Christian. Long time no see."

Ang boses nito ay kaparehang-kapareha sa boses na narinig ni Chichi sa telepono ni Aling Lora.

Bumubuka-sara ang bibig niya. Hindi alam ng bakla kung ano ang sasabihin. Tila ba natuyo ang lalamunan niya at namamawis ang kamay.

"S-S-S-S-Sta-Stass"... Tumikhim si Chichi at kinutusan ang sarili dahil sa pag-uutal. "S-Stassie?"

The woman playfully giggle. "Yes. It's me, Christian. Miss me?"

Naiyukom ni Chi ang kamao. Gusto niyang punitin ang mga ngiti nito mula sa labi ng babaeng nagngangalang Stassie.

"Lumayas ka!" Sigaw niya na punong-puno ng panggigil.

"Excuse me?"

"Sinabi ng lumayas ka, inggrata!"

Dahil sa malakas na boses ni Chichi ay lumapit na sa kanila ang kaibigang bakla na nagmamay-ari ng parlor.

"Baks? Anyare ditey?"

"Paalisin mo ang babaeng ito, Mercedez!"

"I won't leave here, Christian. Unless you talk to me." Giit ng babe.

"Talk to me 'yang mukha mo." Hindi mapigilan no Chichi ang galit. Of all these years, ngayon pa talaga nito napagdesisyonang magpakitang muli. "Umalis ka!"

"Hindi ako aalis---- ahh! Ouch, hey!"

Kinaladkad ni Chichi paalis ang babae sa parlor. Wala siyang pakialam kahit naka-high heels ito.

Marahas niya itong binitawan sa brasonang makalayo-layo na sa parlor.

"Just what the fuck, Christian?" Ani Stassie habang minamasahe ang nasaktang braso.

"Ba't ka ba nanditong gaga ka!? Akala ko ba nag Amerika ka na? Bumalik ka na 'don at' wag ka ng magpapakita sa'kin."

Stassie roll her gray eyes. "I'm not here for you, Christian--- Oh wait, Chichi pala." She, then flip her blond hair. "I'm here for her..."

Alam ni Chichi kung sinong 'her' ang tinutukoy nito.

"Wala kang karapatan sa kanya! Wala!"

Hindi na niya hinintay ang sasabihin nito at agad na bumalik sa parlor ni Mercedez.

"Huy baks, anung drama 'yon kanina? Ba't mo pinaalis si Pretty Merlat? Sayang mukha pa namang mayamanin, nabigyan na sana tayo ng tip boba ka kasi."

Kuyom ang kamo ni Chichi. "'Wag mo nang papasukin dito sa parlor mo ang bruhang' yon!"

"At bakit aber?"

"Ah basta. 'Wag na magtanong baks."

Napasimangot na lamang si Mercedez.

Nagpaalam ai Chichi para umuwi muna saglit sa bahay nila. Hindi niya maintindihan kung bakit naiiyak siya at gusto ng makita ang anak na si Stacy.

Habang pasakay ng jeep ay hindi niya mapigilang balikan ang nakaraan niya-nila ni Stassie.

Want You BackWhere stories live. Discover now