Chapter 4

86 8 5
                                    

Tanghali ng Sabado.

Masayang pinagmamasdan ni Chichi ang kanyang anak na naglalaro sa munting sala kasama ang anak ng kanyang kumareng si Magda. Umalis kasi sandali ang kaibigan niya kaya sa kanya muna pinabantayan ang tatlong taong gulang na anak. Mamaya pa naman siyang hapon maglalako ng paninda at wala din namang pasok ang anak kaya pumayag siya.

"Daughter ko, bantayan mong maigi si Ponyo ha. Magcocook muna ng lunch ang pretty mong ina." Habilin niya sa anak.

"Opo, mammu."

Sinigang na baboy ang lulutuin niya. Dadamihan din niya para mabigyan ng ulam si Magda mamaya kapag nakauwi ito.

Habang nagluluto ay nakarinig ng katok si Chichi sa pinto.

Hinanaan niya muna ang apoy bago tinahak ang pinto.

Malakas ang kutob niyang ang kaibigang si Magda ang nasa labas. Panigurado't susunduin nito ang anak.

"Kumareng Magdaaa-" naputol ang pagkanta niya sa pangalan ng kaibigan ng ibang mukha ang nakita niya sa labas.

Hindi si Magda.

Isang lalake.

Parang isa sa mga men in black na napapanood niya sa palabas.

"S-sino ka, fafa?" Takang tanong niya.

"Is this the address of Christian Alfonso?" Agad na tanong nito.

Napakunot ang kanyang noo.

"Bakit ba? Anong kailangan mo?" Medyo naalerto si Chichi sa kinikilos ng lalake lalo pa't hindi niya ito kilala pero kilala siya nito.

Maingat niyang isinarado ang pinto para hindi marining ng mga bata ang pag-uusapan nila.

May iniabot sa kanyang kahon ang lalake. "A gift for Stacy Alfonso."

Nagsalubong ang perpekto niyang kilay. "Hindi ako nag oorder ng kung ano-ano sa online." Tiningnan niyang muli ang lalake. Ang postura nito ay hindi delivery guy sa Lazada o kahit anong online store. "Sino ka? At sino ang nagpapabigay niyan?"

Hindi sumagot ang lalake.

Hindi bobo si Chichi para hindi malaman kung sino ang nag-utos dito.

Matapos nilang magkaharap ng taong pinakaayaw niyang makita noong nakaraang buwan ay hindi na natigil ang pagpapadala ng kung ano-ano sa tindahan ni Aling Lora at ang lahat ng 'yon ay para sa anak niya. Kay Stacy.

Ni kahit ano ay hindi iyon tinanggap ni Chichi. Lagi niyang pinapabalik kay Aling Lora ang mga regalo kapag tinangkang ibigay sa kaniya.

Ngayong araw lang ang naiiba dahil sa mismong bahay niya talaga siya kinatok at pilit pinadalhan.

"Umalis ka sa pamamahay ko at sabihin mo sa kung sino man ang impaktang nagpapadala niyan na tigilan niya na ako pati na ang anak ko. Hindi namin kailangan niyan". Kalmado niyang sambit ngunit kuyom ang kamao.

Walang ingay na tumalikod ang lalake dala-dala ang regalo.

"Subokan mo pang bumalik dito at ipapabaranggay ko kayo!"

Pahabol niya.

Nang hindi na niya mahagilap ang lalake ay dali-dali siyang pumasok muli sa maliit na bahay at nilock ang pinto.

Mabigat ang loob niyang bumalik sa kusina at pinagpatuloy ang pagluluto.

"Okey ka lang po, mammu?" Hindi niya napansin na nakalapit na sa kanya ang anak hawak-hawak ang anak ni Magda na umiiyak.

"Bakit ka po nakabusangot, mammu? Si Aling Lora po ba 'yong kumatok kanina? Inaway ka po ba niya?"

Pilit niyang pinagaan ang mukha at ngumiti sa anak. "Nothing lang 'yon, daughter ko." Pagsisinungaling niya. Ayaw niyang sabihin sa anak ang totoo. Kahit kailan. "Ba't pala nagcrycry si Ponyo?" Pag-iiba niya sa usapan.

"Naubos na po kasi ang gatas niya."

"Kawawa naman ang baby Ponyo. Waitzy lang mga Junakiz ha." Tumalikod siya sa anak at pinagtimpla ng gatas ang anak ni Magda.

Hindi pwede.

Hindi pwedeng makita ng anak niya ang babaeng 'yon. Hindi pwedeng makita ni Stacy ang kanyang ina.





SA KABILANG BANDA.

"How was it, John?" Tanong ng babae nang makabalik sa sasakyan ang lalakeng dumalaw sa bahay ni Chichi.

"He did not accept it, Madam."

She put a little smile on her lips. A vicious smile.

"As expected."

She looked outside the car's window where Chichi's little rented house is located.

'Oh Christian, my dear, let's see kung hanggang saan 'yang pagmamatigas mo. You will give in to me just like the old days.'

She played a playful laugh before leaving the place.






"HALA TOTOO BA, MARE? Ang nanay ni Stacy, nagbalik na?" Tanong ni Magda nang maikwento na ni Chichi ang lahat lahat.

Sobrang bigat na sa loob niya. Kailangan na niya nang may pagsabihan. Kaya nang pagkadating ni Magda sa bahay niya ay agad niya itong pinagkwentohan.

"Pwede bang pakihinaan ang voice, merlat. Baka marinig ka ng mga chikiting. Ingungudngod ko talaga iyang sinigang sa mouth mo."

Agad namang tinakpan ng kaibigan ang bibig at nagpatuloy sa pagkain.

Kasalukuyang natutulog ang mga bata kaya nakapag-usap sila nang masinsinan.

"Pero seryoso ba, Chi? Kelan lang?"

"Noong nakaraang buwan. Sa Parlor kami nagkaharap."

"Grabeng drama naman ito, mare. Parang nanood lang ako ng palabas sa GMA." Kumento ng kaibigan.

"Tumigil ka nga, mareng Magda. Mas magaling pa akong umakting sa mga artista doon at mas maganda pa."

Idaan man lahat ni Chichi sa biro ay hindi mawala ang pangamba at galit na nararamdaman niya.

"Eh ano ng plano mo? Alam na ba ng inaanak ko ang tungkol sa mama niya?"

Umiiling siya. "Hindi. At wala akong planong sabihin. Alam ko ang gusto ng babaeng 'yon, mare. Gusto niyang makasama si Stacy at hindi ako papayag. Akin lang ang anak ko. Simula nang iniwan niya kami, wala na siyang karapatan sa buhay ng bata." Napainom siya ng tubig. "Sa truth lang, natatakot ako, Mare. Kilala ko si Stassie. Kayang-kaya niyang kunin ang anak ko kung gustuhin niya lalo pa't matagal na niyang alam kung san kami nakatira."

"Eh ba't hindi pa kayo umaalis? Gusto mo din na suyuin ka niya noh?" Pagtutukso ng kaibigan.

Inirapan niya ang kaibigan. "Nawala na ang pagmamahal ko sa kaniya noong iniwan niya kami. Kung meron man akong nararamdaman sa kanya, galit at pagkamuhi." Humigpit ang hawak niya sa baso.

Wala na siyang pagmamahal na natitira sa babae.

Wala na.

Kung noon ay nauuto pa siya nito, ngayon ay hindi na.

"Kailangan na naming umalis ng daughter ko sa lalong madaling panahon."

"Ha? Eh san kayo lilipat? May pera ka ba?"

"'Pera ba?" Chichi confidently flipped his hair and say, "Wala nga eh." Pag-aamin niya. "Pero kaya ko to. Hahanap ako ng paraan. Kahit anong paraan basta't hindi mangyayaring makita siya ng anak ko."

Napailing na lamang ang kaibigan sa narinig.

Want You BackWhere stories live. Discover now