16

2.3K 119 9
                                    

Chapter 16

BUTI nalang talaga to the rescue si Glen nong gabing ‘yon kundi naging piniping Xena talaga ako o di kaya’y pinaglalamayan na panigurado. Childish man ang ginawa ko, deserve niya ‘yon. Hindi ko siya uurungan!

Mula ng mangyari ang incident na ‘yon sa café, hindi na ako tinantanan ng mga baliw sa pang-aasar. Kaya daw lumapit si Shaun sa counter ay dahil daw nagselos sa hottie barista. Jusmio, kung alam lang nila ang mga sinabi ni Shaun ng gabing ‘yon. Ayoko maalala. Napahiya ako e!

Nag-unat ako bago bumangon sa kama. Sa wakas at biyernes na. Sa kagustohan kong matapos na ang weekdays para makapag day off naman ako sa mga utos ni Shaun, tila nang aasar naman ang oras at bumagal ang takbo.

Lumapit ako sa salamin at pinagmasdan ang kawawang kong face. “O my gash,what happened to you eyes? Kawawa ka naman.” may namumuong masamang panahon sa ilalim ng mata ko plus may eyebags pa. Kasalanan talaga to ng hari ng mga hinayups nayon.

Late na kasi akong nakakauwi araw-araw. Shift ko kasi alas 8pm to 12midnight pag weekdays.Tapos di pa ako natutulog agad pagkauwi kasi nag co-computer pa ko. You know,facebook.

Hangga’t hindi ko nababayaran ang otsenta mil, hindi babalik sa normal ang buhay ko. Prank pa more!

Tumunog ang chat notif mula sa computer. Si Nisha pala,nagchat sa groupchat namin. Binasa ko ang mensahe niya habang nagsusuot ako ng medyas.

Baliw the first (Nisha) : @Xenica baliw!Dala ka extra damit mamaya,rubber shoes nadin.👟

Lexi removed you to the group : Tshirt at short,undies nadin.😜😝

Pinakabaliw (Xena) : Di ako na inform,weekend  outing ba?😒

Baliw the First (Nisha) : basta...may pupuntahan tayo. See you at school.😘

Lexi removed you to the group : 🤭🤫

Di na bago sakin yang mga last minute gala usapan nila. Tch. Bahala sila. Malalate na ako kung susundin ko ang sinabi nila. At isa pa, wala akong oras gumala dahil may work pa ako mamayang gabi. Sayang din pag nag absent. Again every peso counts. Pak!

-----

SANA pala nag palate ako. Tuloy may oras pa si Shaun para sirain ang araw ko. Nasa loob na ako ng classroom, at kung minamalas ka nga naman, naroon rin ang hari ng mga h1nayups.

“Hey,fruitcake.” may naririnig akong tawag mula sa ilalim ng lupa. “Wag pansinin at ika’y mamalasin.” bulong ko.

Pero kakilig talaga ng fruitcake nayan! Still,wag pansinin. Pakipot tayo para ibigin—charot!

“Hey, fruitcake. I'm talking to you!”

Alam ko. Alam ko. Pero nek nek mo, di tayo bati. MANIGAS KA! Ramdam ko na bumabaga na siya. Sige lang.

“You’re seriously ignoring me. Really?”

Nope. Wag papansinin.

“Ah,ganon.” gusto ko matawa dahil napatagalog na ang englishero kong kaaway. Meaning, nag aalab na ang uling.

“100 pesos deduction.” napatayo ako agad at nginitian siya ng kay tamis. “Sorry, kanina mo pa ako tinatawag? Kailangan ko na ata mag linis ng tenga.” palusot ko.

“Do you think I'd buy that?” inis na tanong niya.

“Tsk. Galing galing mo talaga manakot.” bulong ko ulit. I sighed. “Pinansin na kita kaya wag mo na bawasan ng 100 ang mga na earn ko! Pinaghirapan ko rin ‘yon. Ano ba gusto mo ngayon?”

Pakabait ka muna, Xen. Patience. Patience.

“Anong atin hinayups?” balik tanong ko ng hindi siya sumagot. Kunot noong lumingon siya sakin na tila mag narinig na kakaiba.

“Hinayups?” nagtatakang tanong niya. Pigil naman ang tawa ko bago sinagot ang tanong niya. Lumapit ako ng kunti sa tenga niya at ibinulong ang salita.

“Hinayupak.”

Mabilis na tumakbo ako palayo sakanya, mahirap na baka hablutin ako at bugbugin. Dahil naka'y Shaun ang mata ko habang tumatakbo, ‘di ko napansin ang kakapasok lang sa room na mga nilalang.

Bumangga ako sa isa sa kanila, at na out balance. Hindi naman ako natumba dahil mabilis ang reflexes ko, at agad akong nakakapit sa bewang ni...“Glen.”

Hindi maipinta ang mukha niya ngayon dahil sa posisyon ko. Nakayapak ako sa ibabang parte ng katawan niya. Buti nalang sa side lang ng bewang ako napayakap. Kung sa harap o sa likod, jusmio!

Infairness, ang bango ni Glen. Agad akong tumayo at binati sina Glen, Rob at Louie.

“Chumansing pa.” pang-aasar ni Nisha na kasama pala nila.

"Malisyosa.” sagot ko kay Nisha. “Thank you Glen sa pag harang sa daan. He he.” nginitian ko ng kay tamis si Glen.

"Y-you're welcome."

Nilingon ko naman ulit si Shaun na nakatingin sakin with his famous cold stare that really gives me shiver. Di mo mabasa kung galit ba siya o hindi.Tanggap niya ata talagang hinayupak siya. Ha ha.

Beastly gwapong anemel.

“What a fruitcake.” sabi ni Shaun. Pigilan niyo ko kinikilig nanaman sa fruitcake nayan!

“Yes I know. I’m yummy.” proud na sagot ko.

“Pfft." sabay na nagpigil ng tawa ang dalawang baliw na tila hindi sang ayon sa sinabi ko, “Che! Mga ingitera.” pinagkukurot ko sila bago bumalik sa seat ko. Dumating na rin si sir na labis kong ikinatuwa.

Hindi na nakapag utos si Shaun!
Woooh!

----

Nang Dahil sa Prank CallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon