37

2.1K 112 27
                                    

Chapter 37

NATAGUSAN ay okay, pero ang maiwan ang pinaghubaran sa bahay ni crush ay hinding-hindi okay! Gusto ko sana habulin ang GT-R kaso wala namang akong mala kabayong bilis para maabutan ‘yon. Sinulit ko nalang ang kahihiyan ko no’ng gabing ‘yon, at chinat si Shaun.

Wala na talaga akong mukhang maihaharap sa isang ‘yon. Nakakahiya talaga.

Akala ko pagtatawanan niya ako no’ng sabihin ko sakanya na naiwan ko ang pinaghubaran ko sa bahay niya, but instead he assured me na siya nalang daw ang bahala sa mga ‘yon.

Sabi ko sakanya, wag na wag niyang gagalawin ang mga damit ko sa loob ng paper bag, at itapon nalang. Sana naman sinunod niya. Shuta ka, Xen! Tanga-tanga mo kasi, bheee!

Days have passed, Lunes na agad. Hindi ko alam kung paano haharapin si Shaun sa lahat ng kahihiyan na naipakita ko sakanya. Papansinin ko ba siya today?

Bahala na nga.

Hindi ko pa pala siya napapasalamatan sa lahat ng mga nagawa niya sa akin no’ng araw na’yon. Gustong-gusto ko na sana siyang kausapin pero ang h1nayupak may topak ata ngayong araw.

Hindi ako pinapansin mula pa kaninang umaga sa hindi malamang dahilan. Maayos naman ang convo namin sa chat, hindi naman kami nagtalo.

Isang beses niya lang ata akong sinulyapan, ‘yong malamig na tingin pa. Anong problema niya?!

Sanay naman ako na gano’n ang trato niya sa akin pero matapos ang nangyari last time, akala ko close na kami.

E uncrush kita d’yan e!  Akala mo wala akong spare?! —charot lang.

Nasa canteen ako, kumakain ng lunch kasama sina Nisha, Lex, Rob, Louie at Glen. Pinagagawan rin namin ang mga chocolates, at pastries na bigay ng mga admirers nina Glen, at Louie. Saya nito. Libreng chibog!

Mas dumami ang admirers nina Glen at Louie simula no’ng ginawa silang monsters sa haunted house. May fans rin naman si Rob na gusto sanang magbigay kaso hindi nila magawa-gawa dahil may tigreng bantay sarado na nangangalmot na ang pangalan ay Lex. Warw.

May mga nagbigay rin kay Shaun pero hindi namin ginalaw. Wala siya rito. Kasama sana namin siya kanina pero umalis bigla no’ng makatanggap ng tawag. Hindi ko alam kung sino pero parang international call dahil iba ang lenggwaheng gamit niya. At nalaman kong marunong palang mag-french ang h1nayupak.

Super cool na nga niya, gwapo’t matalino, hot, matangkad, at marunong pa mag french. Marunong din kaya siyang mag french kiss?

Mukbang~

Napakaperfect niya. Nakakaproud sana kaso nakakapanlumo rin. Napakarami ko kasing karibal. Kagaya nalang ng babaeng parang model ng toothpaste na lumapit sa amin. Sobrang ganda ng ngiti niya at ng ngipin niya. May dala siyang box ng mamahaling chocolate. Kinawayan niya ang mga h1nayupak bilang pagbati.

“Hi. Si Shaun?” masiglang tanong niya. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Mukhang para kay Shaun ang dala niya.

Karibal alert!

Sikat siya sa campus. Sino ba naman ang hindi pa nakakakilala kay Cherry dito sa Armani?   She has beauty and brains. Napakahinhin at napaka friendly niya kaya binansagan siyang campus sweetheart.

Minsan na niyang nilapitan si Shaun, at kinausap pero ang h1nayupak, likas na suplado, pati si Cherry sinungitan. Pero bilib rin ako sa isang ‘to kahit nasampolan na nga ni Shaun, go pa rin.

Pero seryoso, pa’no kung sapian ng kabaitan si Shaun sa isang ‘to? Anong laban ko? Patatas lang naman ako dito sa Armani na gustong kainin ni Shaun.

Nang Dahil sa Prank CallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon