48

1.6K 91 27
                                    

Chapter 48

LESSON learned. Don’t ever touch somebody else’s food without permisson lalong-lalo na kung galing kay Louie ang mga ‘yon!

Gummy bears na may twist pala ang mga ‘yon. Ibinabad lang naman sa VODKA! Lasing pala ang mga gomang osong iyon, pero kahit gano’n atleast behave sila. Tinatanong niyo kung kumusta ako?

Wag na. Ayokong maalala! Huhu

Malay ko bang vodka soaked gummies ang mga ‘yon. Kaya pala kakaiba. Tuloy, muntik pa nila akong ilibing ng buhay sa butas hinukay ko gawa ng kalasingan. Buset na’yan.

Oo, nag hukay ako!

Sana talaga nilibing nalang nila ako dahil wala na rin naman akong mukhang maihaharap sa kanila. Lalong-lalo na kay Shaun. Kung ano-ano pa man din pinagsasabi ko. Shuta talaga.

Flashback....

“Guys, may favor ako~” naiiyak kahit walang dahilan na sabi ni Xen sa mga kaibigang tila sinukuan na siya. Ayaw kasi paawat.

“Patulogin nalang kaya natin si Xen?” Louie suggested. Binigyan ni Nisha ng masamang tingin si Louie sabay bato ng chichiryang kinakain nito.

“Dapat ikaw pinapatulog e. Loko-loko ka kasi. Kasalanan mo ‘yan! Sarap mong paluhurin sa thumbtacks.” nang gigigil na sabi ni Nisha. Napakamot nalang ng ulo si Louie.

Shaun heaved a sigh. Wala na siyang pake kahit sinisingahan na ni Xen ang laylayan ng uniform niya. Tila isang spoiled toddler kasi ito na hindi makaintindi ng NO!

“May favor nga kasi akoo!” ulit ni Xen nang wala man lang pumansin sakanya.

“What? Water? Food?” tila nauubusan na ng pasensyang tanong ni Shaun.

“I’m not talking to you. Bati ba tayo?” taas kilay at nakangusong tugon ni Xen. Binitawan niya ang laylayan ng uniporme ni Shaun, umirap pa tsaka liningon si Glen.

Nananahimik lang si Glen sa sulok nang tawagin siya ni Xen, “Ano ‘yon?” natatawa niyang tugon niya.

“Glen, kapag namatay ako—”

Shaun immediately covered her mouth to shut her up. Inis na inalis ni Xen ang kamay na nakatakip sa kanyang bibig at sinamaan ng tingin ang may ari nito.

“Ano ba?! Let me FINIIISH~” nilinis ni Shaun ang kanyang tenga gamit ang kanyang hinliliit. Para kasing tinusok ng matalas na bagay ang eardrum niya sa talas ng boses nito.

Bahagyang sumilip si Rob sa bintana ng abandonadong gusali, at iginala ang mata sa tahimik na campus. “Tagal ng dismissal. Kating-kati na akong ihimlay ang bulinggit na’yan.” biro niya. Tumikhim si Xen, at muling nagsalita.

“Kapag ako namatay, e update niyo ang facebook status ko. Sabihin niyo... YOW, WAZZZUP! I’M CHILLING WITH JESUS. ‘Yong gano’n, okay? Tapos, ilibing niyo ako sa hinukay ko—AHH!”

Wala pasabing inangat siya si Shaun, at isinabit sa balikat nito.

“Sa’n mo siya dadalhin?” natatawang sabi Lex.

“Feeding her to the ghosts.” seryosong sagot ni Shaun na ngayo’y ubos na ang pasensya. Natawa silang lahat.

“Ilibing nalang natin sa hinukay niya. Siya narin nag sabi—” natigilan si Louie, at napatikhim nang mapansin matalas na tingin ni Shaun, “Sabi mo nga...i—ipakain nalang talaga sa gowst!”

Biro lang naman ang sinabi niya na ipapakain niya ito sa multo, pero mukang magandang ideya rin na humanap siya ng multo’t ipakita sa dalaga para magising ang diwa nito. Sa isip ni Shaun.

Nang Dahil sa Prank CallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon