Chapter 16: Down Memory Lane

246 27 11
                                    

AVRIL

"Girl kain tayo, libre ko!"

"Ano ka ba? Para na kitang kapatid."

"Ano Avril, gala tayo?"

MADALAS AY naririnig ko ang mga 'yon mula kay Hera. Well, she's the most talkative person I've ever known. Pati yata color ng panty niya, iku-kuwento niya sa'yo. She's the epitome of expressiveness, friendliness, keenness, talkativeness and enthusiasm overworked.

However, I can never forget that aside from Hera, ay may kaibigan pa akong tinuturing kong kapatid na medyo madaldal din. Hindi nga lang kasing-ingay ni Hera, sa tuwing naalala ko naman siya, 'yon agad ang pinakaunang tumatatak sa isip ko.

"Hoy Avril, nakikinig ka ba?" Natauhan ako nang ikaway-kaway niya ang kaniyang kamay sa harap ng mukha ko.

Meet Jessel—my best friend. She's probably telling me something crazy again today. Base pa lang sa excitement niya, halatang mala-bulkang chika na naman 'yong sasabihin niya sa'kin.

"Ano?" Agad kong inilayo ang hawak kong report sa Gen Math. Baka mamaya, mabasa pa 'to ng hawak-hawak niyang Coke Mismo.

"May tanong ako," sabi niya. Tumingin-tingin pa siya sa paligid bago ibinalik ang kaniyang tingin sa'kin. We are currently at a small café near our school. Nilibre kasi ako ng bruha.

"Tanong? Akala ko ba may chika ka?"

"Kaya nga! I have a question first bago ko i-spill 'yong tea."

Saktong pagkasabi niya no'n ay dumating ang waiter sa tabi namin at inilapag ang aming mga order. I ordered chamomile tea and cheesecake. Siya naman, leche flan lang. She didn't buy a drink anymore since she already had the Coke Mismo. In-order niya agad 'yon sa counter pagkarating namin dito.

"Oh sige, ano 'yon?"

"If someone tells you that he likes you? What will you do?"

My eyes widened. "OMG? Did someone tell you that he likes you?"

I immediately confirmed the answer when she bowed her head and remained silent. Bahagya akong napatili pero agad ko ring pinatahimik ang sarili ko dahil pinagtinginan ako ng mga tao.

Kung ganoon nga, then I'm truly happy! Finally, magka-ka-lovelife na 'tong BFF ko. Oo, alam ko, hindi pa niya 'yon sinasagot (kung nilagawan man siya) pero do'n din naman papunta 'yon. Jessel's not like me na humaharot lang ng mga lalaki without commitments.

Sabihin na nating may pagka-Disney princess din siya. She's the typical girl who wants to experience romance. Hindi katulad ko na pang-Dora lang na puro laro at exploration.

Well, kung nakahanap man siya ng lalaki, masaya na ako.

But not to the fullest. Kasabay ng galak na 'yon ay ang dismaya. Medyo na-di-dismaya ako para sa kaibigan ko. Because like some Disney princesses, Jessel's also the type of woman who isn't really in full control of her life.

In short, her parents are strict. 'Yon ang kina-dismayahan ko pero pinili kong huwag 'yon ipahalata sa kaniya.

"Nako girl ha, siguraduhin mo lang na 'di ka lolokohin niyan," I told her.

"So ano nga'ng sasabihin ko?  Should I reject him? Alam mo namang bawal ako mag-jowa diba?" aniya.

"Huwag!" I immediately reacted. "Hindi naman ibig sabihin na nagtapat 'yong boy sa'yo ay magdedesisyon ka na agad diba?"

"What do you mean?" Her brows knitted.

"You may choose to know him more first. Date him, kumbaga. Eventually, you will come up with the perfect decision," sabi ko.

Stringless Guitar (Musicians Series 1)Where stories live. Discover now