sinubukan. sinukuan.

330 6 1
                                    

Sinubukan ko naman. 

Sinubukan ko naman ibigay sayo ang langit na walang hanggan, kasabay ang lupa na aking tinatapakan.

Sinubukan ko naman abutin ang iyong mga kamay na para bang wala ng pagkakataon upang hawakan ng kung sino man.

Sinubukan ko naman ialay ang gabing kinakailangan ilaan sa pahinga, upang ika'y makamusta, nagbabakasakaling ako'y iyong naalala.

Sinubukan ko naman bigyang pansin ang iyong mga ngiti, pati na rin ang iyong mga pighati, habang pilit tinatago ang kirot saaking puso.

Sinubukan ko naman pakinggan ang iyong mga problema, kasabay ng pagkimkim sa mga perwisyong kinakabahala.

Sinubukan kong maging perpekto sayo, habang ako'y tuluyang gumuguho saaking sariling mundo.

Sinubukan ko naman isipin ka lamang, ikaw at ikaw lamang, hanggang ako'y tuluyan nawalan ng panahon upang bigyan pansin ang sariling agahan.

Sinubukan ko ng sinubukan. 

Sinubukan ko at sinubukan.

Sinubukan ko hanggang sa sinukuan.

Sinubukan ko, ano pa ba ang kulang?

i wonder if you love me.Where stories live. Discover now