2

438 48 14
                                    

ELI

Nang matapos ang dinner ay agad silang nag inuman. Hindi lang basta inuman ahh. With class padin ang boring nila makipag inuman tss.

Hinahanap ng mata ko si Solomon pero hindi ko sya makita. We need to talk jusko ng malinawan ako kung may alam ba sya sa mga nang yayari.

Habang nag lalakad ako sa hall way ng mansyon na ito napa hinto ako dahil sa larawan ni Beatrice. Ibang iba nga sa ayos ko ngayon, she's so bitch talaga kung pano manamit and all, makapal make up red lipstick? Ang baduy. Samantalang ako korean korean lang. I can't say na pangit sya kase technically magkamukha kami and hindi ako pangit duhh.

Napadpad ako sa isang lawa sa likod ng bahay ng parents ni Beatrice. Napaka ganda dito natatamaan ng liwanag ng buwan ang lawa. Ngayon lang ako naka kita ng ganitong view ever.

May narinig akong kaluskos sa likod ng malaking puno sa gilid ko kaya napa tago agad ako dito.

"SOLOMON!! Kaylan mo ba ako ipag lalaban?! Solomon naman!?" Mukhang nag aaway sila dahil ata kay Beatrice.

"Mahal ko wala akong magagawa sa ngayon pero pag sumang ayon ang lahat sa plano ko mag sasama na tayo habang buhay." Pinigilan ko ang tawa ko dahil napaka corny nila. Habang buhay daw! Ulol pag tanda mo mag isa ka din!

"Solomon! I heard na tinangihan ka na nung baliw na yon pero pinanindigan mo padin. Solomon you know me ayokong nag hihintay!?" Sa baliw part na si bea ang tinutukoy nya agree naman ako doon nakailag ako ohh. Because I'm not her.

"Mahal ko mag tiwala ka naman sa akin."  Tangina talagang mga to isa napaka maldita yung isa naman ang corny. 1981 ano na?

Crakkkkkkk..

POTAENA!! Nakatapak ako ng sanga ng puno!? Tinakpan ko ang bibig ko para hindi nila marinig ang hininga ko! Shit ang chismosa mo kase Eli!?

"May tao ba dyan?!" Ramdam ko ang kabog ng puso ko! No no no! Not again?! Mahuhuli nanaman nya ako! Hindi!!! Ramdam ko ang yabag nya na papunta sa akin.. what to doooo..

"Meaowwww Meaoowww." Ginalingan ko ang pag gaya sa pusa dahil ayoko mahuli nanaman not this time.

"Solomon!! Pusa lang yan please do something Solomon I need you." Napa hinga naman ako ng mauwag... Jusko salamat sa Diyos ng mga pusa niligtas mo ako.

"let's go mahal lumalalim na ang gabi at baka hinahanap kana din sa inyo." Ramdam  ko ang pag alis nila at saka ako unti unting lumabas sa oinag tataguan ko.

"Boohhh!!"

"Ayy yung takure kinana!? Ayy ano ba?!" Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa sobrang gulat.

"Pag pasensyahan mona ako hindi ko akalain na nagugulatin kana ngayon Bea." Sya yung lalaki kanina  sa dinner.

"Ahhhh owkkeyyyy sino ka?" Napakamot naman sya ng batok sa sinabi ko.

"I'm Sandro, Solomon's cousin." Hmm Sandro? Lahat sila letter S ang start ng name ano kaya sunod September?

"Bakit ka tumatawa mag isa Beatrice may nasabi ba akong masama?" Tinignan ko sya ng siryoso.

Mr. Bride (BxB)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ