6

469 42 22
                                    

ELI

-----

Kaharap ko ngayon ang mga magulang ni Beatrice at ng pamilya ni Solomon. At may isang babae na kanina pa ako iniirapan nakakairita.

"Beatrice you're so beautiful!." Pag basag ni Governor ng katahimikan pano ba kase lahat sila ay naka tingin sa akin.

"Ohh hahaha. Thanks Gov." Ngumiti din ako para mas gumada ako.

"Tssss. Maganda na ba yan?" Napatingin ako sa babaeng katabi ni Sandro sino naman pala itong echoserang frog na to.

"Naomi!" Saway ng isang matandang babae sa bitchesa na ang pangalan ay Naomi.

"I'm just joking okay!" Inirapan nya ulit ako sabay inom ng wine aba aba.... Di marunong gumalang sa nakakataas na bitchesa to ahh.

"Anyway ija I'm here for pamamanhikan." Wala akong kibo at nakikinig lang sa mga sasabihin nila, ano pang sense kung mag sasalita ako kung naka plano na ang lahat..

"Nag request kase ang apo ko na ikasal agad kayo sa susunod na linggo we're here para sabihin sya inyo na next Wednesday ang wedding no buts."

"Don't worry Gov I'm ready." Ngumisi ako  at tumingin kay Solomon na sobra kung makatingin sa akin.

"Naaalala ko!! Nung bata pa kami ni Solomon sinabihan nya ako na ako lang ang papakasalan nya." Napatingin ako kay Naomi bitch at tinaasan sya ng kilay.

"Bata pa nga... Hindi pa sigurado sa mga sinasabi." it's sounds like nag seselos ako pero hindi gusto ko lang na malaman nya kung sino ang kakalabanin nya.

"But I'm his first love!!" Aba aba sumisigaw tong spoiled brat nato!!

"Wag kang sumigaw nasa harapan tayo ng pagkain at nakakatanda, learn how to respect." Ngumiti ako sa kanya ng matamis I know lahat ng attention ay nasa amin but I don't care.

"Tss!! Diba Solomon? You love me right?" Pumangalumbaba ako habang tinitignan sya na nag papa cute kay Solomon.

"You know what. Naomi right? Kung hindi ako ang nasa sitwasyon ko ngayon na ikakasal kay Solomon.. siguradong hindi ikaw ang nasa posisyon ko ngayon." Tumingin sya sa akin ng sobrang sama. Hahhaahha that's my girl.

"Hahahahahha!!! I'm just kidding!! Sobra nyo naman seryoso." Tumawa ako at uminom ng wine.

"Hahahhaha!! May sense of humor huh? Last time na nag kita tayo ay wala kang ibang kinakausap kungdi si Solomon ija." Wehh ba? Sa boring na tao nyang si Solomon aamagin na laway ko di pa yan mag sasalita ee.

"Sa mundo Gov ang consistent lang ay ang pag babago. You know maski tao nag babago. " Tumango sya at ngumiti sa akin pansin ko sila Madam Guada at Don Ernesto na tahimik lang na nakikinig sa amin marahil ay umiiwas sila na may masabing masama.

"Hindi nga nagkamali ng papakasalan ang aking apo na si Solomon."

"Actually.. inuurong kona ang kasal before pero di ko knows na bet ako ng apo nyo pakipot." Napakunot ang noo nya sa sinabi ko.

"I---mean gusto ako ng apo nyo. Ahhahahah sorry I'm just exploring my self recently hehe." Potah kase kala mo kase Eli nasa panahon ka ng hypebeast ee!!

"Hahaha. You know what ija ang laki ng pinag bago mo, don't get me wrong pero mas naging mature ka mag salita, manamit at sa ugali ibang iba na mula noong huli tayong nagkita." Hindi ko alam kung akit ako ang topic tsss.

"Hahaha.. Gov kalimutan nyo na po yung dating Beatrice na kilala nyo, she's gone."  Nag tama ang mata namin ni Solomon.

"Mama.. Papa gusto kona pong pakasalan ang anak nyo sa lalong maaling panahon." Nanlaki naman ang mata ko dahil sa trip nitong taong to.

Mr. Bride (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon