7

484 46 23
                                    

ELI

-----

Tatlong araw nang wala si Solomon at tatlong araw na ding payapa ang buhay ko. I don't know pero recently may nararamdaman akong iba may napapanaginipan din akong isang matanda at sinasabi sa akin na ingatan mo si Solomon dahil sya ang susi.. Sumusungit din ako kahit hindi ko sinasadya minsan naiisip ko na aka bumabalik na si Beatrice pero diba dapat babalik din ako sa present time? At lagi din akong kinakabahan pag nakikita ko ang sarili ko sa salamin. May sikreto kaba Beatrice? Bakit feeling ko na dapat akong mag ingat sayo? Pakiramdam ko may dapat akong gawin?

"Senyorita! si senyorito Solomon po.. Nasa ospital po nabaril." Hindi na ako nag salita pa at dumeretso sa garahe at sumakay sa isang saakyan.

"Senyorita hindi po kayo sanay mag maneho.." Sita sa akin ng personal driver ni Beatrice.. Hindi ko na sya pinansin at sumenyas na pumasok nalang sa passenger seat at agad naman nya itong ginawa.

"Saan ang ospital ni Solomon?" Halata sa mukha nya ang kaba dahil ako ang mag mamaneho.

"Don't worry kuya I can drive better than you."

"Sa ospital po ng Bayang ito." Hindi ko man alam ay agad kog pina andar ang sasakyan.

"Ituro mo sa akin yung daan kuya." Hindi ko na sya pinansin at nag drive.. ang advantage lang dito ay hindi traffic napaka dalang ng sasakyan at hindi pa polluted ang hangin.

 Nang makarating kami sa hospital ay halata ang pagka mangha kay kuya driver pero hindi ito ang business ko dito.

Agad akong binati ng mga tao sa loob ng pasilidad na ito at sinabi agad kung anong room number ni Solomon habang papalapit ako ay mas lumalakas ang kabog ng dibdib ko. Bakit ako affected ng bongga kay Solomon? Pag pasok ko sa kwarto ni Solomon ay nakita ko si Sandro at yung tatay nya na hanggang ngayon ay hindi ko alam ang pangalan.

"Beatrice anong ginagawa mo dito?" Tanong ng tatay ni Solomon.

"Nabalitaan ko po yung nangyari kay Solomon kaya ako naparito." Napatingin ako kay Solomon na naka ngiti sa akin.

"Hoy!! Ngiting aso ka nanaman! Ano bang nangyari sayo?" Hindi nya ako kinibo at naka ngiti padin sa akin.

"Sa negosyo iha." Napatango ako dahil alam ko naman una palang kung anong negosyong meron ang pamilya nya.

"Tanga tanga mo naman tsss. Kay laki mong tao ang weak mo." Sumimangot naman itoat tumingin sa ibang dereksyon.

"Hahaha pikon." tumalikod ako sa kanya at humarap kay Sandro.

"Sandro ano bang nang yari? ang hihina nyo naman pala--." Napa tingin ako sa braso nya na puno ng dugo don't tell me hindi sya ginamot?

"May tama ka ka din." Mautal utal kong sabi sa kanya... hindi ko alam pero biglang may kirot sa puso ko na makita syang ganito o baka dahil ganito din ako ang uhay ko bilang Eli... walang may pakelam kung anong iisipin at nararamdaman ko. Lumingon ako sa paligid at saktong nakakita ako ng first aid kit..

"Beatrice kaya ko ang sarili ko." saway sa akin ni Sandro pero hindi ako nakinig  at ako mismo ang sumira ng brasong part ng long sleeves nya.

" You know what you're not okay.. okay?" Hindi kona sila pinansin pa at tinapos ang pag lilinis ko ng sugat ni Sandro.

"Done!! Sa susunod galingan nyo makipag bakbakan dapat parang si Cardo di namamatay kahit libo libo na bumabaril ng sabay sabay." napa tingin naman ako sa kanila at halatang nag tataka sila sa mga sinabi ko.. Oww shett di pa nga pala pinapanganak si Cardo.

"Ahh... hehe I mean dapat magaling kayo sa labanan." Napatingin ako kay Solomon na siryosong naka tingin sa akin.

"Pwde nyo ba kaming iwan ni Beatrice? Pa? Sandro?" Tumango naman ang tatay ni Solomon at deretsong lumabas pero si Sandro ay matalim pading nakikipag titigan kay Solomon.

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Sep 18, 2023 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

Mr. Bride (BxB)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora