Peulollogue (Prologue)

4 0 0
                                    

❁❁❁

𝗛𝗲𝗹𝗹𝗼, 𝗺𝘆 𝗳𝗲𝗹𝗹𝗼𝘄 𝗕𝗧𝗦 𝗔𝗿𝗺𝗶𝗲𝘀, 𝘁𝗵𝗶𝘀 𝗶𝘀 𝗳𝗼𝗿 𝘆𝗼𝘂, 𝗜 𝗵𝗼𝗽𝗲 𝘆𝗼𝘂 𝗹𝗶𝗸𝗲 𝗶𝘁, 𝗝𝗶𝗺𝗶𝗻 𝗮𝗻𝗱 𝘁𝗮𝗲𝗵𝘆𝘂𝗻𝗴 𝗯𝗶𝗮𝘀𝗲𝗱, 𝗜 𝘄𝗶𝗹𝗹 𝗱𝗼 𝗲𝘃𝗲𝗿𝘆 𝘁𝗵𝗶𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝗺𝗮𝗴𝘂𝘀𝘁𝘂𝗵𝗮𝗻 𝗻𝘆𝗼 𝗶𝘁𝗼,  𝗚𝗮𝗺𝘀𝗮𝗵𝗮𝗺𝗻𝗶𝗱𝗮 (𝗧𝗵𝗮𝗻𝗸 𝘆𝗼𝘂) 𝗦𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗵𝗮𝗲 𝗿𝗲𝗮𝗱𝗲𝗿𝘀.

❁❁❁

Prologue

"Aalis ka ng bansa?"   Tanong ng aking matalik na kaibigan sa akin.

"Hindi pa naman sigurado"  sagot ko, ngumuso naman sya at tumangotango.

"Pero kung aalis ka, paano si Joshua?" Napaisip ako, paano nga pala, hindi ko yun naisip dahil nakatuon ang atensyon ko sa kung paano ko matutulungan ang aking pamilya para sa kanilang pinansyal na pangangailangan.

Joshua is my long time boyfriend, long time kasi sa lahat ng naging boyfriend ko, sya ang pinakanagtagal sa akin. Nagustuhan ko sya, oo pero sapat na siguro ang salitang gusto dahil hindi ko pwedeng kompirmahin na pagmamahal na iyon, pakiramdam ko, mas higit pa sa higit ang pakiramdam ng pagmamahal kaysa sa simpleng gusto lang.

Mabait sya, May itsura, lagi kaming magkakasama, kaming tatlo, si Kellieh ang kaibigan ko, si Joshua at ako. Hindi ko naman nararamdaman na third wheel si Kellieh sa amin kaya ayus lang. .

"Alexa Bliss Ocampo, wag mong sabihing di mo man lang naisip si Joshua sa pagplano mong umalis"  naningkit ang kanyang mata sa akin,

"Pabili pong dalawang tig tetwenty" napatingin kami pareho sa bumibili, naghanda na ako dahil ako ang taga kaskas ng yelo

"Wait na lang po kayo doon sa table, thank you" magalang na sabi ni Kellie saka muling bumaling sa akin

"Oh ano na?"

"Kellieh, masyado akong preoccupied sa oppurtunity, pero sasabihin ko rin sa kanya"    muli syang tumango at naglagay na ng mga sangkap sa halohalo

"Buti nga, baka magtampo si loverboy eh" nangungutya nitong sabi saka tumawa ng malakas. Napatingin ako sa costumer na nagtatakang nakatingin kay Kellieh, agad kong siniko ang babaita para magtigil.

" San ka ba magtatrabaho, Saang bansa?" muli nitong tanong matapos makarecover sa kanyang tawa.

"Kung papalarin, Sa Seoul, South Korea sana" laglag ang panga nyang nakatingin sa akin, para bang di makapaniwala.

"talaga, dun sa maraming oppa salanghae, wow, paniguradong pag nalaman ni loverboy eh agad yung magseselos.." sabi nito, umiling iling na lang ako sa kabaliwan nya.

(For those who thought that Im mistaken on the word salanghae , no Im not. This is its right spelling but pronnouced as saranghaeL is pronnouced as R. )

" Yun ay kung matatanggap ako sa Interview, " nagpatuloy ako sa pagkaskas, mamaya ay si Kellie na ang pagkakaskasin ko for the next costumer. Akala nya yata ay madali ito.

"Sus, ikaw pa, hibang na lang ang di tatanggap sayo, matalino ka at fluent sa pagsasalita ng korean, graduated ka ay a fashion designer and a teacher, naku, kung ako sila, wala ng interview interview, pasok agad" muntik na akong malula sa mga papuri nya, natawa na lang ako, Im so lucky that I have her though.

"May patutunguhan rin pala ang pagseself study mo para makapag salita ng korean, grabe ang paglalaan mo na oras dyan huh. Talagang puyat ka, akala ko nga, wala talagang patutunguhan yan pero what now, magagamit mo na sa pagpunta ng korea"  ang daldal talga nito. Humalakhak na lang ako sa tuwa dahil sa kaglgalan nya.

When I was just a highschool student, Grade 11. Nagsearch ako kung paano matutong magsalita ng korean, hindi ako tumigil hanggang sa maging magaling ako at maging fluent, matagal ang panahong ginugol ko para dito. Nakagraduate na ako ng Fashion designing  and Edukasyon ng maperfect ko ito. Ang hirap mag aral nito lalo na kung self study lamang. Hindi naman naaapektuhan ang pagaaral ko dahil napapagsabay sabay ko ito.

"Ito na po ang halohalo nyo, forthy pesos po" sabi ko matapos lagyan ng evap ang halohalo at lagyan ng letche flan sa ibabaw. " Thank you po" huminga ako ng malalim at nagunat unat ng braso,

"Hoy babaita, ikaw naman ang magkaskas ng yelo mamaya, ang sakit ng braso ko" tumango sya at kinuha ang kanyang cellphone. Graduated na rin ang babaing ito, hi di palang nagtatrabaho dahil gustong da nyang pagpahingahin ang kanyang utak. Education ang natapos at matalino rin, magaling itong magsalita sa harap ng mga tao at magaling ring makipagdebate, hindi yan nagpapatalo.

Umupo ako sa kanyang tabi at binuksan ang cellphone bumungad sa akin ang wallpaper picture nilang pito. Dumungaw sa aking cellphone si Kellieh at medyo tumili, kinilig na naman at nakita ang pitong diyos ng buhay nya.

" Nakita mo na naman ang mga bebe loves mo, oh sya sayo na" tumawa ako at aagawin nya sana ang cellphone ko pero agad kong nilayo. Nagpout nito, baliw na ito, masyadong naging Avid Fan ng K-pop boy group na ito, well, ako rin naman ay siang avid fan, you can see it inside my rooms, puno ito ng mga posters ng pito, albums, BTS merchandise at kung ano ano pang related sa BTS. Kulay purple ang kwarto ko at sa pinto sa labas ay nagdikit ako ng stickers saying "I purple you".

BTS has a big part of my life now simula nong nakilala ko sila.

pinagmasdan ko ang aking wallpaper, pinagmasdan ko ang aking bias na si Park Jimin, bakit ko nga ba sya inaadmire, dahil kase yun sa angelic voice nya, nagsimula akong humanga sa kanya nang narinig ko ang mga solo songs nya, including Serendipity, Lights, Lie. Magaling din syang sumayaw kagaya ni Jung Hoseok o mas kilala sa tawag na Jhope.

Tumigil ang tingin ko sa isa pa nilang miyembro na seryosong nakatingin sa camera, walang emosyon, oo ngat silang lahat sa picture na ito ay nakafierce  pero iba yung dating ng kanya. Kapag ito nagseryoso parang laging nangaakit, yun ay sa tingin ko lamang, yun ang nararamdaman ko kapag nakikita ko syang seryoso pero mas ayaw ko naman ng nakangiti sya kase naghaharumentado ako.

" Whats with Kim Taehyung, hmm." napatingin ako sa kaibigan kong nakatingin na rin sa cellphone ko. Nagulat ako ng muli kong tingnan ang cellphone ko, kanina ay sa wallpaper lang ako nakatingin ngayon ay wala ako sa sariling pinindot ang galery at pinagmamasdan ang mga features ng mukha ni Kim Taehyung. What the hell, hindi ko alam na pinidot ko na ang gallery at picture niya,

"Akala ko ba ay si Park Jimin ang bias mo, bakit kung makatitig ka sa litrato ni Kim Taehyung ay parang gusto mong angkinin ang lahat lahat sa kanya." tumawa sya , pakiramdam ko ay namula ang mukha ko ng todo sa sinabi nya.

Angkinin? As if maaangkin.

Haysst. What am I saying?

Loving The Imposible Him Where stories live. Discover now