LTIH #02

0 0 0
                                    


LTIH #02 Chapter 02

This day is the day, Im already inside the plane and just waiting for us to go. Hindi ko alam pero sobrang kinakabahan ako, siguro dahil isang malaking kompanya ang pupuntahan ko which is the company kung saan naroon ang mga famous kpop sensation.

Dapat sa mga oras na ito ay sobrang excited ko, pero hindi, todo kaba ang nararamdaman ko. BTS is part of big hit entertainment, its a big catch to be part of that company. Hindi ko nga alam kung bakit ako, sa dinami dami ng sikat na designer sa korea ay bakit ako ang napili. Wala rin naman akong kilala na taong kaclose ko na part ng company na iyun. I should stop over thinking, ilang oras din ang byahe, kailangan ko ng energy dahil siguradong uubusin ng kaba ang enehiya ko sa katawan.

❁❁❁

Pagkalabas ko ng eroplano ay kakaibang lamig agad ang sumalubong sa amin. Pinaalalahan na rin kami nung nasa loob pa kami ng eroplano kung ano ang temperatura sa labas. Hindi pa naman nag iisnow pero napakalamig na.

Dito kami sa Gimpo International Airport Seoul bumaba dahil medyo malapit din naman dito ang pupuntahan kong company.

Agad akong naghanap ng taxi para makapunta sa Dormy Inn Seoul Gangnam na pansamantala kong tutuluyan. Ito na yata ang may pinakamurang hotel sa lahat ng hotel malapit sa Gangnam-Gu. Nagkakahalaga ang kada gabi ng US $57 na base sa kalkulasyon ko ay tinatayang  2,725.61 pesos .  Hindi ako pwedeng magtagal sa hotel na ito dahil baka mamulubi ako sa presyo. Ipagpalagay ng pinakamura nga ito pero wala parin ito sa budjet ko. Kailangan ko parin maghanap ng mumurahing apartment. Bukas na bukas rin pagkatapos ng interview ay maghahanap ako ng malapit na apartment, yung matutuluyan ko lang dahil siguradong kapag natanggap ako ay hindi rin ako pipirmi sa iisang bahay dahil kilala ko naman ang mga sikat na tao. Di sila pumipirmi sa isang lugar, maraming appointment at show kaya siguradong lagi rin akong wala sa bahay kapag nagkataon.


Matapos ang ilang daang kilometrong biyahe ay narating ko na rin ang hotel  na tutuluyan ko. Agad akong pumunta sa front desk upang magbook ng kwarto for two nights.

"Annyeong-haseyo, what can I do for you ma'am?" the receptionist ask pagkadating ko sa harap nya.

"Im booking one single bedroom for two night"I politely said. Baka kase masabihang ang mga pilipino ay di marunong rumespeto. Lol.

"Kindly Fill up this form ma'am before I give you your room number ang key" sabi nito bago ngumiti ng pagkakatamis tamis. Napatingin ako sa kutis nya, infairness artistahin ang ganda. Napatingin ako sa kutis ko.

Napaismid ako ng makita ko ang pagkakaiba ng balat namin. I adore koreans because of how they care on their skins.

"Maam?" Napabalik ako sa realidad ng muli akong tawagin ng receptionist.

"Oh, juseong-hamnida, youre so pretty, " ngiti ko, kita ko namang pinamulahan sya ng mukha at nagpasalamat sa papuring natanggap, napatawa ako at muling itinanong kung ano ang sinasabi nya kanina."Pardon?, come again please" I said.

"What I was saying maam is for you to kindly fill up this form for your some information" she repeated, still blushing.

I immediately film up ang hand it to her. After that binayaran ko narin dahil baka magastos ko pa.

"Here"

"Gamsahamnida, enjoy your stay maam" she shyly smile to me at ibinigay sa akin ang susi kasama na ang room number ng kwarto ko.

"Come on, dont be shy, I mean it" I said and chuckled because of her red face then turned to go to the elevator.

Pagkalapag ng gamit ay sandali akong nagpahinga.

Nakakapagod ang araw na ito, sana ay magbunga ang aking pagparito, sana ay matanggap ako sa trabaho.

Napahawak ako sa tiyan ng maramdaman ko at marinig ang malakas na pagkulo nito, tandang akoy gutom na.

Tumayo ako at naligo, buti na lang ay may heater ang banyo kaya di gaanong malamig maligo. Pagkatapos kong maligo ay pinili kong suutin ang isang turtle neck na long sleeve na kulay white at isang itim na jacket na may kakapalan, mabawasan man lang ang lamig sa aking katawan. Nagsuot rin ako ng isang fitted black jeans at sneakers bago lumabas. May nadaanan ako kanina bago pumunta rito na kainan na parang fastfood. Mukhang mura ang pagkain kesa sa loob nang hotel na pangkain ko na ng isang buwan ang halaga.

Agad akong pumasok ngunit di pa ako nakakapasok ng tuluyan ng may mabangga akong lalaki. Balot na balot ang mukha nito. Nakasuot ng white na mask at cloche hat, may hawak itong paper bag na malamang ay pagkain na binili nya sa kainang ito. Kahit na halos di makita ang kanyang mukha ay di nakaligtas sa akin ang pamilyar nyang mata ng magtama ang aming paningin. Ilang segundo kaming nagkatitigan, pilit kong inaalala kung saan ko nakita ang matang iyon  hanggang sya na ang umiwas at yumuko.

"Juseong hamnida" miski boses ay pamilyar.

Agad itong umalis matapos humingi ng paumanhin. Hindi man lang ako nakapag sorry sa kanya.

Dumako ang tingin ko sa sahig ng may makitang kumislap na bagay. Pinulot ko ito at pinagmasdan. It is a silver butterfly keychain na may red diamond stone. Mukhang pinasadya pa ito at sa tingin ko ay napakamahal ng presyo. Agad akong lumabas, nagbabaka sakaling maabutan ko sya pero sa kasamaang palad ay hindi ko na sya matagpuan. Muli kong pinagmasdan ang keychain at nagdesisyong itago muna ito. Nakita nya ang mukha ko kaya siguradong kung may sentimental value ito sa kanya ay hahanapin nya ito sa akin. Balak ko sanang sadyain ito sa lalaking iyon ngunit paano ko sya makikita kung ni mukha nya ay di ko man lang napagmasdan kahit sandali.

Pumasok na lang ako sa loob at umorder ng isang  Ddukbokki at kimchi, ayus na itong pagkain kesa magutom ako.

Muling bumalik sa utak ko ang mata nya at isang tao ang bigla kong naisip. Agad kong ipinilig ang ulo ko. Imposible dahil hindi sila hahayaang ng manager nilang magpagala gala, madilim na at delikado sa tulad nya kaya imposible ang iniisip ko.

Hindi si Taehyung ang taong iyon.

❁❁❁

Words of the chapter

❀Juseong hamnida-
Im sorry(formal)
❀Gamsahamnida-
Thank you(formal)

Loving The Imposible Him Where stories live. Discover now