Capitulo Dos

44.3K 994 14
                                    


ALAS-ONSE na ng gabi pero dilat pa rin ang mga mata ni Margareta. Sumasakit na ang likod niya sa kapabiling-biling sa kama. Kahit anong aliw niya sa kanyang sarili ay hindi maalis-alis sa kukoti niya ang imahe ni Alezandro Del Fuego at ang kakaibang pusa na humarang sa kanya sa daan.

Mabilis ang tibok ng puso niya. Bumangon siya at humakbang palapit sa bintana. Hinawi niya ang kurtina at binuksan ang sliding window na yari sa matibay na kahoy. Saktong pagbukas niya ng bintana ay sumalubong sa kanya ang mainit na hangin na nagmumula sa labas. Nanlaki ang kanyang mga mata nang mamataan ang pusang itim na nakaupo sa lilim ng puno ng sampalok.

Kumurap lamang siya ay bigla na lamang nawala sa paningin niya ang pusa. Iginala niya ang paningin sa paligid. Napakislot siya nang bigla siyang hampasin ng malakas at mainit na hangin. Nag-aapurang isinara niya ang bintana. Kinilabutan siya.

Pagkuwa'y bumalik na lamang siya sa kama at humiga. Nagkumot siya hanggang leeg at mariing ipinikit ang kanyang mga mata. Muli na namang sumagi sa isip niya ang imahe ni Alezandro. Paulit-ulit niyang sinasariwa sa isip ang kakaibang karesma ng lalaki. Kahit anong gawin niya ay hindi mawaglit sa isip niya ang lalaki.

Pakiramdam ni Margareta ay nakalutang sa ere ang katawan niya. Mariing nakapikit ang mga mata niya ngunit nararamdaman niya na tila may mainit na bagay na humahaplos sa kanyang pisngi. Gusto niyang imulat ang kanyang mga mata ngunit hirap siyang ikilos ang kanyang katawan.

Ilang sandali pa'y naramdaman niya muli ang mainit na bagay na tumutulay sa leeg niyapababa sa puno ng kanyang dibdib. Naramdaman niya ang pag-angat ng suot niyang pantulog. Nakarating na ang bagay na humihipo sa kanyang mayayamang dibdib. Hindi kasi siya nagsusuot ng bra kapag natutulog.

Mayamaya, ang mainit na bagay na iyon ay sumasakop sa bawat dunggot ng kanyang dibdib. Napaigtad siya at hindi niya napigil ang munting ungol na namutawi sa bibig niya. Naisambunot niya ang mga kamay sa kobrekama.

Hindi niya maintindihan ang mga kaganapan. Hindi rin niya masabi kung parte ba iyon ng panaginip niya. Ang alam niya'y gising siya. Nararamdaman niya ang init na dumadalantay sa mga ugat niya. Hindi na niya namamalayan ang pangyayari nang umailipin sa kaibuturan niya ang nakakahibang na sensasyon. Gustong-gusto niya ang kanyang nararamdaman.

"Uhhhmmm..." halinghing niya nang muli na namang tumulay ang mainit na bagay sa kanyang katawan patungo sa kanyang puson. Pagkuwan ay pababa sa pagitan ng kanyang mga hita.

Nadama rin niya ang paghawi ng suot niyang panty. Tila mayroong sariling buhay ang mga hita niya at kusa na lamang iyon naghiwalay...

NAGMULAT ng mga mata si Margareta nang umalingawngaw ang alarm clock sa ulunan niya. Napamulagat siya nang mapansin niya ang kanyang sarili. Nakataas ang suot niyang nighties at ang panty niya ay nakababa hanggang tuhod.

Bumalikwas siya ng bangon. Inayos niya ang kanyang sarili. Nababalot ng kaba ang pagkatao niya sa isiping may nanloob sa kuwarto niya at pinagsamantalahan siya, ngunit wala naman siyang naramdamang masakit sa katawan niya. Sarado ang pinto maging ang mga bintana.

Alas-singko pa lamang ng umaga. Maglalaba kasi siya kaya naka-set ng alas-singko ang alarm clock. Hindi na niya inintindi ang mga nangyari. Iniisip niya na panaginip lamang ang mga naramdaman niya.

Maagang pumasok si Margareta sa Rancio sa akalang hindi pa naaayos ang service nila. Hindi pa sumisikat ang araw nang makapasok siya sa malaking tarangkahan ng Rancio. Wala siyang makitang sasakyan kaya naglakad na lamang siya.

Amor Del Diablo (El Diablo trilogy 1)Preview OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon