Capitulo Cinco

38.7K 866 22
                                    

SAKTONG naluto ang noodles ay nakapuwesto na sa hapag-kainan si Kenji at Zandro. Dinala na niya sa mga ito ang almusal. Hindi siya nag-abalang tingnan ni isa sa dalawa kahit ramdam niya na nakatingin ang mga ito sa kanya.

"Thanks, Margaret," sabi ni Kenji nang maibigay niya rito ang niluto niyang noodles.

"Walang anuman, sir," sagot niya pero hindi niya ito magawang tingnan.

"Nag-almusal ka na ba?" pagkuwan ay tanong ni Kenji.

Napilitan siyang tingnan ito. "Uh, nag-almusal na ako sa bahay," aniya.

Hindi niya inaasahan na sisingit si Zandro sa usapan. "Ang aga mong dumating dito. Don't say napakaaga mong nag-a-almusal. You should eat again before go to work. Mahaba pa ang oras bago ang tanghalian," ani Zandro.

Naibaling niya ang tingin dito. "Busog pa naman ako, sir," sabi niya.

"Kumain ka kahit noodles lang. Ayaw ko nang empleyadong matigas ang ulo," pilit nito.

Hindi na siya nakipagtalo. Nang ibalik niya ang tingin kay Kenji ay napansin niya na masama ang tingin nito kay Zandro.

"Sige po. Maiwan ko na kayo," sabi na lamang niya saka bumalik ng kusina.

No choice siya kundi kinain ang natirang noodles sa kaserola. Nagtatakang pinagmasdan siya ni Aleng Rowena habang pumapapak ng noodles na inilipat niya sa mangkok.

"Hindi ka pa ba nag-almusal, Margareta?" hindi natimping tanong nito.

Naupo siya sa stool habang hawak lang ang mangkok. Hindi pa niya nasasagot si Aleng Rowena ay biglang pumasok si Zandro. May dala itong isang pan cake na nasa platito. Inilapag nito iyon sa mesa sa tapat niya.

"Malalaki ang ginawa mong pan cake. Kainin mo itong sobrang maliit para mabusog ka. Sa susunod, bago ka magsimulang magtrabaho ay mag-almusal ka. Hindi ko matatawag na almusal ang almusal mo. Eat that. Bantayan mo siya, Manang. Huwag mong patatatrabahuhin kapag hindi pa tapos mag-almusal. That's my order," palatak ng binata at kaagad ding lumabas.

Nagkatinginan sila ni Aleng Rowena. Kinakabahan siya. Bakas sa mukha ng ale ang pagkawindang. Natitigilan ito sa paghihiwa ng mga rekado habang nakatayo malapit sa kanya.

"Nag-almusal naman po ako pero kaninang alas-singko sa bahay. Sinabi ko naman po kay sir na nag-almusal na ako," aniya.

"O eh ano naman ang paki ni Doc doon? Bakit bigla siyang nagkaganoon? Dati naman ay wala siyang pakialam kung kumain o hindi ang empleyado," anang ale.

"Baka po dahil nariyan si Sir Kenji kaya nagbabait-baitan siya," sabi niya.

"Kung sa bagay. O siya, kumain ka na. Ubusin mo 'yang pan cake," udyok nito.

Hindi siya sanay mabusog nang sobra sa umaga pero pinagtiyagaan niyang maubos ang pan cake.

ALAS-OTSO na ng gabi pero hindi pa nakakaalis sa mansiyon si Margareta. Inaantabayanan niya ang service nilang tricycle pero ayon sa guwardiya ay hindi pa raw nakakabalik ang tricycle mula sa main gate na naghatid sa ilang manggagawa na umuwi. Natagalan kasi siya sa pagluluto ng pizza pie. Dapat sana ay alas-sais ang out niya sa trabaho.

Nang hindi pa rin dumarating ang tricycle ay sinimulan na niyang maglakad. Nakakawalong hakbang pa lamang siya mula sa mansiyon ay napahinto siya nang mamataan ang itim na pusa na nakaupo sa lilim ng puno ng palm three na may lupang nakaumbok. Akmang lalapitan niya ito ngunit bigla na lamang ito nawala nang matamaan ito ng liwanag ng sasakyan.

Napatingin siya sa kotse na nagmamaniobra mula sa garahe. Kotse iyon ni Kenji. Tumabi siya sa gilid ng kalsada. Hindi niya inaasahan na hihinto ang kotse sa harapan niya. Nag-abala pang bumaba si Kenji at lumapit sa kanya.

Amor Del Diablo (El Diablo trilogy 1)Preview OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon