Teaser

79.2K 1.4K 14
                                    

Si Margareta Espejo ay isang dalagang namulat sa makalumang estilo ng pamumuhay. Labis ang pag-iingat niya sa kanyang sarili. Ngunit sa kabila ng kanyang pag-iingat ay isang propisiya ang hindi niya maiiwasan. Ang kanyang buong pamilya ay nababalot ng sumpa ng isang diablo. Mawawala lamang ang sumpang iyon sakaling maikasal siya sa isang lalaking payak na nagmamahal sa kanya at maialay niya ang kanyang pagka-birhen bago pa man tumungtong ang edad niya sa dalawampu't-lima.

Ngunit paano niya mapuputol ang sumpa kung ang gusto niyang lalaki ay isang langit na mahirap maabot? Si Dr. Alezandro Del Fuego—ang lalaking unang itinitibok ng kanyang puso, ngunit ito'y nakatakda nang ikasal. Lalo siyang nawawalan ng pag-asa nang ireto siya nito sa kaibigan nitong si Kenji.

Ngunit isang araw, tila isang himala na bigla na lamang siya nitong hinalikan at inangkin. Subalit tila wala ito sa sarili. Kakaiba ang mga ikinikilos nito. Gayunpaman ay tinanggap niya ang pagkalalaki nito. Hudyat na ba iyon ng pag-aasam niya sa tunay na pagmamahal? Maririnig kaya niya mula sa bibig nito ang salitang "Te amo"?

Amor Del Diablo (El Diablo trilogy 1)Preview OnlyWhere stories live. Discover now