Chapter Twenty-Seven

109 3 0
                                    

Chapter Twenty-Seven
~

Timotheo Jyrel A. Greenfield. That is final. Iyon na ang magiging pangalan ng anak namin. Hindi pa rin masabi ng OB ko kung ano ang gender ng isang baby sa tiyan ko. Hindi na rin mapakali si Isaah kung magkakaroon nga siya ng princess o hindi.

Papunta kami ngayon sa mall para mamili ng mga gamit. Natatawa ako sa kanya dahil dampot siya ng dampot ng pambabae sa baby's section. He really wanted a girl from me. And I hope babae nga.

"Kailan ba malalaman ni Dra. Antonio ang gender ng isa nating baby?" Tanong ni Isaah habang nasa counter na kami.

"She texted me to go tomorrow. Baka bigla daw gumalaw si Baby Theo at makita ang gender ng isa." Nakangiti kong sagot.

Hinawakan ni Isaah ang tiyan ko. "Baby Theo, galaw ka bukas ha? Sana girl ang kakambal mo." Kausap niya sa tiyan ko. Natawa ako.

Nagbayad na si Isaah ng pinamili namin. Naka-kapit ako sa isang braso niya habang ginuguyod ang pushcart. Sabi niya, daan muna kaming Savory para kumain.

I remember my surprise for him nung 31st birthday niya. 2nd month ko ng pagbubuntis. Hindi ako mapakali nung 1st trimester ko. I was in erratic moodswings. Bigla na lang ako maiinis sa kanya, to the point na sisigawan ko siya at paaalisin sa kwarto. Siya naman itong mahaba ang pasensya kaya nagtitiis sa kwarto ni Stanley. Mabuti na lang nung birthday niya, hindi ako inatake ng kaartehan. Nagawa ko ang surprise party para sa kanya. Stanley didn't make it dahil nasa malayo na siya and I'm sure hindi pumayag si Catherine.

Tinulungan ako nina mama at Sheena sa paghahanda. Nakilala ko rin ang mga kaibigan ni Isaah, yung iba ay nakilala ako dahil madalas rin sila sa bahay noon nung kasambahay pa ako. Dumating rin ang mga kasama niya sa Greenfields. Nakita ko naman ang saya sa mga mata niya kahit wala ang panganay niyang anak.

Umorder na si Isaah ng pagkain namin. Dahil marami kaming natira ay pina-take out niya. Para sa mga kasama namin sa bahay. Kaunti lang kasi ang kinain ko, hindi ko nagalaw lahat. Nagpahinga kami saglit at tumayo na para makalabas ng mall. Excited na ako idecorate ang magiging kwarto ng kambal.

"Pwede ka bang magbiyahe after you gave birth?" Tanong ni Isaah habang nagda-drive.

"No. At ayokong iwan ang kambal. Bakit?"

Nagpakawala siya ng mabigat na hininga. "I need to go to Thailand para icheck ang Greenfields doon."

Nalungkot ako. "Ilang araw ka dun?"

"They wanted me there for a month pero ginawa ko ng two weeks. Hanggang dun ang napagkasunduan." Hinawakan niya ang kamay ko. "Gusto ko kayong isama pero hindi rin pala pwede."

I tried to smile. "Two weeks lang naman iyon, Isaah. Mabilis lang iyon. Pagkauwi mo, we'll plan the christening day."

"Yeah."

Tahimik na siyang nag-drive. Matagal pa naman iyon. Pagkatapos ko pa manganak pero nagpaalam na siya agad sakin. Lahat talaga pinapaalam niya sakin. Ganun rin ako. Ayaw namin ng sikreto.

Pagkarating namin sa bahay, tinulungan ni Kuya Mario si Isaah na ipasok ang gamit ng mga bata. Tinulungan naman ako nina Marie sa pag-aayos ng kwarto. Napalapit na ako kay Marie dahil para ko na rin siyang kapatid. Madaldal siya na siyang kinaiinis ng tita niyang si Manang Lina, ang mayordoma dito.

"E, ma'am, paano po kung pareho palang lalaki? Paano itong mga pinamili ninyo?" Tanong ni Marie habang inaayos ang crib.

"We can keep it, Marie. Malay natin in the future, magka-babae na kami." Tumawa ako

Exchange HeartsWhere stories live. Discover now