Chapter Three

174 5 0
                                    

Chapter Three
~

Dumating sina mama na hindi pa ako nakakaligo. Akala ko kasi nagbibiro lang si Isaah pero kumpleto sila ngayon kahit si Benedict na mapapangasawa ni Sheena. Nakangisi ang kapatid ko sa akin. Nilapitan niya ako at siniko.

"Ikakasal ka na rin pala, hindi mo man lang sinasabi sakin." Bulong niya.

Hindi ako makangiti. Ano bang irereact ko?

"Jusko. Pasalamat ka anak, hindi kayo sukob nitong si Sheena!" Sabi ni mama.

Napanguso ako. Akala ko papagalitan niya ako. Iyon pala, sukob ang sasabihin niya. Ni hindi ko naisip iyon. Hindi ko rin alam yun. Si tatay naman, hindi ko masabi kung masaya o galit o malungkot. Naramdaman ko ang paghawak ni Isaah sa baywang ko. Nag-init agad ang pisngi ko.

"Maligo ka na. Male-late na tayo." Bulong niya sa tainga.

Pinanlisikan ko siya ng titig. Kasalanan ko 'to e. Ako ang naglagay sa sarili ko sa sitwasyon na ito. Padabog akong naligo. Nakahanda na ang maganda kong white dress para sa kasal. Hindi naman ako naghahangad ng magarbong kasal dahil usapan lang ito. Hindi kami nagmamahalan para ikasal pa sa simbahan. At nagmamadali na siyang magkaanak. Iyon lang talaga ang gusto niya.

Pagkatapos kong mag-ayos, magkasama kami sa sasakyan papuntang mayor's office. Sina mama ay magkakasama sa isang van. Hindi ko alam kung ano'ng dapat kong maramdaman. Nung makita kong nakikipagtawanan si Isaah sa pamilya ko, nagtatalon ang puso ko. Para silang matagal ng magkakilala at botong boto sila sa kanya. Gusto kong magsisi. Dahil mali lahat ng ito. Nagsisinungaling ako sa pamilya ko. Dapat naghanap na lang ako ng pag-uutangan.

"Your parents are so nice," komento ni Isaah habang nasa biyahe.

Hindi ko siya nilingon. "Ano'ng kasinungalingan ang sinabi mo sa kanila?"

"Don't worry, Sara. White lies iyon at hindi ko sinabing kontrata lang ito."

Hindi na lang ako nagsalita. Dapat talaga hindi ko na lang tinuloy ito e. Binigyan na niya ako ng chance na hindi ituloy ang set up pero pumunta pa rin ako and worse, pumirma ako without any query of the contract. Nakarating kami ng mayor's office. Si Sheena at secretary ni mayor ang dalawang witnessess. Natapos kami sa kiss na hinudyat na ng mayor. Nag-init agad ang pisngi ko nung maglapat ang mga labi namin.

"Isa pa!" Hirit ni Sheena.

Sinamaan ko ng tingin ang kapatid ko. Tinawanan lang nila ako. Hinalikan ulit ako ni Isaah. Sasabog na yata ang pisngi ko.

Pagkauwi namin, nagkaroon kami ng kaunting salo-salo. Gusto ko pa sanang makasama sina mama pero sila na mismo ang umalis. Kailangan daw namin ng oras mag-asawa. Err. Mag-asawa? Isaah is now my husband. Ganito ang pangarap ko noon pero hindi na yata ngayon. Oo, may nararamdaman ako para sa kanya pero gusto kong kalimutan. Ayokong masaktan sa bandang huli.

"Ahh... Isaah... saan ang kwarto ko?" Tanong ko sa kanya nung papasok na siya ng kwarto niya.

"Dito," Turo niya sa kwarto niya.

"Huh? Kwarto mo yan! Hin-"

"Mag-asawa na tayo, Sara. At alam mo kung bakit ako nagpakasal sayo." Malamig niyang sabi. "Kung gusto mo magpahinga, tabihan mo na lang ako. Matutulog lang ako saglit."

Pumasok na siya nang hindi ako nililingon. Sumunod ako pero halata sa mukha niya ang pagod. Nagbihis na ulit ako at nagpaalam sa kasambahay na papasok ako sa trabaho. Nakakahiya man pero hinabol ako ng driver ni Isaah na ihahatid na daw niya ako. Pagkarating ko sa office, sinalubong kaagad ako ng note sa computer ko.

Exchange HeartsWhere stories live. Discover now