Chapter Nine

128 2 0
                                    

Chapter Nine
~

"J-Jeremy?" Bulalas ko.

Ngumisi ulit siya at mabilis akong hinalikan sa labi. Agad dumapo ang palad ko sa pisngi niya. Iniwan ko siya at kinuha na ang gamit ko. Hindi na ako nagpaalam sa mga kasama ko. Sigurado akong hindi nila ako napansin dahil busy sila sa pakikipag-sayaw sa mga lalake. Sumakay ako ng elevator para makaalis na dito. Hindi ko dala ang kotse ko kaya kailangan kong mag-commute.

Papara na sana ako ng taxi nung humarang sa harap ko ang isang napaka-pamilyar na kotse. Bakit ba ang bilis niya palagi? Naaninag kong nakabihis na siya sa loob ng kotse. Naglakad ako para pumara ng taxi pero humaharang lang siya sa harap ko. Lumabas na siya ng kotse at hinabol ako dahil naglakad na ako palayo sa kanya.

"Sara, sandali!" Sigaw niya. "I'm sorry."

Hinawakan niya ako sa braso at iniharap sa kanya. "Ano ba!"

"I'm sorry." Sabi niya.

"Hindi ko alam na part time mo 'yon." Inirapan ko siya.

"Hindi. Kusa lang akong sumama dahil alam kong nandun ka."

Natigilan ako. "Bakit?"

"Damn! Manhid ka ba talaga, Sara? O ayaw mo lang buksan yang puso mo? Ang tanga mo para hindi mapansin na may gusto ako sayo. Sa tingin mo, friendly ang pag-aaya ko sayo araw-araw? Damn! You are so stupid!"

Sinampal ko ulit siya. "Hindi ako tanga."

Tinampal ko ang kamay niya at naglakad ulit palayo sa kanya. Pero patuloy lang siya sa paghabol sakin. Patuloy lang din ako sa pag-iwas sa kanya. Kahit ilang beses ko siyang itulak at sampalin, wala sa kanya. Sa huling pagkakataon, ginamit niya ang lakas niya para hawakan ang mga kamay ko at isandal ako sa pader.

"Pasalamat ka gusto kita at hinahayaan kong sampalin mo ako ng ilang beses!" Galit na sabi niya.

Natigilan na naman ako. Fvck! Gusto? Kinalimutan ko na ang salitang iyon. Ayoko ng marinig ang salitang yun. Pinanlisikan ko siya ng titig. Wala na akong pakialam kung madamay ang trabaho ko.

"Bitawan mo ako!" Sigaw ko. "Sisigaw ako ng rape!"

"Sumigaw ka para halikan kita." Matigas niyang sabi.

Bwisit! Bwisit talaga! Ang galing niya mam-blackmail.

"Gusto ko ng umuwi, pwede ba."

"Ihahatid kita."

"Ayoko!" Tanggi ko.

"Subukan mong tumanggi ulit. Tara na." Hinawakan niya ang kamay ko at hinila papunta sa kotse niya pero nagpupumiglas ako.

"Ayoko sabi! Bitaw-"

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nung halikan niya ulit ako sa labi. Nakarinig ako ng singhap sa gilid namin. Tinulak ko si Jeremy at nakita ang mga nakangiting mukha nina Sheena.

"Iuuwi ko na girlfriend ko." Dinig kong sabi ni Jeremy at sinakay na ako sa kotse niya.

Nilock niya ang kotse kaya pinaghahampas ko siya sa braso.

"Gusto mo bang maaksidente tayo?" Sigaw niya.

"Wala akong pakialam. How dare you tell them girlfriend mo ko? Nababaliw ka na ba?!" Sigaw ko.

"Hahalikan ulit kita!"

Tumahimik na ako. Sumusobra na siya. Puro siya nakaw ng halik. Nakakainis. Buong biyahe pauwi, magkasalubong ang kilay ko. Gusto ko na lang mag-resign sa trabaho. Pagkarating namin, pinagbuksan niya ako ng pintuan. Hindi ko siya pinansin pero hinila na naman niya ang braso ko.

Exchange HeartsWhere stories live. Discover now