16# - Invitation

134 5 2
                                    

Naalipungatan ako nang tumama sa aking mga mata ang sikat ng araw.

kinuha ko ka-agad ang aking cellphone para tingnan ang oras.

7:00 am pa lang pala...

nag unat-unat ako ng katawan bago ako tuluyang bumangon mula sa aking higaan. 

medyo antok pa ako pero dumeretso na ako sa bnayo para makapagayos ng aking sarili. Sinimulan kong kunin ang toothbrush ko at agad na nag lagay ng toothpaste. dumeretso ang aking mata sa salamin.

Why didn't you tell me?

napatigil ako sa aking pag sisipilyo...

oo nga pala, nalaman na ni cheol ang tungkol doon. hindi pa rin nawawala ang pakiramdam kong naawa sa kanya dahil sa aking pag sisisnungaling. Ayokong ayoko nag sisinungaling lalo na't pag ang taong iyon ay mahalaga sa akin. 

Kahit anong tago ang gagawin ko, malalaman at malalaman nya ito. Baka pag nalaman nya ang katotohanan,  baka hindi na nya ako pansinin, baka hindi na nya ako kausapin, b-baka... burahin na nya ako sa buhay nya.

hays. 

hinagod ko ang buhok at panandaliang tinali ito.

Sasabihin ko rin sa kanya ang tototo, masasabi ko ba talaga?

oo, sasabihin ko rin sa kanya sa tamang panahon. pero sa ngayon, hayaan mo muna akong ayusin ang lahat ng ito.

****

*ding dong*

si Cheol na ata iyon...

"Good morning, Dahlia." malaking ngiti sa kanyang mukha ang bumungad sa akin. Parang biglaang nawala ang mga bagay na bumabagabag sa isip ko kani-kanina lamang.

"are you ready to go?" nginitian ko syang pabalik bago ako tumango, kinuha ko na ang aking gamit at tinahak ang aking sarili palabas.

"Kumain ka na ba?" panimula nito.

"Hindi pa po. Pero okay lang, may kainan naman po sa loob ng building kaya doon na lang po tayo kumain." paliwanag ko. Tumango lamang ito at hindi na nadugtungan ng ibang tanong.

huh?

ano iyon...

Parang may kakaiba akong nararamdaman ngayon, parang ang ano, ang akward...? dahil ang tamihik ngayon ni cheol, dahil tuwing kami ay mag kasama, hindi sya nauubusan ng tanong at kwento yung tipong hindi sya titigil kakadaldal hanggat hindi nya pa natatapos ang kanyang kwento! haha. Pero bakit ganoon, tahimik sya at nakatulala lamang.

nararamdaman ko na ang katihimikan na onti-onti nang bumabalot sa loob ng kotse, usually kinukulit nya ako, napansin ko rin na Dahlia ang tinawag nya sa'kin at hindi yung paborito nitong endearment na lagi nitong ginagamit.

hays.

tanungin ko ba sya...?

hmm...

o baka dahil may sakit sya.

Lumingon ako para tingnan kung may sakit ba ito,

"Cheollie, Okay ka lang ba?" agad itong napalingon sa akin.

"wala naman po, bakit? is there something wrong?" nakatuon ang mata nito sa kalsada.

"ako dapat nagtatanong nyan eh, may sakit ka po ba?" narinig ko ang mahinanong tawa nito.

"There's nothing wrong baby don't worry,"

"promise?" narinig ko nanaman syang tumawa noong itaas ko ang aking pinky finger sa gilid nya.

Fiancé - Jeon WonwooWhere stories live. Discover now