9# - Dinner

184 9 6
                                    

Malapit na kami sa bahay nila. Medyo matagal ang naging byahe kasi traffic at umuulan. Buti nalang at may bago ng kalsada papuntang baguio. Hindi na namin kailangan dumaan doon sa matatarik na kalsada. Sayang naman. Hindi namin madadaanan yung lion na may naka lagay na "welcome to baguio".

"Sir. Gising na po malapit na po tayo" I slightly tap his hands. Pero umiling lang ito.

"Sir" dahan-dahan ko siyang inalog.

"What?" Iritable niyang tanong saakin. Nakapit pa rin ang mata nito. Galit na agad sya?

"Malapit na po tayo" inulit ko sa kanya.

"I just wake me up pag nandoon na tayo"

" Ok po"

* * *

"Hi kuya guard" binababa ko ang bintana at bago ko binati si kuya.

"Oh! Ms. Dahlia ikaw pala yan. Sige pasok ka" binuksan niya ang gate.

"Thank you po" pinasok ko na ang kotse at dineresto sa parking lot nila. Napaka laki ng kanilang bahay. Merong lugar na para lang sa kanilang mga kotse.

Pagkatapos ko mag park, nalipat naman ang tingin ko sa gilid ko. Napangiti ako nang makita siyang natutulog ng mahimbing. Ang gwapo pa rin niya kahit natutulog ito. Sobrang saya ko at ako ang napili na maging asawa niya. Kahit pag papanggap lang ang lahat...

"Sir gising na po nandito na po tayo"

Tuluyan na itong bumangon at nag unat-unat siya ng katawan.

"Let's go" sambit nito bago ito lumabas. Kinuha ko ang bag ko at agad siyang sinundan.

"Come here" hinila niya ang kamay ko para sabay kaming mag lakad... Puso kalma ka lang ah.

Grabe. Napaka laki ng kanilang bahay. Mansion na ata ito. Maraming nakapalibot na halaman sa gilid. May fountain pa sa harap ng bahay.

Wow...

Sobrang ganda ng bahay! Magaganda ang mga kulay nito. May malalaking chandelier, mukhang mamahalin ang mga interior dito. Hindi ko first time maka punta dito sa bahay nila pero tuwing pumupunta ako dito naaamaze pa rin ako sa kagandahan nito. Hindi na sila nag aaircon. Madaming bintana na nakapalibot sa bahay at ito ay naka bukas lahat kaya sobrang presko at sobrang lamig!

"Oh Wonwoo anak nandyaan na pala kayo." bumungad saamin ang ina ni sir. Niyakap kaming pareho.

"Hi mom" hinalikan ni sir si mrs. Jeon sa noo. Ang lambing naman.

"Hello po" bati ko sakanya.

"Napakaganda mo naman Dahlia!" She excitingly said. Hala nakakahiya naman.

"Ha? Hindi po haha" pag tanggi ko.

"Ang swerte naman ni won at ikaw ang mapapang-asawa niya" nginitian niya ako. Wala naman akong nagawa kung hindi ngitian ko nalang siya pabalik.

"I already prepared our dinner. Gusto niyo na ba kumain?" Sumingit si mr. Jeon sa usapan. Tiningnan ko naman si won at tumango lang siya.

"Okay! Tara na't baka lumamig ang pagkain" pag aya saamin. Lumapit na kami sa mesa at umupo roon.

Hala...

Di pa rin binibitawan ni sir yung kamay ko... Tatanggalin ko na sana ang pag kahawak niya roon pero namilog ang aking mata nang mas humigpit ang pag hawak niya saakin. Nilipat ko naman ang tingin ko sakanya. Sasabog nanaman ata puso ko nang mag tama ang mata namin at sabay kindat saakin! Di ko na alam kung anong mararamdaman ko ano bayan... Agad naman akong umiwas ng tingin at hinayaan nalang siya. Huhu.

Sinimulan na naming kumain... Sa wakas at pinakawalan na ni wonwoo I mean ni sir yung kamay ko.

"So you both are already together for 6 years?" Mrs. Jeon started the conversation. Hindi pa rin nawawala ang ngiti nito sa kanyang mukha. Onti nalang at baka mapunit ito.

"Yes." Maiksing sagot ni sir.

"Paano nangyari? I mean how did it started? When did you like her? Sino unang umamin?" Sunod-sunod na tanong ni mrs. Jeon.

Natawa naman si sir. Grabe ang sarap pakinggan ng matamis niyang tawa. Sana lagi nalang siyang nakangiti.

"Mom calm down... Ok. It all started nung lasing na lasing ako noon because I fail to have a partnership with the company that time. Did you remember it pumkin?" Napatalon naman ako sa pag tawag niya saakin.

Pumkin?

Bakit pumkin...

Mukha ba akong kalabasa?

Baka nga...

"Yes po" ngitian ko siya pabalik. Oo naalala ko yung araw na iyon. Umiiyak pa nga siya noon eh.

"Lasing ako noon pero I remember everything that happend that time"

"I was so mad at myself that day. pinauwi ko lahat ng empliyado ng buong kumpanya dahil ayoko silang madamay sa problema ko at dahil baka sakanila ko mabuhos yung galit ko. Pero siya..."

Nalipat ang tingin nito saakin.

"sobrang kulit niya noon. Dahlia said na sasamahan niya daw ako. Hindi niya daw ako kayang iwanan baka anong mangyari saakin. Sinagawan ko na siya't lahat pero hindi niya pa rin ako iniwan. I remember na siya pa ang nag patahan saakin noon. She said na failure is the start of being successful. Sabi niya ayon ang magiging lesson na matutunan ko for me to grow more as a person. Nag pasalamat siya saakin for trying my best... Manalo man or matalo she said that she'll always be proud of me... That was the time I developed my feeling for her"

Natagilan ako sa mga sinabi niya...

Totoo ba?

Ayoko masyadong kiligin kasi alam kong hindi naman totoo na nag ka gusto siya saakin...

Atsaka...

Naalala niya pa lahat ng sinabi ko?

"Nakakakilig naman!" Tumili si mrs. Jeon. Napangiti naman ako sa reaksyon niya.

"Kailangan naging kayo?" Tanong ni mr. Jeon. Napansin ko na seryoso ang mukha nito at mukhang mainit ang tingin nito saamin. Natatakot tuloy ako...

" The time when we went to korea for our business trip. That's when I ask her to be mine" maiksing sagot muli ni sir.

"First kiss?" Sunod na tanong ni mr. Jeon

"Doon rin"

Hindi pa rin nawawala ang matalim na tingin nito saamin...

"First honeymoon?" Nabilaukan naman ako sa sinabi nito...

Ano daw?!

"Oh? Okay ka lang dahlia? Tubig oh" abot saakin ng tubig ni sir. Nakakagulat naman yung tanong na iyon! Is it necessary to answer that question?

"Salamat po" agad ko itong ininom.

"Ano ba yan! Bakit iyan ang tinatanong mo?!" Nakita kong hinampas ni mrs. Jeon si mr. Jeon.

"Malay mo diba. 6 years na sila. imposible namang wala pang nangyayari sakanila" explain nito.

"Dad what the heck?! I would never do that! I respect Dahlia a lot. At saka hindi pa kami kasal" sigaw ni sir sakanya.

"Talaga? Eh muntik na nga may mangyari sa inyo ng anak ng mga park"

Bigala namang nanahimik ang paligid.

Ano daw...

Mangyari?

Anong mangyari?

Muntik na sila m-mag...

"Hay nako! mamaya na tayo mag usap at kumain nalang tayo" sambit ni mrs. Jeon.

Tumingin ako sa gilid ko at nakita ko naman si sir na diretso ang tingin nito sa kanyang tatay habang nakakunot ang noo nito.

Nag aaway nanaman sila...

Fiancé - Jeon WonwooWhere stories live. Discover now