KABANATA 1 - SA MUNDO NG MGA TAO

544 11 0
                                    

(Ilang linya ng mga tauhan mula sa Encantadia2016 ng GMANetwork)

Ang nakaraan (Pinagtagpo, Itinadhana Book 1)

"Dito ka na muna sanggre nang sa ganun ay hindi ka na muling makabalik pa sa Encantadia." Ibanaba ni Pirena ang sanggol sa ilalim ng isang malaking puno.

"Sanggre Pirena, ano ang iyong ginagawa?" Nakita ni Ybrahim ang sanggre. Nagulat si Pirena.

"Pashnea!" Nagpakawala ng engkantasyon ang sanggre. Agad itong inilagan ni Ybrahim. Lumayo si Pirena sa kinalalagyan ng sanggol. Ngunit natamaan ng kanyang kapangyarihan ang puno kaya unti-unti itong bumagsak. Dinig ang iyak ng bata.

"Ang sanggre Lira!" Sigaw ng lambana. Dali-daling pumunta sa pabagsak na puno si Ybrahim. Hinarang niya ang sarili para mabigyan ng proteksyon ang sanggol. Nakita ni Pirena na tuluyang nadaganan ng puno ang dalawa.

"Mukhang napakapalad ko. Ngayon, wala nang makakahadlang sa akin." Nakita ni Pirena ang lambana at ginamitan din niya ng engkantasyon para mawalan ito ng ulirat panandalian. Dali-daling bumalik sa Encantadia si Pirena.


Idinilat ni Ybrahim ang kanyang mga mata. Dinig niya ang iyak ng sanggol. Pagmulat niya ay kanyang nakita na nababalot sila ng liwanag - na pumapagitna sa kanilang dalawa at ng bumagsak ng puno. Nakita niya na mula ito sa kwintas na bigay sa kanya ni Amihan. Hindi na siya nagdalawang-isip at kinuha agad ang sanggol.

"Sanggre Pirena, huwag!" Ang sigaw ng isang lambana. Nakita niya na unti-unting nawala ang liwanag ng lagusan. 

 

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


"Ang sanggre Lira..." Humarap sa kanila ang lambana.

"Muyak?" Kilala niya ang encantada sapagkat lagi niya itong nakikita na kasama si sanggre Alena.

"Nakikilala kita ... kaibigan ka ng mga sanggre ...  Ybrahim!" Sinagot siya ng lambana. Lumipad si Muyak malapit sa kanila. "Kamusta siya?"

Tinignan niya ang hawak niyang sanggol. "Hindi ko naiintindihan ang mga pangyayari Muyak... Ano at dinala ni Pirena ang sanggol na ito sa mundo ng mga tao?"

"Hindi rin ako nakasisiguro sa kanyang pakay. Sinundan ko siya dito sapagkat nakita ko na pinagtangkaan niya ang buhay ng sanggre."

"Sanggre?" Pagtataka ni Ybrahim.

"Siya ang sanggre Lira. Ang anak ni Reyna Amihan."

"Anak ni Amihan..." Napatingin si Ybrahim kay Lira. Kung tama ang kanyang hinala ay maaring anak niya si Lira.

"Muyak, sa panaginip ba nakaniig ng reyna ang ama ng kanyang tagapagmana?"

"Oo, bakit mo naman naitanong ..." Sumagi sa isipan ni Muyak ang usapan ng magkakapatid tungkol sa ama ni Lira.

PINAGTAGPO, ITINADHANA-Ang Pagbabalik ng Tagapagmana(Encantadia/BOOK 2 COMPLETE)Where stories live. Discover now