KABANATA 17 - PANIBAGONG BANTA

329 11 7
                                    

(Ilang linya ng mga tauhan mula sa Encantadia2016 ng GMANetwork)


Nakaraan

"Hindi po magkatulad ang inyong wangis kamahalan ... ngunit kayo po ay may pagkakahawig." Sambit ng isang nilalang.

Pumasok si Amihan sa bulwagan. Agad siyang nakita ng prinsipe.

"Mahal kong reyna." Ngumiti si Ybrahim.

Lumingon ang nilalang na kausap ng rehav.

"Ikaw?" Nanariwa kay Amihan ang una nilang pagkikita ng encantado sa kanyang harapan.



SA SAPIRO

"Mahal na reyna." Nagbigay galang ang kausap ng prinsipe. Tinignan ni Ybrahim ang dalawa.

"Kayo ay magkakilala?" Tanong ng rehav.

"Oo." Maikling tugon ng reyna. Tila hindi nais makipag-usap ng hara sa kaharap niyang mandirigma.

"Narito si Apitong upang ilahad sa akin ang kanyang nalalaman tungkol sa aking kapatid." Paliwanag ng prinsipe.

Batid ng lahat na kambal ang senhino ni Haring Armeo. Inihabilin ni reyna Asnara si Ybrahim sa mashna ng Lireo bago ang digmaan, subalit hindi naging mapalad ang kapalaran ng kanyang kapatid. Pinaniniwalaan na ito ay napaslang din noong sinugod ng mga Hathor ang kaharian sa kalagitnaan ng hidwaan.

"Papunta kami sa Sapiro noon nang maabutan namin ang mga Hathor. Walang awa nilang pinaslang ang reyna ng Sapiro." Nakaramdam ng hiya ang mandirigma.

"Patawad po kamahalan at wala akong nagawa. Sa alaala ko ay ... ang nais lamang ng reyna noong huling sandaling iyon ay halikan at magpaalam sa iyong kapatid." Pinagmasdan ni Amihan si Ybrahim. Alam niyang hindi madali para sa rehav na marinig ang mga salitang iyon.

"Hinala ko na makakabuti kay Ybarro kung hindi niya malalaman ang katotohanan na siya ay isang rehav."

"Ybarro? Si Ybarro?" Nagulat ang reyna. "Kapatid mo si Ybarro?" Tumango si Ybrahim.

Hindi makapagsalita ang hara sa kanyang nalaman. "Mahal kong reyna?" Pagtataka ng prinsipe.

Sinagot ni Apitong ang katanungan sa isip ng rehav. "Nagkaroon ng ugnayan sa isang sanggre ang aking anak..." Mahinang bulong ng encantado. "Ang iyong kapatid..."

"Kay Alena..." Nagbalik sa gunita ni Amihan ang huli nilang pagkikita ni Ybarro.


SA LIREO (NAKARAAN)

"Sino ka magpakilala ka?!" Sigaw ng isang kawal. Napansin ni Amihan na tila ba may kaguluhan sa bungad ng palasyo.

Nakita ng hara na lumapit ang isang nilalang. Itinaas nito ang kanyang mga kamay bilang pagpapahayag ng mapayapa niyang hangarin. 

 

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
PINAGTAGPO, ITINADHANA-Ang Pagbabalik ng Tagapagmana(Encantadia/BOOK 2 COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon