CHAPTER THREE

101K 1.5K 51
                                    

ALEXANDER'S POV:

Nahilot ko ang sintido ko dahil nakakaramdam ako ng pananakit ng aking ulo, I sighed deeply at tumayo sa aking kinauupuan at humarap sa glass wall na nasa likuran ko kung saan makikita mo ang buong city.

Dumagdag pa sa sakit ng ulo ko ang babae na yun kahapon, I will never forget kung ano ang ginawa nya sa akin. How dare she na bastusin nya ako ng ganun?! Hindi nya ba ako kilala? She just made me look stupid infront of many people at talagang sa mismong restaurant ko pa?!

That day ay kaka-close ko lang ng deal sa may-ari ng restaurant kung saan ay binili ko ang property before that incident happened.

I sighed. "Fuck." I whispered out of frustration. I will make her pay. Ramdam ko naman na parang may pumasok sa opisina ko, kaya naman nilingon ko 'to mabilis na nag igting ang aking mga panga ng makilala ko 'to.

"You?"

PHOEBE'S POV:

Shet! Totoo ba 'to?! I gulped for the 9th time at halos di ako mapakali sa kinauupuan ko.

"Hmm. So you're applying for secretary?" Pagbasag neto sa nakakabingi katahimikan habang madiin na nakatitig sa akin. Halos walang lumalabas na kahit anong word sa bibig ko dahil nangunguna ang aking kaba. "I'm asking you." Madiin pero kalmado netong sabi. Tumingin naman ako sakanya at nakita ko kung paano mag igting ang mga pangga nya. Mygosh! Lupa kainin mo na ako.

"Y-Yes." Finally nasabi ko din. Sumandal naman ito sa upuan nya habang nilalaro ang ballpen na hawak nya, bakit ang gwapo nya? Shet! Phoebe ano ba!

"Okay, you're hired. You can start today." Halos manlaki naman ang aking mga mata sa sinabi nya. Totoo ba ang narinig ko? Hinired nya ako? Hindi ko maintindihan ko ano ang mararamdaman ko, matutuwa ba ako dahil may trabaho na ako or matatakot dahil mukang pinasok ko ang sarili ko sa impyerno.

"A-Ako?" Nauutal ko pang tanong at turo sa sarili.

"May iba pa tayong kasama dito?" Pamimilosopo nyang tanong. Bwisit talaga 'tong lalaki na 'to. I just roll my eyes in the back of my mind at bahagya na lang tumango sakanya. "All right then. Your place will be there." Turo nya sa may maliit na opisina na hindi ko yata napansin kanina. "You can go there and start your job, if you have any question you can see the number of chelsea on the desk, you can call her." Plain netong sabi. Tumango lang ako at tumayo na upang magtungo sa opisina na itinuro nya sa akin.

Napatigil naman ako ng marinig ko syang magsalita. "To start your day, make me a coffee." I roll my eyes dahil naiinis ako. 

I sighed secretly and replied. "O-Okay." at nagpatuloy na maglakad pero di pa ako nakakalayo ay narinig ko na naman syang nagsalita.

"Sir." Plain netong sabi, humarap naman ako na may malaking question mark sa muka ko. "Call me sir." Sabi neto na may pang-aasar sa tono habang patuloy parin sa paglalaro sa ballpen na hawak nya. He smirk. Gusto ko syang sapakin dahil sa nakakaloko nyang ngiti.

I need this job at para makeep ko 'to ay kailangan kong makisama sakanya. "O-Okay, sir." I said at tumalikod na at mabilis na nagtungo sa pwesto ko. "Bwisit talaga. Sa dami-daming tao sa mundo bakit kailangan sya pa?" Naiinis na bulong ko sa sarili ko at ginulo-gulo ko pa ang buhok ko. "Kainis." Gigil na sabi ko pa.

5 Hours later...

*Ring*

Argh! Bwisit talaga! Nang aasar ba tong baliw na 'to?! Inis ko naman pinindot ang intercom na nasa gilid ko lang. "Yes sir?" Malumanay kong sabi pero gusto ko na syang murahin sa inis.

"Where's the documents that I'm asking?" Sagot neto sa kabilang linya. I sighed. Hindi na ako matapos tapos sa ginagawa ko dahil simula nung umupo ako dito ay hindi pa umiinit ang pwetan ko sa upuan ay ang dami nya na kaagad inuutos at hindi ko pa alam ang iba kaya halos minu-minuto din akong natawag kay chelsea para magtanong at humingi ng tulong at buti na lang ay hindi nag sasawa.

"5 minutes sir, almost done." Sagot ko at umakto pa ng suntok sa intercom dahil naiinis na talaga ako.

"I want it in 2 minutes."  Sabi neto sa kabilang linya. Hindi na ako nakasagot dahil naputol na ang koneksyon sakanya.

Pumikit ako ng madiin at bumuga ng malakas na hangin. "Did I sent myself to hell?" Bagsak kong tanong. Humarap naman na ako sa computer ko at tinapos na ang hinihingi nyang documents sa akin.

Ilan minuto pa ang dumaan ay natapos ko na rin ang mga documents at mabilis itong pinrint dahil kanina pa tawag ng tawag din yung monster don sa kabila. Nang matapos ang pag printa ng mga papel ay agad ko naman itong hinatid sakanya. "I said I want it in 2 minutes." Ramdam ko ang inis sa pagkakasabi nyang yun at halos manlambot ang mga tuhod ko ng titigan nya ako.

I gulped. "S-Sorry sir, h-hindi po kasi-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng putulin nya ako. "I don't need your excuses." Irita netong sabi at tsaka kinuha nya sa akin ang mga papel na hawak ko.  Bwisit talaga tong lalaki na 'to, sa tingin nya ba kaya kong matapos ng 2 minutes yun sa dami at sunod-sunod nyang utos. "What?" Singhal nya pa.

"Sorry." Sabi ko at mabilis na umalis sa harapan nya. "Demonyo talaga." Bulong ko pero mukang hindi sya bulong dahil mukang narinig nya.

"What did you just say?" Napahinto naman ako doon. Napapikit naman ako ng madiin at bahagyang binatukan ko ang sarili ko. Tanga mo talaga Phoebe!

Humarap naman ako sakanya at ngumiti. "Wala sir, sabi ko ipagtitimpla ko ho kayo ng kape." Palusot ko habang nakangiti at patagong nag cross finger.

Umirap lang ito sa akin. Inirapan ko din sya at mabilis na tumalikod na at nagtungo sa pantry para gawan sya ng kape.

Makakatagal kaya ako dito?


Xrine13

MY POSSESSIVE BOSS -Under RevisingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon