CHAPTER 37

12.2K 179 9
                                    

PHOEBE'S POV

"Hubby anong gusto mong panuorin?" Tanong ko habang iniisa-isa kong tinitignan ang mga movies cd dito sa maliit na kabinet dito sa loob ng kwarto namin. Napatango-tango naman ako dahil ang dadaming magaganda na movie na hindi ko pa napapanuod at romance din pero gusto kong manuod ng horror movie. Hehehe.

"Hubby bakit ba ayaw mong magsalita" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng lingunin ko siya at busy siyang nakatutok sa loptop niya. Tss, kaya pala ayaw akong sagutin busy naman pala. Ano naman kaya ang pinagkakaabalahan niya? Linggo ngayon at wala siyang pasok sa opisina and he promised that we were going to have a movie marathon today, dahil sa busy siya noong mga nakaraang linggo at hindi na kami halos nagkakasama at paminsan-minsan lang kaya gusto niya daw bumawi sa akin today pero mukang trabaho parin ang iniisikaso niya.

"Come here wife. I want you to see this." Sabi niya habang sa loptop niya pa rin siya nakatingin. Ibinaba ko naman ang mga hawak kong cd at tsaka nagtungo sakanya.

"Akala ko ba manunuod tayo? Pero mukang trabaho mo pa rin ang iniisikaso mo." Malungkot na saabi ko ng makalapit sakanya. Tumigil naman siya sa ginagawa niya at tinignan ako.

"I'm not working wife." He said at hinila ako paupo sa legs niya.

"Ano—" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng mabasa ko ang pinagkakaabalahan niya. "Names of babies?" Nagtataka kong tanong sa nakalagay.

Nakangiti naman siya na tumango-tango sa akin at dinampian ng halik ang balikat ko at tsaka iniscroll down ang mga pangalan ng babies na nakasulat sa microsoft word sa loptop niya. Halos lumuwa naman ang mga mata ko dahil 15 pages yon! "A-Ang dami naman niyan. Saan mo nakuha yan?" Nagtataka kong tanong sakanya. OA man pero totoo! Jusko!

"The other names I asked from my friends and the other names is from me and the other is from google." Sagot niya.

"Kanino mo ba ipapangalan ang mga names na yan?" Takang tanong ko. Wala naman akong matandaan na may manganganak sa side nila at lalong wala naman sa side namin.

"To our future babies." Simple niyang sagot at halos malaglag ang panga't mata ko dahil sa sinabi niya.

"A-Ano?" Naguguluhan kong tanong. "Seryoso ka ba?" I added.

"Uhuh." Sabi niya habang tumatango-tango pa. I gulped hard. Siomai na malagkit!

Bigla naman ako nakaramdam ng pamumula ng pisngi ng maalala ko ang mga araw na may nangyari sa amin. Nung may nangyari sa amin ay halos gawin na naming hobby yon gabi-gabi at nahinto lang iyon nung naging busy siya sa LEC and I think kagabi na lang ulit nang may mangyari sa amin. Haist! Ano ba yang pinag-iisip mo Phoebe Dianne!

"Ilan ba ang gusto mong maging anak?" I hesistantly asked him.

He touches his chin while thinking. "I want a basketball team and two girls who'll cheers to their brothers." Simple na sabi niya na para bang ang dali-dali lang ng mga gusto niya.

My eyes widened. "Seryoso ka ba?" Sabi ko habang nakatingin sakanya. Anong akala niya sa panganganak? Madali lang?

MY POSSESSIVE BOSS -Under RevisingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon