CHAPTER 17

22.4K 335 18
                                    

PHOEBE'S POV:

Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Napabalikwas ako ng bangon dahil napagtanto ko na umaga na pala. Oh crap! Agad kong nilingon ang alarm clock ko at nakita ko na 7:26 na ng umaga. Oh shit! Kinuha ko naman ang cellphone ko dahil baka tumawag doon si Aj o kaya nag text pero napatampal na lang ako sa noo ko ng maalala ko na binali ko nga pala kagabi ang simcard ko dahil sa unknown number na nanakot sa akin.


Nagmamadali na lang ako tumayo sa kama ko at dumeretso sa banyo para makaligo, nagmamadali lang ako dahil late na rin ako sa trabaho ko, baka tinawagan ako ni Aj kagabi at cannot be reach ako dahil binali ko ang simcard ko, magpapaliwanag na lang ako mamaya. Mabilis lang ako nag shower at pagkatapos ko ay naghanap na ako ng masusuot ko, nag pink floral dress lang ako at black sandals at black cardigan.


Ngayon ko lang din naaalala na nakatulog pala ako na hindi nakakapag palit ng damit, nakatulog akong nakadress at naka full make up. Napailing na lang ako at nag lagay na lang ng light lipstick at dali-dali ko ng kinuha ang shoulder bag ko at lumabas na ng kwarto, pero bago ako tuluyang lumabas ay pinatay ko muna ang aircon ko dahil napagtanto ko na dalawang araw na siyang naka bukas at walang patay-patay kaya tuloy sobrang lamig ng kwarto ko. In-off ko muna lahat ng electricity ko sa loob ng unit ko bago ako tuluyan lumabas at nilock 'to at nagmamadali na akong nagtunggo sa elavator.


Ilang minuto lang ay nakarating na ako sa ground floor kaya nagmamadali na akong lumabas ng lobby. "Good morning po, mam." Ngitian ko at tinanguan ko ang guard na bumati sa akin na guard nitong condo na tinutuluyan ko.


"Good morning din po." Bati ko pabalik at nagpatuloy na sa paglalakad. Nagpalinga-linga ako dahil walang nadaan na taxi kahit isa man lang. Ano busy lahat ng taxi?! Ngayon pa talaga kong kailan nagmamadali! Agad kong pinara ang taxi na mukang papalapit sa akin at huminto 'to, dali-dali naman akong lumapit at may bumaba dito na mag-ina na mukang kagagaling lang sa pag g'grocery.


Nang makababa na ng tuluyan ang mag-ina ay sumakay na ako kaagad. "Manong, sa LEC po." Sabi ko at agad namang ding umaandar.

*****

"Eto po ang bayad." Sabi ko at inabot ko ang bayad ko. Bumaba na ako at nagtunggo na agad sa entrance ng LEC.


"Morning po, mam!" Nakangiting bati sa akin ni kuya bert at nagsaludo sa akin.


Ngitian ko naman siya. "Morning rin po, kuya berto!" Sabi ko at tinap ko na ang ID ko bago ako pumasok ng tuluyan.


Napatingin ako sa wrist watch ko at napatakbo na ako papuntang elavator ng makita ko na 8:05 na. Naku, late na naman ako!


*TING!*


Nagmadali na akong lumabas ng makarating na ako sa CEO floor. Napakunot noo ako ng wala akong naabutan na Aj na nakaupo sa swivel chair. Hindi ba siya pumasok? Pero, bakit naman? Simula ng matangap ako bilang secretary niya ay wala pa siyang absent na nagagawa, ngayon lang kong absent siya. Bigla naman akong nakaramdam ng pag-aalala kong absent nga siya, may nangyari ba sa kanya kagabi? Ipinlig ko ang ulo ko para mawala sa isipan ko 'yon. Baka nalate lang 'yon, ipinilig ko ang ulo ko, iyon malalate? Daig pa nga yata nun si haring araw dahil lagi siyang nauunang pumasok dito kaya imposible.


Dumeretso na lang ako sa desk ko at umupo doon at binuksan ang computer ko upang makapag simula na ako sa mga dapat kong gagawin, i-chachat ko na lang siguro siya at sasabihin ko na binali ko ang simcard ko kaya di niya ako ma kontak-kontak, I will explain to him why.


MY POSSESSIVE BOSS -Under RevisingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon