CHAPTER 15: Raining
Yulo’s Point Of View
Nandito ako ngayon sa labas ng cafeteria habang ang kanang kamay ko ay nagsasalo ng malalaking butil ng ulan. Hindi na alam kung ilang minuto na akong nakatayo dito. Sabado ngayon at walang pasok saka inihinto na muna ang training namin dahil sa lakas ng ulan.
“Yulo!”
Napalingon ako sa tumawag sa akin at nakita ko si Kuya Levi humahangos. Kaya tiningnan ko siya ng nagtataka.
“Nakita mo ba si Ice?”
Kasabay ng malakas na kulog ay ang pag-iling ko bilang sagot sa tanong ni Kuya Levi. Napahilamos naman siya sa mukha dahil sa inis at pangambang nakaukit sa mga mata niya.
”Damn that Ice! Nasaan na ba siya sa panahon ngayon? Wala siyang kasama!” Inis na sinambunutan ni Kuya ang buhok niya kaya napakamot ako sa ulo.
“Kuya Levi baka nandoon sa kwarto—”
“Wala siya roon! Nilibot ko na ang department namin idagdag mo pa ang field!”
Napaatras ako nang bigla siyang sumigaw. Mukhang na-realize ni Kuya Levi ang pagsigaw niya kaya siya humingi ng tawad.
“Gusto ko lang makita si Ice. Sa ganitong panahon, hindi siya pwedeng mag-isa,” mahinahong sambit ni Kuya Levi. Damang-dama ko talaga ang pag-aalala niya kay Ice.
Hindi ko maiwasang ngumiti. Kapag nandito rin ang mga kaibigan ko ay alam kong ganito rin ang gagawin nila kapag umuulan. Sa malamig na panahon na ito ay gusto mo talaga ng may kasama kaya siguro ay hinahanap ni Kuya Levi si Ice.
“Shit! Baka nandoon sa apartment niya—” Napahinto siya sa pagmamadali saka tumingin sa akin. “Pwede mo rin bang hanapin si Ice?”
Dahan-dahan akong tumango kaya ningitian niya ako saka kumaripas na siya ng takbo habang ako naman ay hindi ko alam kung saan sisimulan ang paghahanap kay Ice. Kinuha ko ang payong ko na nasa lamesa ng cafeteria saka tinahak ang landas papunta sa infield practice room. Kung wala siya sa kwarto ay paniguradong nagte-training siya. Pero ang sabi ni Kuya Levi ay nalibot na niya lahat.
“Yulo, saan ka pupunta?”
Ngumiti ako kay Romel saka kumagat sa chocolates na hawak niya. “Nakita mo ba si Ice?”
Umiling si Romel saka tumingin sa kasama niyang si Jinnrick kaya umiling din si Jinnrick.
Napakunot ang noo ko sa pagiging malapit nila sa isa’t isa pero hindi na ako nagtanong at nagpaalam na lang dahil hahanapin ko pa si Ice. Binuksan ko ng dahan-dahan ang pinto ng practice room saka agad itong pinasok.
Ilang minuto na rin akong naghahanap. Kahit saang sulok ko man tingnan ay hindi ko mahanap ang katawan ni Ice. Sa laki niyang iyon at sa tangkad ay kahit sapatos man lang ang magpakita o tsinelas ay tiyak na matatagpuan ko talaga siya.
Malungkot akong lumabas at sinarado ang pinto at napatalon ako sa gulat dahil sa malakas na kulog at may kasamang nakakapatay na kidlat. Mabilis akong naglalakad papunta sa equipment room. Doon nakalagay ang mga equipments na ginagamit sa baseball.
Nasa harap na ako ng equipment room. Imposible namang nasa loob si Ice dahil hindi naman ito masyadong malaki at marami ring gamit ang nasa loob. Napabuntong-hininga na lang ako habang kaharap ang pinto saka tumalikod.
Baka nasa bullpen si Ice?
Hahakbang na sana ako papalayo nang kumidlat na naman kaya napasigaw na ako saka nabitiwan ang payong na dala. Nakarinig din ako ng paghikbi sa loob ng equipment room kaya idinampi ko ang tainga ko sa pinto.
YOU ARE READING
Blame it on the Rain - [BL]✓
Romance(Rule Series #1) [ROUGH DRAFT: UNDER MAJOR REVISION] (WARNING: RED FLAGS + cliché!) Catcher x Pitcher