CHAPTER 03
Ice’s Point Of View
“Suntukin mo sa kabila!”
Napabuntong hininga ako habang nanonood sa isang practice match boxing. Halos hindi ko na maintindihan ang mga sigawan ng mga taong nandito. Kahit na practice match lang ito ay hindi pa rin mawawala na may magpustahan.
“O, Ice? Nandito ka pala.”
Agad akong napalingon nang may nagsalita. Nakangiting nakalahad na ngayon ang kaniyang kamay.
“Egnasio.” Agad kong tinanggap ang kamay ni Egnasio, sumalubong sa akin ang magaspang na may pangangatarungan niyang mga kamay. Hindi makakaila ang ilang taong naninirahan sa larangan ng boxing.
Ngumiti siya sabay punas ng kaniyang pawis. Napaismid na lang ako sa kaniyang mahinang pagtawa. “Kailan ang laban mo dahil manonood ako. Ang tagal mong nawala at noong nalaman ko na babalik ka ay hindi ko maiwasang matuwa.” Siya’y nabibighani pa sa kaniyang sinabi.
Napakamot ako sa aking ulo. “Sa susunod na buwan pa. Nandito lang ako para suriin ang mga galawan ng mga manlalaro.”
Ang bilis namang kumalap ng balita. Iilan pa lang ang nakakaalam na bumalik ako rito sa arena.
Umupo na siya kaya napaupo na rin ako sa kaniyang tabi. “Hindi ba bawal ka dito lalo na’t isa kang baseball player? Marurumihan mo ang team ninyo.”
“I quit. Matagal na.”
Nabigla siya sa sagot ko pero kalaunan ay napangiti na rin. “Welcome back?”
Napailing na lang ako sa sinabi niya.
“Ice! Nandito na naman ang kaibigan mo,” sigaw ng isang tauhan ng arena.
“That bastard!” Nagsimulang kumulo ang dugo ko sa narinig. I tried to calm myself down. “Sabihin mo na wala ako.”
Napakamot siya sa kaniyang batok. “Sinabi ko na—”
“Gumawa ka ng paraan para mataboy siya!” Halos mapaos na ako sa aking sigaw. Wala na akong pakialam kung ano man ang masabi ni Egnasio.
Nanlaki ang mga mata nitong napaiwas ng tingin. “S-Sige.”
“Parang hindi ka na makahintay pang makaakyat sa ring,” Egnasio teased me, he even tap my shoulders.
Napapikit ako. I sighed, “I guess.”
Napangisi siya, tinuro pa ang ring. “Sa ring mo na lang ibuhos lahat ng dinadala mo. Dating gawi.”
Pagkaraan ng ilang minute ay napagdesisyunan na niyang umuwi. Patapos na rin ang laban kaya ang iba’y umuwi na. Tumingin ako sa ring. Dugo na ang nagsisilbing pawis ng isa, habang ang isa’y nagawa pang ngumisi. Alam na nila ang resulta.
Napailing na ako sabay talikod. Makauwi na nga. Agad kong kinuha ang phone ko sa bulsa. It’s already 12:45AM, I need to attend a meeting at 8:00AM.
I yawned. Maaga kaya akong magigising?
I decided to walk in the shortest way towards my apartment. Sumisipol pa ako sa nakabibinging katahimikan ng eskinitang dinadaanan ko.
“Ice.”
Napahinto ako sa paglalakad. Kahit na hindi ako lumingon ay kilalang-kilala ko ang boses nito. Napangiwi na lang ako sabay naglakad ulit. Rinig na rinig ko ang mga yapak niyang nakasunod sa akin.
Kailan pa ba siya titigil? Hindi ba siya napapagod?
“We’re practicing already together with the new players,” pagbabahagi niya. His voice is calm. Nakakapanibago.
YOU ARE READING
Blame it on the Rain - [BL]✓
Romance(Rule Series #1) [ROUGH DRAFT: UNDER MAJOR REVISION] (WARNING: RED FLAGS + cliché!) Catcher x Pitcher