CHAPTER 31: Boundary
Ice’s Point Of View
“Sana lahat excited sa pag-uwi kahit na pagod.”
Patuloy lang ako sa pagliligpit ng gamit ko at hinyaan na silang dumaldal.
“Oo nga. Sana lahat may naghihintay sa apartment sabay yakap at halik sa pisngi kapag nagkita kayo at may welcome home pa ’yan.”
Isinukbit ko ang bag ko sa balikat saka tiningnan sila ng masama. “All of you, shut up!”
Umubo ang isa. “Ibahin natin ang takbo ng istorya. Kapag nakauwi na si Ice ay madadatnan niya ang kasintahan niyang may kasamang iba.”
Napahigpit ang hawak ko sa sling ng bag at napaiwas dahil naaalala ko na naman ang tinatawag no Yulo na Icy kahapon.
“At higit sa lahat ay sa apartment pa niya—”
Isang malakas na tunog ang kumawala nang ipalo ni Alyssa ang metal na bat niya sa isang upuan kaya sira na ito ngayon.
“Anong gusto n’yong palo at ng matanggal na ’yang mga ngipin ni’yo?” Halos kinalabutan ako sa boses niya. Napatahimik na rin ang iba at napabalik sa kanilang mga ginagawa.
“Hindi gano’n si Yulo. One wrong story about him and I’ll be your strongest enemy in the diamond.”
Iyon ang mga katagang iniwan ko sa kanila bago nilisan ang silid. Nakangiti akong naglalakad papunta sa sakayan ng bus. Three days ko lang ’di nakikita si Yulo at nasasabik na akong makita siyang muli.
“Yulo?” sambit ko pagkapasok ko sa apartment na sobrang dilim kaya napakunot na ang noo ko. “Yulo?”
Bakit napakadilim? Umuwi kaya siya? Pumunta siya sa Aixon University at doon natulog? O—
Dali-dali kong binuksan at ilaw para puntahan ang kwarto.
“Welcome home and happy birthday!”
Napahinto ako at gulat na gulat na nakatingin kay Yulo na may hawak na cake sa kamay niya.“B-birthday?” Birthday ko ba? Napatingin ako sa lamesa na puno ng mga pagkain at masasarap pa pero ang pinakamasarap ay itong nasa harapan ko na ngayon ay nakangiti sa akin.
“Huwag mong sabihing nakalimutan mo?” “Alam kong pagod ka kaya umupo ka na at ng makakain na tayo.”
“Ako ang gumawa sa cake at hindi ko alam kung magugustuhan—bakit ka umiiyak?” gulat na tanong ni Yulo saka ibinaba ang cake sa lamesa at hinawakan ang magkabilang kamay ko. “Ayaw mo ba?”
“I’m... I’m just happy.” I hugged him and wiped my tears away. “Thank you.” 24 years na akong namumuhay sa mundong ito pero ito lang ang pinakamasayang birthday na natanggap ko. Damn! Hindi na bago sa akin ang makalimutan ang birthday ko. Hindi rin naman ako nagce-celebrate. But today, Yulo made it special just for me.
“Wait lang Ice, kukunin ko si Icy sa kwarto.”
Icy? Mabilis ko siyang binitiwan. “Si Icy sa kwarto?”
Malawal siyang ngumiti saka tinungo ang kwarto. Mapakla akong napangiti. Birthday na birthday ko pagkatapos ay kasama ’yong Icy? I’ll fuck Yulo in front of him right now.
Masayang lumabas si Yulo habang karga ang isang aso. “What’s with that dog?”
“His name is Icy. Ako ang nagpangalan at kinuha ko ’yon sa pangalan mo. Ito ang regalo ng mama mo sa ’yo. Hindi siya makakapunta dahil bumalik na siya sa States.”
So, all this time, Icy is just a dog? And I am jealous of a dog? Napatampal na lang ako sa noo ko. You’re such a petty man, Ice.
“Hey, Icy. Greet your father a happy birthday!” nakangiting usal ni Yulo.
YOU ARE READING
Blame it on the Rain - [BL]✓
Romance(Rule Series #1) [ROUGH DRAFT: UNDER MAJOR REVISION] (WARNING: RED FLAGS + cliché!) Catcher x Pitcher