chapter 2

23.5K 367 22
                                    

Kinabukasan ay pormal akong pinakilala ni Tiyang Melva sa mag-asawang Carson.

Noong una ay naguluhan pa ako kung sino sa tatlong hindi magkakamukha pero naggugwapohang triplets ang asawa ng napakagandang si Ma'am Kofie pero nang mahinahong ipaliwanag sa'kin ni Ma'am Kofie ang lahat ay ramdam kong tinakasan ako ng dugo sa mukha.

Muntik na akong himatayin sa gulat pero hindi sa panghuhusga sa relasyong mayroon sila kundi dahil nakaya ni Ma'am Kofie na pagsabayin ang tatlong lalaking nagsitikasan iyong mga katawan.

Si Ma'am Kofie ay normal lang iyong kaseksihan at medyo may kaliitan siyang babae pero sina Sir Kian, Sir Klaus at Sir Kevin ay may dugo silang imported kaya kitang-kita sa laki ng mga katawan at tindig nila ang pagiging extra large.

Ito pala iyong sinasabi ni Tiyang na kaibahan ng lifestyle ng mga magiging amo ko kaysa normal na relasyong nakasanayan ko.

Pwede pala ang ganito? Wala pa akong nabalitaang ganito rito sa Pilipinas kaya medyo nawindang ako.

Pure Pinay si Ma'am Kofie pero nakaya niyang pumasok sa ganitong relasyon pero kung ako ang nasa lugar niya ay mahihirapan din akong mamili sa triplets kong amo kasi nga walang itulak kabigin sa mga ito kahit na medyo may edad na sila.

Nahimasmasan lang ako sa mga nalaman ko nang ipakilala sa'kin iyong si Ma'am Khaila na nag-iisang anak nilang babae at ang asawa nitong isang tunay na prinsipe sa pinanggalingang bansa.

Parang gusto kong magtatalon kanina at magsisigaw nang ngitian ako ni Sir Prince Shawn... at kinausap niya pa ako at sinabing Kuya Shawn na lang daw itawag ko sa kanya kasi tinuturing nilang kapamilya lahat ng mga naninilbihan sa mga Carson.

Kinikilig ako pero pinipigilan ko lang baka magselos si Ma'am- este Ate Khaila. Gusto niya rin kasi Ate iyong itawag ko sa kanya. Gusto ko tuloy magpaampon pero dahil mahal ko ang totoo kong pamilya ay pinigil ko ang sarili ko.

Habang naglilinis ako sa nakatokang lugar sa'kin dito sa ground floor nitong malapalasyong mansion ng mga Carson ay hindi pa rin mawaglit-waglit sa mga labi ko ang ngiti dahil sa pagkakaroon ko ng instant Ate at Kuya.

At ang pinakamagandang balita ngayong araw ay ang kaalamang marunong mag- Tagalog lahat ng mga amo ko!

Iyong baon kong mga English ay hinding-hindi sila mauubos at pati dugo ko ay hindi matutuyo.

"Hooooy!"

"Ay! Pukeng*namo!!" Gulat akong napatingin sa pabiga-biglang gumambala sa pag-daydreaming ko.

Isang halos kaedaran kong babae ang nakangising nakatunghay sa'kin mula sa itaas ng isang hagdan na ginagamit sa pagkuha ng mga aklat na halos nasa kisame na nitong napakalaking library na kasalukuyan kong nililinis.

"Ako nga pala si Julienne! Ikaw ba iyong pamangkin ni Manang Melva?" magiliw nitong pakilala at tanong sa'kin.

Ah, ito siguro ang Julienne na anak ni Kuya Poloy.

"Oo, ako si Kaye-"

"Akala ko ba Kikay ang pangalan mo?" sansala nitong tanong sa pagpapakilala ko.

Napangiwi ako sa kanya at bahagyang napakamot ng buhok.

"Ang bantot pakinggan ng Kikay," nakangiwi kong reklamo.

Kikay for the Twins (SPG)Where stories live. Discover now