chapter 5

24.7K 442 125
                                    

"Tapos mo na ang iniutos ni Sir Kenzo?" Salubong ba tanong sa'kin ni Ate Yolly nang makabalik ako mula sa malaking bahay.

Nasa sala pa rin sila ni Tiyang at hindi pa tapos sa pimimili kung ano ang isusuot nila bukas. Excited masyado!

"May sumpong yata iyon kasi bigla na lang akong pinagsarhan ng pinto," nakanguso kong sumbong  bago tumabi kay Tiyang at nakiusyuso rin sa mga swimsuit na tinitingnan niya.

"Di na nakapagtataka iyon, maliban sa pamilya niya at kay Ving ay wala namang kahit sino na pinapapasok iyon sa silid niya. Ako nga ang tagal ko na rito pero ni silip doon ay di ko pa nagawa,"kwento ni Tiyang.

Sasang-ayong tango naman ang ginawa ni Ate Yolly.
Napaisip ako sa mga nalan ko nang maalala ko ang pinag-usapan namin ni Sir Kiro.

"Pero Tiyang may maganda po akong balita!" excited kong sabi.

"Ano iyon? Natsansingan mo si Sir Kenzo?" mulagat na tanong ni Ate Yolly na umani nang nanawsy na tingin mula kay Tiyang.

"Ito naman si Ate Melva, ayaw ni'yo niyon... malahian kayo ng isang Carson,"pilya nitong biro kay Tiyang  at kinindatan pa ako na ikinabungisngis ko na lang.

"Tumigil ka nga baka may ibang makarinig sa'yo... kung ano pa ang isipin," natatawa saway uli ni Tiyang dito.

Mukhang sanay na si Tiyang sa kapilyahan ni Ate Yolly.

"Paano ko tsatsansingan iyon eh hindi ko naman iyon type," seryoso kong saad na nagpamaang sa kanilang dalawa.

"Ate Melva, ito bang pamangkin mo ay may deperensa sa  mgamata o di kaya ay nahulog noong bata pa kaya medyo naalog iyong utak kaya hindi alam kung paano tumingin ng taong pwedeng pagnasahan, pagpantasyahan, pangangarapin at paglalawayan in short 4P's?" di maipinta ang mukhang tanong ni Ate Yolly kay Tiyang.

"Loko ka talaga Yolly, bata pa iyang si Kikay kaya normal naman siguro na hindi katulad ni Sir Kenzo ang type niya ," pagtatanggol  ni Tiyang sa'kin pero halatang di rin siya makapaniwalang 'di ko type si Sir Kenzo.

"Napaka naman! Iyon ngang mga
teenager na edad trese pataas ay tinitilian si Sir Kenzo kahit malaki agwat ng edad ni Sir sa kanila pero itong si Kikay na 7 years lang ang agwat ay di man lang type si Sir? Ano bang  lalaki ang type  mo? May mas gwapo ka bang kakilaka kaysa mga amo natin?" naiintrigang tanong ni Ate Yolly.

"Wala naman iyon sa hitsura Ate Yolly... at isa pa mas gusto ko iyong kagaya ni Sir Kiro."

Sabay na napaubo sina Tiyang Melva at Ate Yolly sa sinabi ko.

"Langya! Magkamukha naman ang dalawang iyon! Iyong iba nga hindi alam kung sino si Sir Kiro at sino si Sir Kenzo dahil photocopy talaga sila!" bulalas ni Ate Yolly.  "Akala ko naman ay iyong mga mukhang lamang-lupa ang type mo... pangit pero mabait but deep inside mga manloloko pa kaysa naturingang gwapo," may hugot na dagdag pa nito.

"Magkamukha nga pero magkaiba naman ang ugali nila. Ang bait kaya ni Sir Kiro," giit ko.

"Tama na iyan..., Baka may makarinig nakakahiya." Saway ni Tiyang Melva sa'min ni Ate Yolly. "Sabihin mo na lang ano iyong magandang balita," pag-iiba niya sa usapan.

"Pag-aaralin po ako ni Sir Kiro," masaya kong sabi.

Saglit lang na nagulat si Tiyang bago gumuhit ang isang malaking ngiti sa mga labi niya dahil alam niya na gustong-gusto ko talagang makabalik sa pag-aaral.

Kikay for the Twins (SPG)Where stories live. Discover now