CHAPTER 05

980 65 26
                                    

CHAPTER 05

Ice’s Point of View

Naging pipi akong nakatingin sa isang lalaki na may suot na wrist band na ngayon ay nasa bullpen at nag-pi-pitch. Bullpen ang tawag sa lugar kung saan nag-pa-practice o naghahanda ang mga players. It’s been four days since I played baseball and I didn’t expect to see him here.

“Ice!” tawag ni Levi sa akin pero sa pitcher lang ako nakatingin.

Bakit siya nandito?

Napalingon ang lalaki sa gawi ko nang lumapit si Levi sa akin, nanlaki ang mga singkit niyang mga mata pero kalaunan ay ngumiti ito saka tumakbo papunta sa akin.

“My catcher, what are you doing here?” nakangiting tanong niya habang tinatanggal ang glove na suot.

“Y-You! Why are you here?” I point my index at him. I’m thankful that my voice came out even if it’s cracking. I can’t believe he’s on my team. He’s one of our pitchers.

Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako o manghihinayang. I thought a year later, he would be my opponent that’s why I decided to play again. This is a disappointment.

“Kilala n’yo na ang isa’t isa?” nagtatakang tanong ni Levi habang nagpabalik-balik ang tingin aming dalawa.

Nakangiting tumango ang pitcher. “We became a battery last Saturday.”

“Oho. Battery?” nangungutyang saad ni Levi, tinaas-baba pa niya ang kaniyang kaliwang kilay sa akin saka tinuro ang pitcher. “So, he’s the pitcher you’re talking—”

“Shut up, Levi.” Pinutol ko na ang sasabihin niya. Hahaba lang ang usapan dahil alam kong may marami na naman siyang tanong na matutulad kahapon. I told him yesterday about this pitcher.

“Yulo! Kailangan na nating maglaro!” sigaw ng isang lalaki habang winagayway ang bat na hawak.

His name’s Yulo, huh?

“Sige, maiwan ko na kayo,” nakangiting paalam niya saka kumaripas na ng takbo papunta sa sa field.

“Base sa ngiti mo, my catcher, siya ang pitcher na nagpabalik sa ’yo sa baseball. Ang pulido mong pader na itinayo’y bigla na lang natibag,” biro niyang saad, napapaipkit pa habang ang tono niya’y tila siya ay nagtutula.

Hindi bagay sa kaniya ang maging makata.

I gave him a blank expression. I don’t want Levi to tease me or ask some questions regarding that pitcher. Just like on that sand baseball, my heart felt weightless and it leaps up with joy. This is weird.

“Gusto mo na bang bumalik?”

Lumapit ako sa isang vending machine na nasa bullpen saka kumuha ng gatas. “Noong nakaraang araw ko pa sinabi sa ’yo na babalik na ako.”

“Oo, alam ko. Alam rin ’yon ng mga kasamahan natin pero hindi ka pa nag-a-attend ng practice,” reklamo ni Levi, he even stomps his foot.

I sip slowly. “I’ll attend tomorrow.”

Napairap naman siya. “May practice game tayo bukas! Wala ka ng oras mag-practice.”

The practice game is also a practice. Ano ba ang kaibahan do’n? Tumingin ako kay Yulo na ngayon ay masayang naglalaro sa field. I want to see his expressions at the back of the home plate, crouching down while watching him pitch. I clench my jaw. Damn that pitcher! He’s messing with my decisions.

“Okay lang at least nalaman ko na siya ang pitcher ko.” Ramdam ko ang kabog ng puso ko.

Ito ang kauna-unahang masisiyahan akong maglarong muli. I don’t care if I fail again, as Yulo said, I really need baseball. Failure is part of our lives, we can’t avoid it. We need failures to move forward.

Blame it on the Rain - [BL]✓Where stories live. Discover now