CHAPTER 12

61 10 1
                                    

CHAPTER 12

KINABUKASAN SABAY SABAY KAMING pumasok ng maaga balak namin sabihin kay Raiko ang nalaman namin.

Ng makita ko sila na nag hihintay sa parking lot ay agad akong tumakbo papalapit sakanila.

Ngumiti ako sakanila nginitian din nila ako, sabay sabay kaming pumunta sa Library.

Nag taka man si Miss Shiela dahil kasama ko sila Jake sa ganitong oras, kadalasan kasi ay ako lang ang nag pupunta dito ng ganitong kaaga.

Binati namin siya at nag punta na sa dulong shelf.

Hindi ko nakita si Raiko kaya tinawag ko siya.

"Raiko!? Dito na kami where na you?" Tawag ko sakanya, ilang saglit lang ay biglang lumamig ang paligid.

"Miss me Baby?" Biglang may bumulong sa tenga ko kaya napaharap ako sa taong—este multo palang yun, kung hindi lang multo ang lalaking ito ay nahalikan kona ito dahil masyadong malapit ang mukha ko sa mukha niya agad akong umatras.

'Ok! Heart ayusin mo ang pag tibok mo!'

"Dun ka nga! Tsaka a-anong B-baby ka diyan?baby-hin mo yang mukha mo" Kunwaring inis na sabi ko, kailangan ko yung gawin para mawala ang kaba at hiya na nararamdaman ko kahit ako lang ang nakakakita sa kanya.

"Nandito na siya?" Tanong ni Eds, tumango ako

"Good, Tara upo muna tayo" Sabi naman ni Jake, naupo na kami sa lapag.

Ng makaupo kami ay wala na kaming inaksayang oras agad naming binalita sakanya ang napakagandang balita na yun.

Nakita ko ang pag kislap ng saya sa mga mata niya habang ibinabalita namin sakanya ang nalaman namin, kitang kita ko sa mata niya ang pag asa.

"Maraming salamat sainyo, hindi ko alam kung paano ako mag papasalamat" Mangiyak ngiyak na sabi ni Raiko

"Salamat daw sabi ni Raiko" Sabi ko sakanila

"Wala yun Bro, kahit binabagsakan mo ako ng mga libro nung una bati pa rin kita" Sabi ni Jake habang nakangiti

"Oo nga Raiko, wala yun gwapo ka naman eh" Sambit naman ni Eds,

'oh no bakit sinali mo pa yung GWAPO thing na yan!?'

"Mas gwapo ako kapag nakabalik na ako sa katawan ko" sabi niya napairap nalang ako, ayan may malamig at malakas nanamang hangin ang nag babadya,tsss sinali pa kasi

"Anong sabi?" Tanong ni Eds, inirapan  ko si Raiko kasi nakangisi ito.

"Eds wag mo ng sinasali ang gwapo sa topic, lalong Lumalaki ang ulo ng multong yan eh" Sabi ko sakanya natawa silang tatlo.

"Group hug tay—ay hindi pala makakasali si Raiko hehehe, tayo nalang tatlo" Sabi nalang ni Eds at nag yakap kaming tatlo pero sumali si Raiko kahit hindi niya kami nahahawakan, napangiti ako dahil gininaw sila Eds maging ako dahil sa pag yakap rin ni Raiko

Nag usap-usap pa muna kami bago kami tuluyang lumabas sa Library na nakangiti. Nakangiti rin si Raiko nung iwan namin siya.

LAGI NAMING INA-UPDATE SI RAIKO sa mga ginagawa namin. Lagi kaming nag pupunta sa Lishian hospital kung saan naroon siya, lagi rin naming nakikita sila Andrew at Shane dundun.

Hindi pa rin kami pwede pumasok sa kwarto niya, may kailangan lang kaming kuning bagay para madala na sa nakakilala kong esperitista na kayang ibalik ang kaluluwa niya sa katawan niya.

Nakakatuwa dahil habang tumatagal ang pagkikita at pagsasama namin ay mas nagiging kalmado ang itsura niya. Hindi na siya mukang laging galit at hindi narin siya masungit. Mas lumala nga lang ang pagiging mahangin at ang pag bubuhat niya sa sariling bangko at lamesa. Parehas sila ni Jake.

The Man in the LibraryWhere stories live. Discover now